Habang nagkaka-edad, dumadami na ang masasakit sa ating katawan. Kung dati, sakit sa tiyan lang dahil sa kinain, o sakit sa ulo dahil sa stress lang ang iniindi, ngayon ay may pananakit na rin sa balakang, sa tuhod, sa likod, at sa iba pa. Alamin natin ang ilan sa mga dahilan kung bakit tayo naaabala ng sakit ng katawan.
Para sa mga mahilig manood o sumali sa sports, malamang ay narinig o naranasan niyo na ang mga sakit na “hamstring injury,” “ankle sprain,” “ACL tear,” at “knee injury.” Common injuries ang mga iyon sa atleta, o sa mga mahilig mag-ehersisyo. Pero para sa mga hindi gaanong pamilyar, ano nga ba ang ibig sabihin ng mga salitang iyon?
Maari natin silang hatiin sa dalawang kategorya: muscle strain at muscle sprain.
Ang strain ay injury sa tendons o muscle fibers, dulot ng overstretching o overuse ng mga ito. Nagkakaroon ng punit sa mga muscle fibers, na nagbubunga sa pananakit. Sa kabilang banda, ang sprain naman ay ang injury sa litid o ligament. Kung may biglaan o maling banat sa ligament, nagkakapunit rin ito at sumasakit.
Nabanggit sa unang bahagi ang ilan sa mga karaniwang sports injuries na nagreresulta sa muscle pain. Alamin natin kung ano ang ibig sabihin ng mga ito, at kung ano ba ang ibang common sports injuries.
- Ankle Sprain: Ang maling pag-ikot o pag-twist ng ankle. May kahinaan ang mga kalamnan dito, kaya madaling magkaroon ng damage.
- Groin Pull: Para sa mga lalaki, ang hindi tamang pag-galaw ng binti ay maari maging sanhi ng strain sa inner thigh muscles, o groin. Mga basketball at football players ang kadalasang nakakaranas ng groin pull.
- Hamstring Pull: Ang pagsipa, o masamang pagkahulog ay nakaka-cause ng overstretching ng hamstring (ang mga laman sa likod ng hita).
- Shin Splint: Dahil sa pagtakbo o pagjogging, posibleng magka-pain sa lower legs.
- ACL Tear: Dugtungan ng tuhod at binti ang ACL. Napupunit ang ACL kapag may biglaang pag-galaw, o ang physical impact sa gilid ng binti. Nagiging sanhi ito ng knee pain.
- Tennis Elbow: Nagkakaroon ng maliliit na punit sa siko gawa ng paulit-ulit na paggamit ng nito.
Kung titingnan, maling pag-galaw o pagbanat ang sanhi ng karamihan ng sports injuries na sanhi ng pananakit ng katawan. Umiwas dito sa pamamagitan ng mga stretching exercises. Epektibo ito bilang warm up para sa mga pisikal na aktibidad, o bilang daily routine lamang para ma-ehersisyo ang katawan.
Bukod pa sa mga physical injuries ang mga sakit at kondisyon kung saan makakaramdam ang muscle pain. Depende sa sakit, pwede maging localized sa isang area ang pananakit, at pwede ring madama ito sa buong katawan. Narito ang dalawa sa mga kondisyon na ito:
Fibromyalgia
Minsan, isang bahagi lang ng katawan ang sumasakit. Pero sa fibromyalgia, kalat ang pananakit sa iba’t ibang parte ng katawan - mayroong headache, lower at upper back pain, shoulder pain, foot at leg pain, neck pain, at iba pa. Dahil sa widespread pain na iyon, nagiging abala ang fibromyalgia. Posibleng magkaroon ng fatigue, ng hirap sa pagtulog, at ng kawalan ng focus at mental strength.
Sa ngayon wala pang tiyak na pinanggagalingan ang fibromyalgia, ngunit may mga posibleng factors na pwedeng magdala ng ganitong kondisyon. Infections, genetics, trauma at stress ay ilan lamang sa mga rason na ito.
Kasu-kasuan naman ang nadadale ng arthritis. Sa sakit na ito, mayroong joint pain, stiffness, pamamaga, at hirap sa paggalaw.
Importanteng malaman na higit sa isa ang mga uri ng arthritis. Dalawa sa mga karaniwang klase ng arthritis ay ang osteoarthritis at rheumatoid arthritis.
Kung may osteoarthritis, unti-unting nasisira ang cartilage sa gitna ng mga joints, kaya kumakayod na ang mga buto sa isa’t isa. Regular na wear and tear ang sanhi ng osteoarthritis - dumadating ito habang tumatanda dahil padagdag ng padagdag ang damage sa mga kasu-kasuan. Sa rheumatoid arthritis naman, inaatake ng immune system ang soft tissue sa joints. Genetic ang sanhi ng rheumatoid arthritis at hindi injury o damage, kaya mahalagang alamin ang family history para alam kung at risk ka sa kondisyon na ito.
Fibromyalgia at arthritis ang dalawa lamang sa maraming sakit na nagdadala ng body pain. Ang iba pang kondisyon na hindi gaanong karaniwan ay ang hypothyroidism, chronic fatigue syndrome, flu, at lupus.
Tamang Alaga sa Pananakit ng Katawan
Injury man o sakit ang sanhi, may mga solusyon para sa body pain. Isa na dito ang ehersisyo at therapy, para maibsan ang sakit at para madagdagan ang lakas at stamina ng katawan. May mga pagkain rin na makakatulong. Isama sa regular na diet ang salmon, sardinas, cranberry juice, yogurt at kape. Option rin ang pag-inom ng mga over-the-counter na gamot, kabilang ang Celecoxib at Naproxen.
Alalahanin lamang na mabuti pa ring magpatingin sa espesyalista kung may nararamdamang pananakit sa katawan, upang mabigyan ng tamang payo.
References:
- https://www.healthline.com/health/arthritis#causes
- https://www.healthline.com/health/fibromyalgia#risk-factors
- https://www.healthline.com/health/osteoarthritis#osteoarthritis-causes
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fibromyalgia/diagnosis-treatment/drc-20354785
- https://www.mayoclinic.org/symptoms/muscle-pain/basics/causes/sym-20050866
- https://www.prevention.com/health/a20461214/10-healing-foods-that-fight-pain/
- https://www.webmd.com/men/features/seven-most-common-sports-injuries#1