Pain Management sa Umaga: Paano Maiiwasan ang Body Pain Pagkagising?

October 31, 2018

Hindi na bagong challenge ang pagsakit ng katawan sa umaga lalo na kapag may mabigat na activity bago nagpahinga. Isa ito sa mga dahilan kung bakit minsan ay nahihirapan tayo sa pagbangon at pagsisimula ng ating araw.

 

Salungat sa paniniwala, hindi lamang baluktot na pwesto habang natutulog ang nagdadala ng pananakit ng katawan sa umaga. Narito ang ilan sa mga kilalang sanhi ng body pain at ang mga katapat nitong pain management prevention tips:

 

Mga Sanhi ng Pananakit ng Katawan at Tips on How to Get Rid of Body Pain

 

Cause #1: Natural na pagpipigil ng katawan

 

Tuwing may sakit, laging ipinapayo ng mga eksperto ang pagkakaroon ng sapat na tulog. Napapansin mo ba na anumang sakit na nararamdaman sa iyong katawan ay tila naiibsan at nawawala habang natutulog? Ito ay dahil sa natural na pagpipigil ng katawan sa inflammation habang nakapahinga ito. Bilang resulta, ang pamamaga at pananakit sa mga kalamnan at kasukasuan na pansamantalang sinugpo ng katawan ay mararanasan kapag nagigising.

 

May kinalaman dito ang protein sa cells na tinatawag na cryptochrome na responsible sa pagpapatakbo ng ating body clock o circadian rhythm. Natutukoy nito ang sleep schedule ng isang tao, at ibinababa ang inflammation levels sa mga oras na naka-shut down ang katawan.

 

Pain Management Tip: Siguraduhing may sapat at regular na sleep schedule. Sa ganitong paraan, madali mong mapaghahandaan ang body pain na maaaring maranasan sa umaga.

 

Cause #2: Stress

 

Kapag stressed, hindi makontrol nang maayos ng immune system ang pag-respond nito sa inflammation. Dahil dito, tumataas ang risk ng pagkakaroon ng body ache dahil napapababa ng stress ang depensa ng katawan sa inflammation at infection. Mapapansin na kapag natulog sa gabi nang maraming concerns, mabigat ang pakiramdam ng katawan pagbangon sa umaga.

 

Pain Management Tip: Ilan sa mga stress management techniques na pwede ninyong gawin ay ang pagme-meditate, paglalakad, pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay tungkol sa inyong stressors, at pagre-relax ilang beses sa isang araw.

 

Cause #3: Sipon o Trangkaso

 

Kasama sa mga sintomas ng colds at flu ang pananakit ng katawan. Kapag inatake ng impeksyon ang katawan, sinusubukang labanan ng immune system ang viruses. Bilang resulta, maaaring makaranas ng body pain dahil sa ginagawang depensa ng katawan laban sa sakit.

undefined

Image from Unsplash

 

Pain Management Tip: Kinakailangan ng sapat na pahinga, maraming fluids, at gamot laban sa sipon at trangkaso para maibsan ang pananakit ng katawan. Pwede ring uminom ng gamot para sa sakit ng katawan gaya ng ibuprofen o paracetamol. Para naman makaiwas sa mga sakit na ito, isama ang pag-inom ng Vitamin C sa inyong diet upang mapalakas ang immune system.

 

Cause #4: Dehydration

 

Malaki ang ginagampanan ng tubig para sa normal at healthy na pagtakbo ng body processes araw-araw. Kapag kulang ang iniinom na tubig sa loob ng isang araw, nahihirapan ang katawan na gawin ang mga prosesong ito gaya ng digestion at breathing. Isa sa mga resulta ng dehydration ang pananakit ng katawan.

 

Pain Management Tip: Siguraduhing nakukumpleto ang pag-inom ng 8-10 na basong tubig sa maghapon. Maghanda rin ng tubig-inumin malapit sa iyong tinutulugan. Huwag mag-atubiling uminom ng tubig kapag naaalimpungatan sa pagtulog lalo na kapag mainit ang panahon.

 

Cause #5: Anemia

 

Nagkakaroon ng anemia kapag hindi sapat ang healthy red blood cells o hemoglobin sa dugo na nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan. Dahil dito, maging ang muscle tissues ay hindi nakakapag-function nang maayos. Ang deficiency rin na ito ang nakakapagparamdam sa katawan nang pagkapagod o fatigue sa kabila ng sapat na pahinga at tulog.

 

Pain Management Tip: Mainam na tukuyin muna kung anong deficiency ang nagsanhi ng iyong anemia. Maaaring ito ay kakulangan sa iron, folate, o Vitamin B12. Kumonsulta muna sa doktor para malaman kung anu-anong supplements ang pwede mong inumin.

 

Cause #6: Vitamin D Deficiency

undefined

Image from Unsplash

 

Ang Vitamin D ay natural na nakukuha sa sikat ng araw at nakokonsumo sa mga fortified na produkto o pagkain. Kapag may hypocalcemia o mababang blood calcium level, nahihirapang mag-function ang muscles at bones sa katawan dahil nangangailangan ito ng calcium. Kailangan naman ang Vitamin D para ma-absorb ng katawan ang calcium na nakukuha nito sa pagkain.

 

Pain Management Tip: Magkaroon ng sapat na calcium intake araw-araw sa pamamagitan ng pag-inom ng gatas, pagkonsumo ng poultry products gaya ng eggs at cheese, at pag-inom ng calcium supplements kung kinakailangan. Siguraduhin ding mayroong nakatakdang oras para makakuha ng Vitamin D ang katawan mula sa araw sa pagitan ng 6 hanggang 9 AM. Pwedeng maglaan ng 10-15 minutes na paglalakad o jogging sa labas para dito.

 

Cause #7: Iba’t Ibang Health Conditions

 

Ang mga sakit gaya ng arthritis, fibromyalgia, at pneumonia, lupus, multiple sclerosis, at mononucleosis ay maaaring magsanhi ng pananakit ng katawan. Dahil nakasentro ang mga kondisyong ito sa pamamaga o impeksyon sa joints, tissues, at nerves, nagkakaroon ng body pain dala ng hindi normal na pag-function ng iba’t ibang parte ng katawan dahil sa sakit.

 

Pain Management Tip: Ang mga kondisyon na ito ay nadidiskubre lamang sa pagkakaroon ng regular na check-up sa doktor, pagiging maalam sa family health history, at pagbabantay sa mga dala nitong sintomas. Kung mayroon naman ng diagnosis ng kahit ano sa mga ito, sundang mabuti ang tamang nutrisyon, ehersisyo, at medication na angkop sa sakit ayon sa inyong spesyalista.

 

Kailan ako dapat magpatingin sa doktor?

 

Bagama’t madaling lampasan ang body ache o body stiffness sa umaga, maaaring sintomas ito ng mas malalim na health condition lalo na kung may kasama nang:

  • Pagiging hirap sa paghinga;
  • Kawalan ng gana kumain o uminom;
  • Pagkahimatay;
  • Seizures;
  • Labis na pagkapagod o overfatigue; o
  • Malubhang ubo na tumatagal nang ilang araw.

Ipinapaalala na kapag mayroon na ng mga sintomas na ito nang mahigit dalawang linggo, kumonsulta agad sa doktor para matukoy kung ano ang nagsasanhi ng pananakit ng katawan sa umaga.

 

Sources:

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/muscle-pain

https://www.prevention.com/health/a20476671/this-is-why-everything-hurts-in-the-morning-according-to-science/

https://www.healthline.com/health/body-aches#multiple-sclerosis