Paano nagkakaroon ng Bulutong?
Karaniwang sakit sa mga bata ang bulutong o chicken pox ngunit ano nga ba talaga ang sakit na ito?
Ang bulutong o chicken pox ay isang sakit kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng mga kakaibang butlig at singaw sa balat.
Ito ay airborne disease o sakit na kumakalat sa pamamagitan ng hangin. Kadalasang nagkakaroon ng sakit na chicken pox o bulutong tubig kapag nahawaan ng virus na varicella zoster.
Mga Sintomas ng Bulutong
Ang mga sintomas ng bulutong ay lumalabas lamang matapos ang 10 hanggang 21 araw pagkatapos ma-expose sa varicella zoster virus.
- Rashes
- Lagnat
- Ubo
- Sakit ng ulo
- Kawalan ng gana kumain
- Pakiramdam na pagod
Kapag lumabas ang rashes, may tatlong phases ito:
- Maliliit na mga pantal na parang tigyawat na kumakalat sa buong katawan matapos ang ilang araw.
- Nagkakatubig ang mga pantal na parang lumolobong balat (vesciles). Ito ang phase kung saan pinaka-nakakahawa ang bulutong.
- Crusts sa mga parteng tumubo ang bulutong. Ang crusts ay mukhang natuyong balat na makati at nagiging peklat kapag kinamot. Ito rin ang senyales na malapit nang gumaling ang pasyente.
Photo from Pixabay
Nakakahawa nga ba talaga ang chicken pox?
Ang chicken pox o bulutong ay lubhang nakakahawa. Kumakalat ang chicken pox virus sa pamamagitan ng hangin (pag-ubo at pagbahin) o sa pamamagitan ng talsik ng laway. Kinakailangan na manatili lamang sa bahay ang pasyente na may chicken pox upang hindi na ito makahawa.
Ano ang gagawin kapag may Bulutong?
- Huwag kamutin ang balat dahil ito ay maaaring magsugat at maglabas ng likido na maaaring makahawa.
- Gumamit ng relief cream tulad ng RiteMED Calming relief cream
- Bantayan nang mabuti ang pasyente kung siya nahihilo ng sobra, hindi makahinga o may pulmonya. Kapag ganito ang nararamdaman ng pasyente, dalhin agad sa doktor at magpacheck-up.
Paano maiiwasan ang bulutong o chicken pox?
Isa sa pinakamabisang paraan para makaiwas ang mga kids sa bulutong ay ang chicken pox vaccine. Dalawang shot ng chickenpox vaccine ang kailangan para sa mga hindi pa nagkakabulutong o hindi pa nababakunahan.
Inirerekomenda ng mga doktor na magkaroon ng first shot ng vaccine ang isang bata kapag sila ay 12 to 15 months old at booster kapag sila naman ay 4 to 6 years old.
Maaaring magpakonsulta sa doktor tungkol dito upang magkaroon ng angkop na proteksyon laban sa sakit.
Isa rin sa mga maaaring ireseta ng doktor para malunasan ang chicken pox ay ang RiteMED Aciclovir. Tandaan, magtanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot.
References:
https://www.webmd.com/children/what-is-chickenpox
https://www.cdc.gov/chickenpox/about/prevention-treatment.html
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/chickenpox
https://www.nhs.uk/conditions/chickenpox/
https://kidshealth.org/en/parents/chicken-pox.html
https://www.healthline.com/health/chickenpox