Nakararanas ka ba ng paghirap sa paghinga or pagsakit ng dibdib sa paggawa ng mga simpleng gawain bahay? Ang mga ito ay maaaring senyales ng problema o imbalanse sa cholesterol. Mayroon tayong dalawang uri ng cholesterol sa ating katawan, pero bago yan pag-usapan muna natin kung ano ang cholesterol.
Ang cholesterol ay isang uri ng fat na natatagpuan sa ating dugo. Ito ay ginagawa ng ating atay para sa ating katawan, at nakukuha rin natin ito mula sa mga pagkain tulad ng karne, isda, itlog, at mga dairy products. Kailangan ng ating katawan ang cholesterol dahil nakakatulong ito para gumana nang maayos ang ating utak, balat, at mga kalamnan. Pero ang pagkasobra nito ay nakasasama sa ating kalusugan.
Ang dalawang uri ng cholesterol
Ang mga cholesterol sa ating katawan ay nahahati sa dalawang kategorya, ang good cholesterol at bad cholesterol. Ang cholesterol ay dumadaloy sa ating dugo gamit ang lipoprotiens. Ang liproproteins ay grupo ng mga proteins na tumutulong sa pagdaaloy ng cholesterol sa dugo at sa iba’t-ibang parte ng katawan.
What is bad cholesterol
- Ang unang uri ng cholesterol ay ang LDL o Low Density Lipoprotein. Ito ay tinatawag din na bad cholesterol na bumabahagi sa karamihan ng cholesterol sa ating katawan. Ang masyadong matataas na lebel ng cholesterol na ito ay nakatataas ng panganib na magdulot ng heart disease o kaya stroke.
What is good cholesterol
- Ang pangalawang uri ng cholesterol ay ang HDL o High Density Lipoprotein o tinatawag din na good cholesterol. Ang ginagawa nito ay hinihigop ang cholesterol at dinadala ito pabalik sa atay, palabas mula sa katawan. Ang matataas na lebel ng HDL cholesterol ay nakakatulong magpababa ng panganib ng heart diesease at stroke.
Kapag ang katawan ay may matataas na lebel ng LDL, ang LDL cholesterol ay naiipon sa blood vessels at maaaring paliitin nito ang daluyan ng dugo mula at papunta sa ating utak at puso. Kapag ang daluyan ng dugo sa puso ay naharangan, nakakadulot ito ng angina o pagsakit ng dibdib. Maari rin itong magdulot heart attack.
Mga sintomas ng high cholesterol levels
Sa unang tingin, hindi agad-agad mahahalata kung ang isang tao ay may mataas na lebel ng cholesterol, pero maaari nitong palalain ang sintomas ng mga sakit na konektado dito tulad ng chest pain at mga problema sa puso. Ang tanging paraan para malaman ito ay sa pagsagawa ng isang blood test para malaman ang blood levels ng isang indibidwal.
Importansya ng Triglyceride levels
Ang triglyceride ay isang uri ng fat na nahahanap sa ating dugo. Kapag tayo ay kumain, ang lahat ng calories na hindi naisalin ng ating katawan ay nagiging triglyceride na naiipon sa ating fat cells na pinagkukuhanan natin ng enerhiya. Kapag ang isang tao ay kumakain ng mas maraming calories kaysa sa sinusunog mula sa mga pisikal aktibidad, nakakataas ito ng panganib na magkaroon ng high triglycerides o hypertriglyceridemia.
Importante ang kaalaman sa triglyceride levels sapagkat ito ay nakakadagdag sa pagtigas ng arteries at pagkapal ng artery walls. Ang mga ito ay nakatataas ng panganib ng stroke at heart attack. Ang matataas na lebel ng triglyceride ay maaari rin magdulot ng pamamaga ng pancreas o pancreatitis.
Ang matataas na lebel ng triglyceride ay maaari rin maging sintomas sa mga sumusunod na kondisyon:
- Mababang lebel ng thyroid hormones
- Metabolic Syndrome
- Type 2 diabetes
Maari rin ito maging epekto ng pagkonsumo ng mga sumusunod na gamot:
- Steroids
- Diuretics
- Estrogen at progestin
- Retinoids
- Beta blockers
- Ibang uri ng immunosuppressants
- Ilang HIV medications
How to control cholesterol
Maraming paraan para pababain ang LDL cholesterol. Maari itong makamit sa paraan ng medikasyon, pag ehersisyo, o pagbabago ng dieta. Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga paraan ng pagbawas o pagkontrol sa LDL cholesterol:
1) Mag ehersisyo
- Ang regular na pag-eehersisyo ay nakatutulong sa pagpapababa ng triglyceride at nakatutulong sa pagtaas ng lebel ng HDL o good cholesterol. Ang nirerecommenda na oras ng pag ehersisyo ay tatlumpung minuto bawat limang araw sa isang linggo, Maari rin makatulong ang pagdagdag ng ehersisyo sa araw-araw na gawain tulad ng pagbibisikleta papunta sa trabaho, o paglaro ng isports na may pisikal na aktibidad tulad ng basketball o volleyball. Mas mainam pa rin na magkonsulta sa doktor kung ano ang nararapat na uri ng ehersisyo at kung gaano kadalas dapat ito gawin.
2) Bawasan ang pagkain ng saturated fat
- Ang saturated fat ay madalas natatagpuan sa pulang karne at mga dairy products tulad ng gatas, keso, at yogurt. Ang mga ito ay nakatataaas ng total na cholesterol sa ating katawan. Ang pagbawas ng pagkonsumo ng mga pagkain na ito ay nakatutulong sa pagpababa ng LDL sa ating katawan.
3) Pagkonsumo ng soluble fiber
- Ang soluble fiber ay tumutulong sa pagbawas ng cholesterol na dumadaloy sa ating bloodstream. Ang mga mansanas, peras, oatmeal, at brussel sprouts ay iilan lamang sa mga pagkain na mayayaman sa soluble fibers.
4) Pagtigil ng paninigarilyo
- Nakatutulong sa pagtaas ng HDL levels ang pagtigil ng paninigarilyo dahil sa mga side effects na dulot nito. Unti-unting babalik sa normal ang blood pressure at heart rate, at bababa ang panganib ng heart diseases.
5) Pagbawas ng timbang
- Malaki ang epekto ng timbang ng isang tao sa kanyang cholesterol levels. Maaring bawasan ang timbang sa paraan ng pag dieta at pagbawas sa pag-inom ng mga inumin na mayayaman sa asukal tulad ng softdrinks, artificial juices, at energy drinks.
How to increase good cholesterol
Ang HDL o good cholesterol ay nahahanap sa iba’t-ibang uri ng pagkain. Maaring pataasin ang HDL levels sa paraan ng pagkonsumo ng Olive Oil dahil ito ay mayaman sa healthy fats at isa sa mga pinagkukuhanan ng monosaturated fat na nakababawas ng panganib ng heart disease. Ang pagsunod sa low-carb diet o ketogenic diet ay nakapagtataas rin ng good cholesterol levels.
Gamot upang mabalanse ang cholesterol
Pagkatapos magpakonsulta, maaaring irekomenda ng mga doctor ang Ritemed Rosuvastatin na nakatutulong sa pagbawas ng bad cholesterol at pagdagdag ng good cholesterol. Maari rin irekomenda ang Ritemed Atorvastatin bilang treatment sa mga pasyente na may elevated total cholesterol at elevated LDL cholesterol
References:
https://www.webmd.com/cholesterol-management/guide/understanding-cholesterol-problems-symptoms
https://kidshealth.org/en/kids/cholesterol.html
https://www.webmd.com/cholesterol-management/guide/understanding-cholesterol-problems-symptoms
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-cholesterol/symptoms-causes/syc-20350800