Ano ang cholesterol?
Ang cholesterol ay isang fat substance na parang wax. Ito ay nanggagaling sa atay at natural na makikita sa mga cells ng ating katawan. Ang cholesterol ay madalas nakukuha sa karne at dairy products.
Kailangan ng katawan ang cholesterol para sa pangkalahatang kalusugan. Ngunit ang sobrang cholesterol ay hindi maganda sa katawan, lalong-lalo na sa kalusugan ng puso.
Paano sinusukat ang cholesterol level?
Ang blood test na tinatawag na “lipoprotein panel” ang pwede mong gawin upang malaman mo ang iyong cholesterol level.
Paalala bago magpa-lipoprotein panel:
Bukod sa tubig, huwag kakain o iinom sa loob ng siyam hanggang labing dalawang oras.
Ang lipoprotein panel ay nagbibigay ng resulta kung saan nakasaad ang:
- Total Cholesterol
Ito ang kalahatang sukat ng iyong cholesterol level. Kasama ang low-density lipoprotein (LDL)
cholesterol at ang high-density lipoprotein (HDL) cholesterol.
- LDL cholesterol
Ito ay kilala bilang “bad cholesterol” na madalas nagdudulot ng blockage o pagbabara sa ating arteries na konektado sa ating puso.
- HDL cholesterol
Ang HDL, kilala na “good cholesterol”, ay ang nagtatanggal ng bara sa ating arteries at
tinutulungang balansehin ang ating total cholesterol level.
- Non-HDL cholesterol
Ang formula ng pagkuha nito ay ang pagbawas ng HDL cholesterol sa iyong Total cholesterol.
Ang iyong Non-HDL ay naglalaman ng LDL kasama ang ibang uri ng cholesterol (Hal. VLDL o ang
very-low-density lipoprotein).
- Triglycerides
Isa rin itong uri ng fat sa dugo na maaaring magpataas ng tiyansa ng iyong pagkakaroon ng sakit
sa puso. Madalas nangyayari ang pagtaas o pagbaba ng triglycerides levels sa mga kababaihan pagkatapos manganak.
Ano ang ibig sabihin ng mga cholesterol numbers?
Ang cholesterol level ay sinusukat ng milligrams per deciliter (mg / dL). Narito ang mga healthy levels ng cholesterol base sa iyong edad at kasarian:
Kung ikaw ay nasa edad 19 pababa:
Uri ng cholesterol |
Healthy Level |
Total Cholesterol |
Mas kaunti kaysa sa 170 mg / dL |
Non-HDL |
Mas kaunti kaysa sa 120 mg / dL |
LDL |
Mas kaunti kaysa sa 100 mg / dL |
HDL |
Mas mataas kaysa sa 45 mg / dL |
Kung ikaw ay lalaki na nasa edad 20 pataas:
Uri ng cholesterol |
Healthy Level |
Total Cholesterol |
125 hanggang 200 mg / dL |
Non-HDL |
Mas kaunti kaysa sa 130 mg / dL |
LDL |
Mas kaunti kaysa sa 100 mg / dL |
HDL |
40 mg / dL o mas mataas |
Kung ikaw ay babae na nasa edad na 20 pataas:
Uri ng cholesterol |
Healthy Level |
Total Cholesterol |
125 hanggang 200 mg / dL |
Non-HDL |
Mas kaunti kaysa sa 130 mg / dL |
LDL |
Mas kaunti kaysa sa 100 mg / dL |
HDL |
50 mg / dL o mas mataas |
Huling Paalala:
Para maging healthy ang iyong cholesterol level, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ka ng angkop na gamot tulad ng Ritemed Astorvastatin at Ritemed Rosuvastatin. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.
References:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/315900.php
https://medlineplus.gov/cholesterollevelswhatyouneedtoknow.html
https://www.healthline.com/health/high-cholesterol/levels-by-age