Ayon sa survey na ginawa ng Food and Nutrition Research Institute noong nakaraang taon, isa sa dalawang Pilipinong nasa edad 20 pataas ay may mataas na cholesterol level at hindi nila alam na mayroon sila nito. Nakita rin sa survey na ang mga babae ang may mas mataas na cholesterol level kaysa sa mga lalaki.
Ano ang Cholesterol?
Ang cholesterol ay isang malapot at mala-wax na substance na makikita sa lahat ng cells sa katawan na gawa ng atay. Kailangan ito para makagawa ng hormones, vitamin D at mga substance na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain. Nasa 25% ng cholesterol ng katawan ay galing sa mga pagkaing kinakain, lalo na sa mga tabang galing sa hayop.
Ang cholesterol ay dumadaloy sa bloodstream, sa maliliit na pakete na tinatawag na lipoproteins. Mayroong dalawang klase ng lipoproteins - HDL Cholesterol at LDL Cholesterol. Ang Low Density Lipid o LDL cholesterol ang nagdadala ng cholesterol kung saan ito kailangan. Kapag sobra ang naproduce, maaaring may mabuong artery wall sa mga cells na magdudulot ng maraming sakit. Dahil dito, tinatawag ang LDL na “bad cholesterol.” Ang High Density Lipid naman ang tinatawag na “good cholesterol” dahil kinukuha nito ang labis na cholesterol sa mga cells, at dinadala ito sa atay kung saan gagawin itong waste product ng katawan.
Epekto ng Mataas na Cholesterol Level sa Katawan
-
Pananakit ng binti
Kapag mataas ang level ng cholesterol sa katawan, maaaring mamuo ito at bumara sa arteries na magdudulot ng hindi sapat na supply ng dugo sa binti. Ang sakit ay maaaring maramdaman kapag naglalakad. Maaari naman itong mawala kapag napahinga ang binti.
-
Pagkakaroon ng gallstones
Ang digestive juice na nilalabas ng atay at napupunta sa apdo ay tinatawag na bile. Tumutulong ito sa pagtunaw ng taba sa small intestine. Kapag masyaong mataas ang lebel ng cholesterol sa katawan, nahihirapan ang biles na tunawin ito. Ito ay nagdudulot ng bile imbalance, na nagreresulta sa pamumuo ng gallstones. Ang gallstones ay maliliit na bato na gawa sa namuong bile sa apdo. Nasa higit 80% ng gallstones ay cholesterol stones.
-
Dugo sa dumi
Apektado ang blood supply sa bituka kung mayroong pamumuo ng cholesterol sa mga ugat papunta sa bato at sikmura. Nagreresulta ito sa intestinal ischemic syndrome. Ang sintomas ng kondisyong ito ay pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pagkakaroon ng dulo sa dumi.
-
Pananakit ng dibdib at ibang parte ng katawan
Dahil sa baradong ugat, bumababa ang supply ng dugo papunta sa puso na nagdudulot ng pananakit ng dibdib. Maaari ring makaranas ng sakit sa panga, leeg, balikat, braso at likod.
-
Stroke
Kapag mataas ang level ng cholesterol natin, maaari itong mamuo sa ating mga arteries. Dahil sa pamumuong ito, puwedeng mabarahan ang iba pang mga ugat na dumadaloy sa ating utak na maaaring maging sanhi ng stroke.
Tips Para Mapapanatiling Nasa Normal na Level ang Cholesterol
Ang pagkakaroon ng mataas na cholesterol level ay kadalasang may kasamang mga deadly diseases, gaya ng diabetes, chronic respiratory disease and cardiovascular disease. Tinatayang 170,000 katao ang namamatay sa Pilipinas taun taon dahil sa mga cardiovascular na sakit.
1. Kumain ng mga pagkaing mabuti para sa puso.
Magandang kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids gaya ng salmon at tuna dahil pinapataas nito ang good cholesterol sa katawan. Umiwas din sa "trans fat" na makikita sa mga pritong pagkain dahil pinapataas nito ang bad cholesterol at pinapababa ang good cholesterol.
2. Madalas na pag-ehersisyo
Nakakatulong ang exercise sa pagpapataas ng HDL o good cholesterol. Hindi kailangang intense exercise ang gawin, maaaring maglakad ng sampung minuto, gumamit ng handang imbes sumakay ng elevator o di kaya'y magbike papunta sa trabaho.
3. Magbawas ng timbang kung overweight
May masamang epekto ang labis na taba sa katawan sa mataas na lebel ng cholesterol. Makakatulong ang pagpapayat sa pagpapanatiling normal ang cholesterol level.
4. Uminom ng tamang gamot para mapababa ang cholesterol
Para makasigurado, huwag kalilimutang komunsulta sa doktor para mapababa ang level ng cholesterol. Isa sa maaaring ireseta ng doktor para dito ay ang Rosuvastatin. Pinapababa nito ang bad cholesterol habang pinaparami ang level ng good cholesterol sa ating katawan.
Sources:
- http://www.philstar.com/health-and-family/2016/07/12/1602115/never-too-early-half-young-filipinos-have-borderline-high
- http://www.health.com/health/gallery/0,,20517880,00.html/view-all#pain-in-the-legs-0
- http://health.wikipilipinas.org/index.php/Gallstone
- http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-sa-bato-sa-apdo-o-gallstones/
- http://www.healthline.com/health/cholesterol/effects-on-body
- http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-cholesterol/in-depth/reduce-cholesterol/art-20045935?pg=2