Home Remedies para sa Sipon
Ang sipon ay isang karaniwang ailment o sakit. Madalas itong nakakuha kapag tag-ulan at kung pabago-bago ang panahon. Bagaman maraming gamot na maaring bilhin upang malunasan ito, maraming mga bagay sa bahay ang maaaring makatulong sa paggamot nito at upang maiwasan na rin ito.
Narito ang ilan sa mga simple ngunit epektibong common colds remedy at ilan pang tips para sayo.
How to Treat Colds
Uminom ng maraming fluids
Ang wastong hydration ay maraming magandang dulot sa iyong katawan. Kung may sipon, ang pag-inom ng maraming tubig ay nakakatulong upang mapanatiling moisturized ang lining ng lalamunan at nasal cavity. Dahil dito mas madaling matanggal ang mucus o plema. Bukod sa tubig, maaari ring uminom ng mga fresh fruit juices. Iwasan lamang ang pag-inom ng mga inuming may caffeine at alcohol dahil nagdudulot ang mga ito ng dehydration.
Kumonsumo ng Vitamin C
(https://www.shutterstock.com/image-photo/vitamin-c-fruits-vegetables-natural-products-362885486)
Ang vitamin C ay nakakatulong upang mapabilis ang paggaling ng sipon at maiwasan din ang mga masamang epekto nito. Maaaring uminom ng supplement o di kaya naman ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C. Ang mga citurs fruits gaya ng dalandan, orange, at lemon ay mayaman dito kaya maaari silang tawaging natural remedy. Ang madadahong gulay at sili ay siksik rin sa bitaminang ito.
Humigop ng mainit na sabaw
Ang mga pagkain gaya ng mainit na sabaw at chicken soup ay nakakatulong din sa pagpapaluwag ng plema. Bukod diyan, nakakadagdag ginhawa rin ito at nakakapagpalakas ng katawan ng isang taong may sakit. Kung ikaw ay may sakit, mahalagang bigyan mo ng sapat na nutrisyon ang iyong katawan upang mabilis nitong mapagaling ang sarili.
Gumamit ng zinc lozenges
Ang zinc ay isang mineral na mainam panlaban sa common colds. Bagaman hindi ito nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng sipon, may sapat na ebidensya na ang zinc lozenges ay nakakapagpagaling ng mga sintomas ng sipon. Kailangan mo lamang ibabad ito sa iyong bibig na parang kendi.
Mag-stock ng gamot
Ang sipon ay karaniwang ailment kaya naman dapat mayroong naka-stock na gamot sa bawat bahay. Ang mga over-the-counter na colds medicine ay nakapagbibigay ng ginhawa at nakapagbabawas ng sintomas. Mayroon din namang mga produktong nakakatulong sa pag-iwas nito gaya ng RM Sodium Ascorbate. Ipinapayo na kaagad uminom ng gamot kapag nakapansin ng colds symptoms.
Ito ay ilan lamang sa mga paraan upang maiwasan ang sipon o mapadali ang paggaling mula rito. Ang pinakamainam na paraan pa rin ay ang pagpapanatiling malakas at malusog ang katawan upang hindi tamaan ng ganitong sakit. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng wastong pagkain ng mga masusustansyang pagkain at pagkakaroon ng sapat na pahinga at tulog. Ang malakas na resistensya ay ang iyong panangga laban sa mga common ailments gaya ng sipon.
Sakaling hindi gumagaling ang sipon at nakararanas na rin ng iba pang sintomas at komplikasyon, makakabuting kumonsulta sa doktor.
Sources:
https://www.webmd.com/cold-and-flu/cold-guide/default.htm