Ano nga ba ang tamang gamot para sa iyong ubo?

January 16, 2018

Napakahirap kapag tayo ay nakararanas ng ubo lalo na kapag ito ay umatake habang marami tayong taong kaharap o di naman kaya ay habang mahimbing ang ating tulog sa gabi.

Ang pag-ubo ay normal na paraan ng ating katawan upang mapalabas ang mga irritants tulad na lamang ng plema, alikabok, usok at pollens. Kapag nagkakaroon ng iritasyon sa ating lalamunan, nagbibigay ng mensahe ang nervous system sa ating utak para mapalabas ang irritants na ito sa pamamagitan ng pag-ubo.

 

Mayroong mga klase ng ubo at iba-iba rin ang gamot na dapat inumin para dito.

 

Wet cough

 

Ang wet cough o productive cough ay ang klase ng ubo na nakakapagbigay sa atin ng plema. Kadalasan itong dulot ng sipon o flu. Maaari rin itong sabayan ng ibang sintomas tulad ng runny nose at pagod. Sa ganitong klase ng ubo, ang dapat inumin na gamot ay ang mucolytics. Ang mucolytic ay isang uri ng gamot na nagpapanis sa plema para mas madali itong mailabas sa pamamagitan ng pag-ubo. Ilan sa mga over-the-counter mucolytic cough medicines na pwedeng inumin ay ang RiteMED Carbocisteine, RiteMED Ambroxol at RiteMED Bromhexine.

undefined

RiteMED Bromhexine

undefined

RiteMED Ambroxol

undefinedRiteMED Carbocisteine 

 

Ang wet cough ay maaaring magtagal 

o di naman kaya ay maaring umabot ng walong linggo kapag lumala. Ang mga sanhi ng wet cough ay maaaring ang mga sumusunod:

 

  • Sipon
  • Pneumonia
  • Chronic Obstructive Pulmonary disease
  • Acute bronchitis
  • Asthma

 

Dry cough 

 

Ang dry cough ay ang klase ng ubo na dulot ng iritasyon o pamamaga sa respiratory tract ngunit hindi ito nagproproduce ng plema. Kapag may dry cough ang isang tao, kadalasang nakararanas lamang ng parang kiliti sa likod ng lalamunan kaya na tri-trigger ang cough reflex. Mahirap kontrolin ang dry cough lalo na kapag uma-atake ito sa gabi. Narito ang ilan sa mga sanhi ng dry cough:

 

  • Laryngitis
  • Sore throat
  • Tonsillitis
  • Sinusitis
  • Asthma
  • Allergies
  • Gastroesophageal reflux disease

 

Kapag nakaranas ng dry cough, ang maaaring inumin na gamot ay ang dextromethorphan hydrobromide. Ang dextromethorphan ay pwedeng gamitin bilang relief sa ubo na walang plema. Binabawasan ng dextromethorphan ang pakiramdam ng pag-ubo. Isang halimbawa na pwedeng inumin ay ang RiteMED Dextromethorphan hydrobromide.

undefined