Home Remedies para sa Ubo at Plema ng Bata

August 17, 2018

Si bunso ay may matinding ubo at plema. Hirap sa paghinga, masakit ang lalamunan, at hindi makatulog sa gabi. Pati si mommy ay kulang na rin sa pahinga. Nakakaawa na pakinggan ang patuloy na pag-ubo ng bata, ngunit hindi tayo sigurado kung ano ang dapat ibigay sa kanya. Ano ang pwede nating gawin pansamantala?

 

Gamot para sa Ubo ng Bata

Ang pangkaraniwang over-the-counter medicines na pumipigil sa ubo ay hindi agad nirerekomenda ng mga doktor para sa mga bata. Madalas ang formulation ng mga ito ay angkop lamang para sa mga adults. Kung gagamit nito, kailangan kumonsulta muna sa doktor para sa tamang dosage para sa mga bata.

Importante ding malaman ng mga magulang na hindi lahat ng ubo ay masama at dapat sugpuin. Ang mild na ubo ay nakakatanggal ng mucus sa airway ng respiratory tract at tumutulong sa paghinga, kaya’t madalas ay hinahayaan na lang ito na gumaling nang mag-isa.

Ngunit kapag matindi na ang mga sintomas ng bata, maaari na itong maging sakit o lagnat. Masakit na rin ito sa dibdib o baga at sa lalamunan. Sa ganitong pagkakataon, kailangan nang bigyan ng mabilis na lunas ang bata. Para makasigurado, subukan muna ang mga praktikal na home remedies na ito para sa ikagiginhawa ng inyong mga anak:

 

Home Remedies for Cough and Cold

  1. Honey

Ayon sa medical studies, ang honey (lalo na ang raw honey) ang isang natural remedy sa dry cough. Mayroong natural anti-inflammatory properties ang honey na nagpapakalma sa agresibong ubo. Ang tamis nito ay nagsi-stimulate ng salivary glands na tumutulong sa pagbawas ng kati o irritation sa lalamunan.

Para sa inyong mga kids, pwede ninyong painumin ng isang basong tubig na may halong ½ hanggang 1 teaspoon ng honey bago matulog. Maaari rin itong lagyan ng 1 teaspoon ng apple cider vinegar o fresh lemon juice dahil mayroon itong mga antioxidants.

undefined

Image by Pixabay

Tandaan lamang na ang honey ay bawal sa mga baby na 1 year old pababa. Hindi pa kaya ng mga maliliit na bata ang lumunok ng honey at maaari silang mabulunan nang dahil dito. Maaari din itong maging sanhi ng infant botulism, isang uri ng seryosong food poisoning. Siguraduhing ang inyong anak ay nasa tamang edad at laki bago sila bigyan ng honey.

 

  1. Chicken Soup

Isang common na lunas sa ubo o sipon na nagmula pa sa ating mga ninuno ay ang chicken soup. Bagama’t ito ay hindi gamot, isa ito sa mga effective na home remedies for cough for kids. Ang chicken soup ay nagbibigay ng mga mahahalagang fluids na kailangan ng dehydrated na katawan. Madalas din ay ito ay may sangkap na garlic, onions, at minsan pati luya na nagpapalakas sa immune system ng isang tao. Ang init ng sopas ay tumutulong din sa pagbukas ng nasal airways para mabawasan ang congestion.

Hindi rin mapagkakaila na ang pagluto at paghahain ng chicken soup para sa may sakit ay may kasamang pagmamahal na nararamdaman ng isang bata at nagbibigay lakas sa kanya. Kaya mga mommy at daddy – dapat tandaan na ang pinaka-effective pa rin na natural remedies for cough and cold ay ang pagmamahal at pag-aaruga!

undefined

Image by Pexels

3. Chest Rub

Ang vapor rub ay isa sa pinaka-common na remedies for cough and cold, at halos lahat ng tahanan ay mayroon nito. Ang regular vapor rub ay gawa sa camphor, eucalyptus oil, at menthol na lahat ay mga cough suppressant at topical analgesic. Mayroon ding vapor rub na specially formulated para sa mga bata, at ito ay ang tinatawag na non-medicated baby rub. Ito ay maituturing na isa sa mga home remedies for baby cough.

Maglagay ng maliit na amount ng baby rub sa kamay (sing-laki ng 10-centavo coin) at ipahid ito sa dibdib at leeg ng bata. Pasuotin ng maluwang na damit ang bata para makaikot nang mabuti sa katawan ang vapors. HUWAG ilagay sa ilong o sa ilalim ng ilong ang vapor rub dahil ang camphor nito ay masyadong matapang para sa maliit na nasal airways ng tao, bata man o matanda.

Ang regular chest rub ay hindi inirerekomenda sa mga batang 2 years old pababa. Pero ang specially-formulated baby rub ay pwede sa mga sanggol 3 months old pataas.

 

4. Tubig at Asin

Isang simpleng dry cough treatment na ‘di kailangan gastusan ay ang pagmumumog o pag-gargle ng tubig na may asin. Ang asin ay nag-aabsorb ng tubig sa katawan. Hinihigop nito ang tubig mula sa tissues ng lalamunan kaya’t nababawasan ang pamamaga.

Ihalo ang ¼ hanggang ½ teaspoon ng asin sa isang basong tubig. Ipamumog ito sa batang 6 years old pataas. Siguraduhing marunong na magmumog ang anak ninyo ng tubig para hindi niya inumin ito. Hindi ito mainam para sa maliliit na bata o sanggol.

 

5. Itaas ang Ulo

Mahirap sa may plema ang huminga nang maigi kapag nakahiga sa flat na higaan. Upang makadaloy ng mabuti ang oxygen sa respiratory system, kailangang mas mataas nang kaunti ang ulo.

Lagyan ng unan sa ilalim ng ulo ng bata, o ‘di kaya’y itaas ang bahagi ng crib o kama kung saan nakapatong ang ulo.

Tandaan, palaging mas maselan ang pag-alaga ng sanggol. Para sa mga newborn hanggang 1 year-old, hindi inirerekomenda ang paglagay ng maraming unan sa crib dahil baka ito ay maging sanhi ng suffocation sa bata.

 

6. Uminom ng Maraming Liquids

Sa kahit anong karamdaman ng respiratory system, laging dapat painumin ng maraming liquids ang may sakit. Ito ay para ma-flush out sa sistema ng bata ang anumang bacteria o virus na sanhi ng matinding ubo o plema. Iwasan lamang ang mga inuming maraming asukal, katulad ng canned fruit juice o softdrinks, dahil ang asukal ay lalong nagpapagaspang sa lalamunan.

 

7. Malinis na Hangin at Paligid

Iba-iba ang maaaring causes ng pag-ubo ng inyong anak, at isa dito ay ang allergies. Pwedeng allergic siya sa alikabok, balahibo ng hayop, kagat ng insekto, at iba pa. Kung hindi natin alam kung saan allergic ang mga anak natin, ang pinakapraktikal na solusyon ay ang panatiliing malinis palagi ang paligid nila. Siguraduhing malinis at bagong-laba ang mga bedsheets at pillowcase ng mga bata, at na humihinga sila ng malinis na hangin araw-araw. Ilayo din sila sa usok ng sigarilyo.

 

8. Cough Medicine

Ang gamot pang ubo ay ibinibigay lang sa bata bilang last resort. At kung kinakailangan talaga, ang dextromethorpan hydrobromide ay maaaring gamitin sa batang may dry cough. Ito ay isang over-the-counter cough suppressant that nagbibigay ng pansamantalang ginhawa sa matinding ubo. Ang tamang dosage nito ay depende sa edad at timbang ng bata, kaya mas mabuti na ang doktor ang mag-prescribe nito. Maaari lang ito ibigay sa mga batang 4 years old pataas.

 

Kailan Dapat Tumawag ng Doktor?

 

1. Kapag may lagnat na ang bata;

2. Kapag ang ubo ay may sintomas ng “croup” – kumakahol na ubo; may tunog ng matinis na sipol, at pamamaos;

3. Kapag ang ubo ay may kasamang asthma;

4. Kapag umuubo ng dugo; at

5. Kapag umabot na ng 2 weeks ang mga sintomas.

Ang maagang pagsusuri ng mga sintomas ng inyong anak ay ang pinakamainam pa rin na solusyon sa ubo at karamdaman ng inyong anak. Kapag hindi kayo sigurado sa tamang lunas para sa kanya, huwag mag-atubiling dalhin siya agad sa doktor.

 

Sources:

https://www.webmd.com/cold-and-flu/features/nighttime-relief#1

https://www.rd.com/health/wellness/kids-cough-remedies/

https://www.rd.com/health/conditions/persistent-cough-causes/

https://www.today.com/parents/your-little-one-sick-these-home-remedies-will-quiet-your-t73261

https://www.webmd.com/cold-and-flu/cough-home-remedies-babies-toddlers#2

http://www.stlouischildrens.org/articles/kidcare/dextromethorphan-dosage-table

https://www.drugs.com/dosage/dextromethorphan.html

https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/dextromethorphan-oral-route/proper-use/drg-20068661

https://www.parents.com/health/cold-flu/cold/natural-cold-cough-remedies/

https://www.healthline.com/health/allergies/best-natural-cough-remedies#call-your-doctor

https://www.webmd.com/cold-and-flu/features/does-gargling-wlth-salt-water-ease-a-sore-throat#2

https://tl.wikipedia.org/wiki/Krup

https://www.babycenter.com/0_safe-home-remedies-to-soothe-your-childs-cold-and-flu-sympto_10014077.bc