Ang ubo o cough ay reaksyon ng katawan upang matanggal ang dumi at bacteria sa ating mga baga at daluyan ng hangin. Kapag tayo ay nasamid o nabulunan, ang pag-uubo ang nagtatanggal ng pagkaing bumara sa ating lalamunan.
Ano ang Sanhi ng ubo?
Tandaan na ang pag-uubo ay hindi sakit kundi sintomas ng sakit sa ating katawan. May mga pagkakataon naman na ang pag-uubo ay dulot ng mabibigat na karamdaman:
- Bronchitis
- Emphysema
- Pneumonia
- Cancer sa baga
- Virus
- Impeksyon
- Nasal discharge
- Paglanghap ng alikabok, usok at kemikal
- Asthma
Mga gamot sa ubo
Ang simpleng ubo ay maaring magamot sa pamamagitan lamang ng pag-inom ng maraming tubig, tamang pahinga, pagtigil sa paninigarilyo at pagiwas sa mga lugar na mauusok o madumi ang hangin.
Kung naghahanap ka naman ng ibang gamot sa ubo na herbal, isa sa pinakamabisa ay ang dahon ng Lagundi.
Lagundi benefits
Ang vitex negundo o mas kilalang, “lagundi” ay isa sa mabisang gamot sa ubo.
Ang lagundi ay karaniwang tumutubo sa mga tropikal na bansa tulad ng sa atin. Madaling matandaan ang itsura ng dahon ng lagundi dahil ito ay may limang dahon o “daliri” na tulad sa kamay ng tao.
Paano ginagamit ang Lagundi Leaves?
Maaaring gawing tsaa pagkatapos dikdikin ang dahon ng Lagundi at isalang sa kumukulong tubig. Inumin ito ng tatlong beses sa isang araw upang makaranas ng ginhawa sa ubo.
Kung hindi ka naman makahanap ng Lagundi leaves na malapit sa inyo, mayroong herbal cough medicine na Ritemed StopCough.
Mga dapat malaman tungkol sa Ritemed (Lagundi) StopCough:
Para saan ang gamot na ito?
- Pampaginhawa ng simpleng cough
- Para sa nakararanas ng paninikip sa dibdib kapag humihinga o tinatawag na “bronchopasm”. Ito ay nararamdaman sa bronchi o ang daanan ng hinga sa ating baga. Halimbawa na lamang ay ang mga may asthma o hika at chronic bronchitis o ang pamamaga ng bronchi.
Gaano kadalas at tuwing kailan ito iniinom?
Lagundi (VitexnegundoL.) 600 mg Tablet:
- Para sa adult, inumin ang isang tabletang 600 mg ng tatlo hanggang apat na beses sa loob ng isang araw.
- Sa mga bata naman na nasa edad na 7-12 years old, kalahating tableta ang inumin ng tatlo hanggang apat na beses din sa isang araw.
- Mahalagang paalala: Huwag kalimutang komunsulta sa doctor.
Paraan upang maiwasan ang ubo
- Uminom ng maraming tubig upang bumuti ang daloy ng paghinga at mailabas ang plema sa katawan. Mas mainam kung hindi malamig ang tubig.
- Iwasan ang paninigarilyo o tumigil ng tuluyan
- Magsuot ng face mask at magdala palagi ng panyo upang hindi mahawaan ng mga taong may ubo
- Maghugas palagi ng kamay at panatilihing malinis ang paligid
- Kumain ng mga pampalakas ng immune system.
References:
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/cough
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-stop-cough-lagundi-600-mg-tab