Mga sanhi ng ubo sa umaga

May 14, 2019

Marami ang posibleng maging dahilan kung bakit tayo inuubo tuwing umaga. Maaaring short term o long term na problema na ito sa ating baga.

Anu-ano ang mga sakit na posibleng magdulot ng pag-ubo tuwing umaga?

  • Acute Bronchitis

Ito ang pinakamadalas na rason ng pagkakaroon ng productive cough o ubong may plema na lumalala tuwing umaga. Ang acute bronchitis ay ang tawag sa pamamaga ng daluyan ng hininga na dulot ng viral infection. Ang impeksyon ay nakaaapekto sa daluyan ng hangin kaya nagkakaroon ng maraming plema.

May hirap sa paghinga (shortness of breath), pag-aagahas ng panghinga (wheezing), at sinat. Ang ubong dulot ng acute bronchitis ay nakakahawa at tumatagal ng pito hanggang sampung araw.

  • Pulmonya

Ito ay uri rin ng pamamaga sa baga na dulot ng bacteria at virus. Ang mga sintomas ng pneumonia ay lagnat, ubo, at hirap sa paghinga.

 

  • Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)

Ang chronic obstructive pulmonary disease ay isang incurable disease o hindi gumagaling na sakit kung saan nagkakaroon ng blockage o harang sa daluyan ng hininga. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng pagkasira ng ating air sacs, pamamaga ng daluyan ng hininga, at pag-produce ng maraming plema sa katawan.

Ang COPD ay nagmumula sa matagal na paninigarilyo. Kaya naman ang unang sintomas nito ay ang tinatawag na “smoker’s cough” o matinding pag-uubo na hindi mawala-wala.

  • Pulmonary Edema

Ang pulmonary edema ay dulot ng naipong fluid sa lung tissue at air sacs. Maaaring magsimula ang kondisyong ito kapag nagkaroon ng heart failure. Ang heart failure ay isang sakit kung saan nahihirapan ang puso sa pag-pump ng sapat na dugo upang masustentuhan ang kinakailangan ng ilang bahagi ng katawan.

Dahil posibleng magdulot ng pulmonary edema ang heart failure, ilan sa mga sintomas nito ay ang kakulangan sa paghinga at productive cough na nakaaabala

  • Asthma o Hika

Ang hika ay isang kondisyon kung saan sumisikip at namamaga ang daluyan ng hininga. Ang problema sa hika ay maaari itong pagmulan ng pag-uubo  sa umaga. Madalas ay nonproductive cough o dry cough lalo na kung ang uri ng asthma ay ang “cough variant asthma” o CVA.

 

Huling Paalala:

Para naman tuluyang gumaling ang iyong ubo at hindi na maabala mula tuwing umaga, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng Ritemed Carbocisteine. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.

References:

https://www.livestrong.com/article/144557-reasons-for-coughing-up-phlegm-in-the-morning/

https://www.health.com/cold-flu-sinus/whats-causing-your-cough