Ang ubo ay paraan ng ating katawan upang mailabas ang mga bacteria, virus, plema at anumang bumabara at nakakaabala sa ating lalamunan.
May dalawang uri ng ubo:
- Productive cough
Ito ang pag-ubo kung saan lumalabas ang plema o mucus
- Nonproductive cough
Kilala rin ito bilang “dry cough” na walang inilalabas ng plema
Maraming sanhi ang dry cough, madalas dito ay hindi masyadong nahahalata maliban na lamang kung magpacheck-up sa doktor.
Ang dry cough ay nakakaabala sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, lalo na kung hindi tayo makatulog ng maayos sa gabi nang dahil dito.
Mga dry cough causes at ang mga epekto nito sa katawan:
- Asthma o Hika
Ang hika ay kondisyon kung saan sumisikip at namamaga ang daluyan ng iyong hiningaat maaari itong pagmulan ng dry cough
- Gastroesophageal reflux disease
Ang gastroesophageal reflux disease o GERD ay kondisyon kung saan tumataas ng stomach acid hanggang sa ating esophagus (ang daluyan ng pagkain at inumin mula bibig hanggang tiyan). Kapag nairita ang ating esophagus, nati-trigger ang ating cough reflex kaya naman ang natural na reaksyon, tayo ay inuubo.
- Postnasal drip
Ito ang tawag sa sobrang plema na bumababa sa iyong lalamunan. Kapag ikaw ay mayroong sipon o kaya ay allergy, mas dumarami ang pino-produce ng ilong na mucus kaysa sa normal.
Ang postnasal drip na ito ay maaaring maka-trigger ng iyong lalamunan na magreresulta sa dry cough.
- Viral Infection
Kung ikaw ay nagkaroon ng impeksyon na dulot ng virus, posibleng matapos ang ilang sintomas ng sipon ay magkaroon ng “post-cold coughs” kung saan nanunuyo pa rin ang iyong lalamunan kaya naman nakararanas ka pa rin ng dry cough.
- Polusyon at dumi
Ang laganap na polusyon, usok mula sa sigarilyo o sasakyan at alikabok ay maaaring pagmulan ng dry cough.
Ano ang pwedeng gawin upang maibsan ang dry cough?
- Gumamit ng humidifier upang luminis ang hangin at para madagdagan ng moisture ang hangin sa paligid
- Gumamit ng saline o nasal spray
- Iwasan ang lugar na madumi, mausok o polluted
- Subukan ang pag-inom ng tsaang maligamgam na may kasamang honey o lemon
- Uminom nang maraming tubig upang maiwasan ang panunuyo ng lalamunan
Huling Paalala:
Para mapabilis ang paggaling ng iyong dry cough, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng Ritemed Dextromethorphan at Ritemed Carbocisteine. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.
References:
https://www.healthline.com/health/dry-cough
https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-dry-cough