Umaaraw, Umuulan: Cough Prevention para sa Mga Bata sa Pabago-bagong Panahon

August 17, 2018

Panahon na naman ng tag-ulan sa Pilipinas. Dahil ang bansa ay nasa typhoon belt, inaasahan na makakaranas ang mga Pilipino ng hanggang 24 na tropical cyclones sa loob ng isang taon; kamakailan lang nga ay sunod-sunod ang pagpasok ng mga bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

Kapansin-pansin na kahit suspended ang klase ng mga bata tuwing rainy season at mas matagal silang nananatili sa bahay, madalas pa rin silang magkasakit basta nag-iba ang panahon. Isa sa pinaka-common na nakukuha nilang viral infections ay nagiging sanhi ng ubo na sinasamahan ng iba pang komplikasyon gaya ng lagnat, sipon, o trangkaso.

 

Hindi natin nape-predict at nababago ang panahon at temperature para maingatan ang mga bata mula sa ubo, ngunit may mga maaari tayong gawing cough prevention tips para hindi mauwi sa pagkakasakit ang dapat bonding moments na lamang ng pamilya kapag masama ang panahon.

 

Ulan ba ang nagbigay ng sakit sa anak ko?

 

Bago natin pag-usapan ang mga paraan para sa cough prevention, sagutin muna natin ang tanong na ito: Ang masamang panahon ba talaga ang nagpapababa ng immune system ng mga bata?

 

Sa katunayan, viruses at bacteria ang kumakapit sa ulan. Mas madalas magkasakit ang mga bata kapag pabago-bago ang panahon dahil ang mismong pag-iiba ng temperature ng paligid ay nagiging pabor para sa ibang viruses o bacteria. Halimbawa, ang influenza virus na carrier ng flu ay mas kumakalat kapag malamig at dry ang hangin. Nabubuhay din ang virus na ito kahit summer, pero dahil mas lumalakas ito tuwing tag-ulan o kapag malamig ang klima, mas maraming tao ang nakakakuha nito.

 

Hindi na madaling matukoy kung gaano tatagal ang summer at rainy seasons sa bansa dahil sa global warming at climate change. Kaya naman, mas mabuting maging handa at disiplinado sa pagsasagawa ng cough prevention tips para maingatan ang kalusugan ng mga bata.

 

Cough Prevention Tips

 

Ang ubo ay isang reaksyon ng katawan para maalis ang sipon, plema, at iba pang foreign bodies na nakakairita sa mga baga at mga daanan ng hangin. Para maiiwas ang inyong mga anak sa ubo, pwede ninyong gawin ang mga rekomendasyon na ito:

 

  1. Painumin ng maraming tubig at fresh fruit juices.

 

Ang pagiging hydrated ang isa sa mga simple pero epektibong cough prevention method. Hindi lang ito sa ubo pinanglalaban ngunit maging sa iba pang uri ng sakit. Siguraduhing umiinom ng sapat at malinis na tubig ang mga bata araw-araw, lalo na kapag wala sila sa bahay.

 

Hangga’t maaari, ipaiwas din sa kanila ang mga soda o softdrinks dahil masama ang mga ito sa kalusugan kapag nasobrahan. Bilang alternative, bumili ng fresh fruits at gawin itong juice. Ilan sa mga pwede ninyong gamitin na prutas ay ang orange, lemon, at calamansi. Mayaman ang mga ito sa Vitamin C na nagpapalakas ng immune system ng mga bata.

 

  1. Hainan ng masusustansyang pagkain.

 

Kung healthy ang kinakain nila, magiging healthy din sila! Ang balanseng diet ng mga bata ay kumpleto kung ito ay may kasamang rewcommended daily intake ng carbohydrates, protein, iron, vitamins, at minerals. Anumang weather ang dumating, magiging kampante ka na hindi siya tatablan ng mga sakit.

 

  1. Bigyan ng multivitamins.

undefined

Photo from Unsplash

 

Kung pihikan naman ang kids, isa sa mga paraan para masiguradong nabibigyan sila ng kumpletong sustansya ay ang pagpapainom ng multivitamins. Para sa cough prevention, pumili ng Vitamin C na tutulong magpalakas ng resistensya, zinc na nagbibigay ng dagdag-proteksyon sa mga batang may active lifestyle..

 

  1. Siguraduhing may sapat na pahinga.

 

Tuwing napupuyat o kulang sa tulog ang mga bata, hindi nagiging normal ang natural processes ng kanilang katawan na kadalasan ay aktibo sa oras ng pagtulog sa gabi o pagpapahinga sa tanghali. Kapag ang mga body processes na ito ay hindi nakapag-function nang maayos, mas malaki ang risk na kapitan sila ng cough virus. Tulungan sila na masanay sa isang regular na sleeping routine araw-araw.

 

  1. Panatilihing malinis ang mga kamay.

 

Mabisang strategy rin for cough prevention ang frequent handwashing o paghuhugas ng kamay. Bukod sa kailangan ito para sa personal hygiene, natatanggal ng tamang paghuhugas ang anumang germs, viruses, o bacteria na nakuha mula sa hangin, paghawak ng mga gamit o tao, at sa paligid. Ipaalala sa kids ang kahalagahan nito. Pwede mo rin silang pabaunan ng hand sanitizer o alcohol para makapag-disinfect kapag walang malapit na lugar para makapaghugas.

 

  1. Palayuin sa usok ng sigarilyo at iba pang polusyon.

 

Ang secondhand smoking ay isa lamang sa mga trigger ng ubo sa mga bata. Kung may kasama kayo sa bahay na naninigarilyo, mabutihing huwag palapitin ang mga anak kapag ginagawa nila ito. Kung nasa labas naman ng bahay, paalalahanan sila na magtakip ng ilong gamit ang panyo o face mask para makaiwas na rin sa polusyon mula sa mga sasakyan, pabrika, at iba pa.

 

Anu-anong dry cough remedies ang pwede kong gawin kapag tinamaan na siya ng ubo?

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Maraming pwedeng natural remedies for cough gaya ng pagpapahigop ng sabaw, pagpapainom ng fruit juices, at pagpapahinga, pero kung dry cough na ang kondisyon, mas makabubuti kung bibigyan na sila ng gamot para makaranas na ng ginhawa. Mahirap para sa mga bata, lalo na sa babies at toddlers, ang magkaroon nito dahil hindi pa sila marunong mag-spit o maglabas ng plema.

 

Para sa dry cough ng mga bata edad anim hanggang 12, inirerekomenda ang dextromethorphan. Mabisa ito para sa unproductive cough na may kasamang sipon at sakit ng lalamunan. Kung ikaw naman mismo ang nagkaroon ng ubo, agapan na ang paglala nito para hindi mahawa ang pamilya, lalo na ang mga bata. Pwede mong subukan ang Ambroxol kung may kasama na itong plema na naninikit at hindi mailabas. Tandaan na kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng kahit anong cough suppressant, mapabata man o matanda.

 

Mas maigi pa rin ang pagsasagawa ng cough prevention tips bago pa ito humantong sa pagkakasakit. Mahalaga na ma-enjoy ng mga bata ang kahit anong panahon nang healthy ang katawan para mas magkaroon sila ng pagkakataon na maglaro, matuto, at makasama ang kanilang pamilya.

 

Sources:

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/cough

https://www.livescience.com/54663-why-we-get-sick-when-season-changes.html

https://www.healthline.com/health/does-cold-weather-make-you-sick

https://www.parents.com/health/cold-flu/cold/35-ways-to-keep-your-kids-cold-free/

https://www.vice.com/en_id/article/ne3nym/we-asked-an-expert-if-the-rain-can-really-make-you-sick

https://www.rappler.com/move-ph/issues/disasters/102032-rainy-season-diseases-signs-prevention