Noong March 16, 2020, nag-deklara ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown na naghihigpit sa pagkilos ng mga mamamayan na may puwang para sa ibang exceptions. Ito ay inisabatas dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon din sa mandato na ito, inuutos din ang pagsara ng non-essential o hindi kailangang mga negosyo at mga tindahan.
Ano ang pinagkaiba ng self-quarantine sa community quarantine?
Ang self-quarantine ay ang pagbantay sa iyong sariili na aabot sa 14 days para sa sintomas ng COVID-19 Coronavirus tulad ng respiratory illness, pagubo, lagnat, at hirap sa paghinga. Umiwas sa matataong lugar at dagdagan ang distansya sa pakikipagsalimuha sa ibang tao. Kapag ikaw ay nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 Coronavirus, gawin lamang na mag self-monitor at tumawag sa iyong healthcare specialist.
Ang community quarantine naman ay kung saan ang pagkilos ng mga tao ay limitado lang sa pagkuha ng basic necessities o mahalagang pangangailangan habang mga uniformed personnel at iba pang quarantine officers ay nasa mga checkpoint upang maipatupad ito.
Sa loob ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), pinahahayag sa mga ahensya ng gobyerno na siguraduhin ang mga sumusunod:
- Pagbabawal sa mga mass gatherings o maramihang pagtitipon at pag-iimplementa ng mahigpit na home quarantine sa sambahayan.
Ang pagkilos ng mamamaya ay maaari lamang para sa mga mahalagang pangangailangan, pagkain, at para sa health services o serbisyong pangkalusugan. Magkakaroon ng dagdag na presensya ng uniformed personnel para maipatupad ang ECQ
- Work-from-home para sa executive branch
Skeletal workforce ang kailangang obserbahan maliban na lang para sa health and emergency frontline services, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at Armed Forces of the Philippines
- Mga essential o mahalagang negosyo at tindahan ang mananatiling bukas
Ang mga pribadong negosyo at tindahan na nagbibigay ng basic needs o mahalagang pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, mga public market, supermarket, ospital, pharmacy, water-refilling stations, funeral at interment services, at iba pang utilities tulad ng power, manufacturing plants para sa pagkain at gamot, energy, gasoline stations, water, at telecommunications ay mananatiling bukas.
Ipinahahayag din sa mandatong ito na ang mga negosyong nananatiling bukas ay dapat mag-obserba ng skeletal workforce upang magpatuloy ang kani-kanilang mga operasyon. Ipinapahayag din sa mandato na ito na ang mga staff o empleyado ay dapat ring mag-obserba ng social distancing at iba pang hygiene, and eqtiquette na nararapat sa paglaban sa COVID-19.
Ang mga negosyo naming may kinlaman sa export ay mananatiling bukas at pinapayuhan na ang kanilang mga staff o empleyado ay mag-obserba rin ng social distancing.
Ang mga taong bahagi ng media ay papayagang makapasok sa mga quarantine area basta sila ay accredited ng Presidential Communications Operations Office.
- Pag-suspinde ng public transport
Mga pribadong sasakyan lamang ang papayagan hangga’t ang layunin ay kumuha ng basic necessities o mahalagang pangangailangan tulad ng pagkain at gamot. Isang tao lang sa bawat sambahayn ang maaaring lumabas upang bumili ng mahahalagang pangangailangan. Ang mga empleyadong lumalabas at nagtratrabaho ay marapat na bigyan na pribadong sasakyan ng kanilang pinagtrabahuhan.
- Pag-suspinde ng land, air, at sea travel o biyahe sa anumang uri
Hanggang March 19 lamang maaaring ipagpatuloy ng mga pasaherong palabas ng bansa ang kanilang pagbiyahe. Mga pasaherong galing ibang bansa na kasama sa mga bansang may travel restriction ay ilalagay sa quarantine procedures.
Ano ang kabutihang dulot ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)?
Ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay ginagawa upang pigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa ibang tao. Ginagawa rin ito upang ang mga medical personnel at healthcare specialist ay magkaroon ng sapat na oras para aralin at alamin ang tamang mga hakbang para labanan ang pagkalat ng virus at bigyang pansin at solusyon ang mga taong apektado nito.
- Luna, F. (2020, March 16). Duterte places entire Luzon under 'enhanced' community quarantine. Retrieved from https://www.philstar.com/headlines/2020/03/16/2001320/duterte-places-entire-luzon-under-enhanced-community-quarantine
- Public Health Agency of Canada. (2020, March 24). Government of Canada. Retrieved from https://www.canada.ca/en/public-health/services/diseases/2019-novel-coronavirus-infection/prevention-risks.html