Bakit mahalaga ang Covid-19 Vaccine para sa Community?

August 18, 2021

Ang pagpapabakuna laban sa Coronavirus Disease o Covid 19 ay mahalaga hindi lang para sa sariling proteksyon. Importante rin ito para maging ligtas ang ating community.  Ang Covid vaccine ay isang hakbang para unti-unting wakasan ang paglaganap ng Covid 19 virus na isang malaking suliranin sa ating mga komunidad.

 

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang Covid 19 vaccine ay ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang pagkuha at pagpasa sa iba ng Covid virus.  Kaya naman bilang bahagi ng Covid 19 prevention sa bansa, ang lahat ay hinihikayat na magpa bakuna laban sa nakakahawang sakit na ito.

 

Paano nga ba maproprotektahan ng vaccination ang ating lipunan laban sa Covid? Alamin kung bakit mahalagang mabakunahan ang lahat o di kaya ay ang nakararami para tuluyang masugpo ang Covid.

 

 

Paano pinoprotektahan ng bakuna ang katawan laban sa sakit?

 

Ang Covid vaccine ay binubuo ng mga germs o virus na siyang nagdudulot ng sakit na Covid. Ang mga germs na inilalagay sa bakuna ay  pinahina para hindi magkasakit ang taong babakunahan.

 

Kapag nailagay na ang Covid vaccine sa iyong katawan, i-stistimulate nito ang iyong immune system para gumawa ng mga antibodies o mga proteins na lumalaban sa sakit. Ang purpose ng bakuna ay tulungan ang katawan na mag develop ng immunity sa sakit na Covid.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/divisoria-manila-philippines-oct-2020-bustling-1836513454

 

Paano makakamit ang herd o population immunity?

 

Ngunit hindi sapat na iilang tao lamang ang fully vaccinated sa isang community.  Kung marami pa ring taong hindi pa nababakunahan, malaki pa rin ang posibilidad na  magkaroon ng bagong variants nito at patuloy na magdulot ng sakit ang Covid. Kaya mahalagang ma-achieve ng isang komunidad ang tinatawag na herd immunity o population immunity.

 

Ang herd immunity ay isang indirect protection laban sa isang partikular na sakit. Nangyayari ito kapag ang populasyon ay immune na sa isang sakit. Ang population immunity ay maaring makuha kapag nagkaroon na ng infection ang maraming miyembro ng komunidad. Pwede rin itong ma-achieve sa pamamagitan ng vaccination.

 

Ayon sa World Health Organization, ang pagkamit ng 'herd immunity' ay dapat ginagawa sa pamamagitan ng vaccination para hindi na marami ang magkasakit at mamatay dahil sa Covid virus.

 

Ayon sa Department of Health, at least 70% ng populasyon ang dapat mabigyan ng bakuna para makamit ang proteksyon laban sa Covid.  Halimbawa, kung may 100,000 na tao sa inyong barangay, at least 70,000 ang dapat magpabakuna para masigurado ang proteksyon ng buong community.

 

Magpabakuna para sa sarili at sa community

 

Kaya naman mahalaga na ang bawat isa ay makiisa sa malawakang vaccination na ginagawa para makatulong sa prevention of Covid 19.  Para makuha ang full protection laban sa Covid, kailangan makumpleto ang 2 shots ng bakuna.

 

Bukod sa pagpapalakas ng resistensya at pag observe ng safety measures, ang pagpapabakuna ay isa sa mga epektibong paraan para protektahan ang sarili at ang ating komunidad laban sa Covid 19.  Isa itong malaking community effort at ang desisyon mong magpabakuna ay isang malaking tulong para mawakasan ang Covid 19.

 

 

 

Sources:

https://doh.gov.ph/node/28235

https://doh.gov.ph/faqs/vaccines

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/vaccine-benefits.html

https://www.cdc.gov/vaccines/vpd/vpd-vac-basics.html