Covid Testing - Rapid Testing vs PCR Testing

August 19, 2020

Mga Dapat mong Malaman sa Coronavirus Blood Test at Swab Test

Sa kasalukuyan ay may dalawang pangunahing test para sa COVID-19 virus, ito ay nag PCR swab test at ang antibody blood test. Kamakailan lamang, ang PCR test ay maaari nang isagawa sa dalawang paraan ng sample collection – gamit ang nasal sample at saliva sample.

Sa Estados Unidos, halimbawa, marami nang mga states ang nagpalawak ng kanilang testing capacities para mabigayn ng serbisyo ang mga taong may sintomas at exposure sa nakakahawang virus. Ang mga test ay maaaring isagawa sa mga ospital, klinika, urgent care facilities, at maging sa mga drive-thru centers. Ang presyo ng COVID-19 test ay kadalasang nakadepende sa testing site, lokasyon, at kalalaan ng sintomas ng pasyente.

Upang mas maintindihan ang pagkakaiba ng swab test (PCR) at blood test (antibody), narito ang ilang mahahalgang impormasyon.

Pagkakaiba

Swab Test (PCR)

Blood Test (antibody)

Ano ang pinakamalaking pagkakaiba?

Maagang nade-detect ang infection ng may mataas na accuracy

Mas mabilis makuha ang result, hindi kasing sensitibo ng PCR para madetect ang early infection

Paano ito gumagana?

Direktang nade-detect ang genetic material o RNA ng virus

Nade-detect ang virus sa pamamagitan ng pagsukat ng reaksyon ng katawan sa virus

Sample na gagamitin

Nasopharyngeal (nose/throat) swab

Sample ng dugo

Gaano katagal bago makuha ang resulta?

Ilang araw o linggo (kung ang sample ay ipinadala pa sa isang lab) o wala pang isang oras kung rapid COVID test

Sa loob ng isang oras o mas mabilis pa kung nagkaroon na ng COVID-19 at gumaling na mula rito

 

Narito ang mas detalyadong paliwanag sa kung anu-ano nga ba ng mga test na ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Swab Test (PCR)

Ang RT-PCR o real time polymerase chain reaction ay ginagamit upang ma-detect ang coronavirus mula sa nasopharyngeal sample na tinatawag ding nasal swab.  Ang RT-PCR ay isang method na gumagamit ng testing kit. Sa test na ito, tinutukoy ng RT-PCR ang isang partikular na segment ng genetic material ng virus para malaman kung ang isang tao ay may COVID-19. Ang test na ito ay nakaka-detect lamang ng virus habang ito ay nasa katawan pa ng pasyente.

Mahalagang malaman na ang PCR ay maaaring magbigay ng false negative result na nangangahulugan na ikaw ay infected ng active coronavirus ngunit lalabas na negative ang iyong test. Ang ganitong resulta ay maaaring dahil sa maling pagkuha ng sample o masyadong maagang pagpapakuha ng sample pagkatapos ng exposure. Sa madaling salita, kung ikaw ay may negative na resulta, hindi mo maaaring sabihing wala kang COVID-19.

Ang PCR test ay maaaring tumagal ng 3-5 araw bago ma-proseso; gayunpaman, may pagkakataong ang rapid test results ay naibibigay nang wala pang isang oras. Habang hinihintay ang resulta, mahalagang sundin ang social distancing para mapigilan ang pagkalat ng virus kung sakaling mayroon ka nito.

Paalala:

Para sa mga karagdagang impormasyon sa PCR test, swab test at rapid COVID test, mabuting kumonsulta sa mga rehistradong tagapagsagawa ng mga ito. Sila ang makapagbibigay ng wastong kasagutan sa iyong mga katanungan tungkol sa rapid test price at rapid test accuracy. Panatilihin din ang paggamit ng mga alcohol at hand sanitizers upang maging ligtas sa COVID-19.

 

Sources:

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/symptoms-testing/testing.html

https://www.medicaldevice-network.com/features/types-of-covid-19-test-antibody-pcr-antigen/

https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/coronavirus-testing-basics

https://rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-polymerase-chain-reaction-rapid-anti-body-tests