Ayon sa latest update ng DOH sa kalagitnaan ng Oktubre, pumalo na sa 348,000 ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 infection sa Pilipinas. Kahit na patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa sakit, may iilang indibidwal pa rin na nagsasabing overkill ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar kahit na may face mask na.
Hindi pa rin matatawaran ang kayang maitulong ng face shield sa pagpigil o pagbagal ng pagkalat ng coronavirus. Itong uri ng protective equipment kasi ay klase ng plastic face visor na tumatakip sa buong mukha, hindi gaya ng face mask na tanging bibig at ilong lang ang napoproteksyunan laban sa viral spray particles.
Hindi mahal gumawa ng face shield at mas komportable rin isuot ito kumpara sa face mask. Bukod pa doon, maaari itong gamitin nang paulit-ulit basta’t napapanatili itong malinis nang maayos.
Malaking tulong ang face shield na protektahan ang may suot nito mula sa aerosol droplets na maaaring masinghot. Pero kahit na ganun, hindi pa rin ito kasing epektibo ng reusable o disposable face mask na mapipigilan ang pagkalat ng virus kung ang may suot ay uubo o babahing. Kaya naman ang tanging gamit nitong protective equipment ay nakatutulong lamang sa indibidwal na may suot.
Bukod pa dito, mas nasusuot ng karamihan ang face shield nang maayos at mas matagal dahil hindi ito nakalapat sa mukha gaya ng face mask, na siyang dahilan bakit hirap huminga ang ilan.
Dahil hindi gaanong epektibo ang face shield na mapigilan ang outward transmission ng particles, dito na pumapasok ang kahalagahan ng pagsuot nito kasabay ng surgical mask o anumang uri ng face mask. Ang face mask kasi ang pinakamabisang protective equipment pagdating sa pagharang ng palabas na virus particles.
Paano suotin ang face shield
Kung alam mo na how to use face mask properly, hindi ka na magkakaproblema sa face shield dahil mas simple lang ito gamitin. Kahit anong klase pa yan, walang ibang paraan ng pagsuot nito kung hindi pangtakip sa buong harapang bahagi ng mukha. Dahil transparent plastic ang materyal nito, hindi mo na kailangan pang tumingala para makita ang iyong nasa harapan.
Kaunting pag-iingat nga lang dahil kapag hindi maganda ang klase ng plastic material na ginamit sa face shield, maaari itong magdulot ng pagkahilo dahil distorted ang paningin o tila parang may alon. Kaya naman ang pagsusuot nito ay dapat na istriktong ipagbawal sa mga nagmamaneho ng sasakyan o motor, at sa mga nagbibisikleta.
Para maging mas epektibo to wear face mask at face shield nang sabay, siguraduhin na napunasan mo nang maigi ang shield bago isuot. Ito ay para hindi malabo ang paningin mo at maiwasan ang paghamog kapag hindi sakto ang fit ng mask at nahihingahan mo ang loob na bahagi ng shield.
Kung lilinisin naman ang face shield, mas makabubuting gumamit lamang ng dishwashing soap at sponge upang maiwasan na magasgasan ang surface. Kapag dumami ang gasgas, pwede itong makasira at makaharang sa malinaw na paningin. Hangga’t maaari rin ay huwag gumamit ng ethyl alcohol bilang panglinis dahil magiging porous ang face shield at baka makaapekto pa sa inyong kalusugan.
Saan at sino ang dapat naka-face shield
Dahil lumuwag na ng quarantine restrictions ang gobyerno, marami na sa atin ang madalas na lumabas ng bahay upang magtrabaho o magliwaliw. Kaya naman naging mandatory ang face shield sa sinumang pupunta sa mga pampublikong lugar at sa loob ng mga establisyemento gaya ng supermarket, government and non-government offices, at malls. Ang face shield kasi ay malaking tulong para sa mga may suot nito na hindi maiiwasan ang makipagusap o madikit nang bahagya sa iba sa indoor space.
Mainam din itong protective equipment lalo sa mga tauhan sa pampublikong transportasyon gaya ng bus at tren ng MRT, LRT, at PNR. Bukod sa kanila, syempre malaking bahagi ng pangkalahatang proteksyon ng ating frontline health workers ang combo ng face shield at face mask use. Para naman sa mga manggagawa na nagbibigay ng home-service at nasa retail sector, kasama na rin ang mga nagtatrabaho sa hotel at restaurant, mahalaga rin ito lalo na’t lagi silang may nakakaharap na customer.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-doctor-wearing-face-shield-ppe-1754408702
Iba-ibang klase ng face shield
May iba’t ibang porma ng face shield, pero lahat ay gawa sa manipis at transparent na plastik upang hindi maharangan ang nakikita ng tao. Karamihan nito ay may haba na mula noo hanggang leeg, pero mayroon din na sakto lang mulo noo hanggang ilong o ibabaw ng labi. Pero para sa optimal protection, nirerekomenda ng mga eksperto na matakpan ang buong mukha.
Maraming klase ng nitong protective equipment sa merkado. May face shield with headband na swak sa mga taong nakasalamin, at mayroon namang face shield with glasses (na walang lente) na pwede na sa mga wala namang suot na eyeglasses. Mayroon ding integrated face shield hat kung saan nakakabit ang plastik na materyal sa harapang bahagi ng isang bucket hat.
Nagkakahalaga ng 30 hanggang 50 pesos ang isang face shield, hindi gaanong mahal kumpara sa face mask dahil pwedeng gamitin nang paulit-ulit. Pero kung ikaw ay nagtitipid at crafty naman, maaari kang gumawa ng DIY face shield basta siguraduhin lang na tama at maayos ang materyales na gagamitin mo, at huwag yung basta kung anu-anong klase ng plastic covering lang. Ang totoo nga niyan ay may isang grupo sa Pilipinas na sumikat sa social media dahil sa paggawa nila ng face shield na yari sa kawayan at magandang uri ng hard plastic cover.
Ang face shield at face mask ay epektibo na bilang indibidwal na protective equipment, kaya mas mainam na suotin ang mga ito nang sabay. Maraming bansa na ang may COVID-19 guidelines na nirerekomenda ang pagsuot ng face shield kasabay ng face mask dahil sa dagdag proteksyon na dulot nito. Walang dapat ituring na overkill pagdating sa mga bagay na makasisiguro ng ating kaligtasan lalo na sa gitna nitong coronavirus pandemic.
Sources:
https://institute.global/policy/role-face-shields-responding-covid-19#:~:text=Face%20shields%20come%20in%20many,a%20clear%20plastic%20face%20covering.&text=To%20provide%20optimal%20protection%2C%20they,wearer%20from%20viral%20spray%20particles.
https://reflectionsipc.com/2020/06/12/the-case-for-face-shields-in-preventing-the-spread-of-covid-19/