Ang Covid-19 ay ang nakakahawang sakit dulot ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o (SARS-CoV-2) na nagsimula sa Wuhan, China noong Disyembre 2019. Maaaring mahawa ng Covid-19 sa pamamagitan ng mga maliliit na respiratory droplets buhat ng pagbahing o pag-ubo ng taong carrier ng virus. Ilan sa mga sintomas nito ay ang dry cough o ubong walang plema, lagnat, sipon, pananakit ng katawan, hirap sa paghinga at diarrhea.
Sa patuloy na pagkalat ng Covid-19 sa iba’t ibang parte ng mundo, patuloy ring kumakalat ang iba’t ibang detalye tungkol dito. Subalit ano nga ba talaga ang mga dapat mong paniwalaan at ano nga ba ang mga balitang hindi makatotohanan? Isa-isahin natin ang mga popular na impormasyon tungkol sa Covid-19 upang malaman kung ano ang mga haka haka lamang.
MYTH: Kailangang magmumumog ng mouthwash para makaiwas sa Covid-19.
FACT: Hindi gamot o hindi sapat na pang-iwas sa Covid-19 ang pagmumumog ng mouthwash ngunit maaari itong gawin upang mapanatili ang oral hygiene.
MYTH: Hindi kayang mabuhay ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o (SARS-CoV-2) sa maiinit na lugar.
FACT: Ayon sa WHO o World Health Organization at DOH, kahit saang lugar ay maaaring kumalat ang Covid-19, malamig o mainit man ang klima dito. Ang pinakamahalaga ay palagi paring mag-ingat at ugaliing maghugas ng kamay para makaiwas sa Covid-19.
MYTH: Isa sa mabisang paraan para mamatay ang mga virus ay ang paliligo gamit ang mainit ng tubig.
FACT: Hindi makakaiwas sa Covid-19 kahit ano pang temperatura ng tubig na ipampapaligo. Hindi rin mainam na maligo sa napakainit na tubig dahil maaari itong makasunog ng ating balat. Ang mahalaga ay maligo ng mabuti at maghugas ng kamay gamit ang sabon sa loob ng 20 seconds para hindi kumalat ang virus na mula sa ating mga kamay.
MYTH: Ang Covid-19 ay maaaring makuha mula sa mga lamok.
FACT: Walang pag-aaral na nagkukumpirma na ang Covid-19 ay maaari ring makuha sa pamamagitan ng kagat ng mga lamok. Ang Covid-19 ay maaaring makuha sa kapwa tao na carrier ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o (SARS-CoV-2). Mahalaga na panatilihin natin ang social distancing upang hindi tayo mahawa dahil ang Covid-19 ay maaaring makuha sa maliliit na droplets o laway mula sa pag-ubo at pagbahing.
MYTH: Para maging protektado sa Covid-19, mainam na magpabakuna laban sa Pneumonia.
FACT: Importante ang pagpapabakuna laban sa pneumonia para sa over-all na kalusugan ngunit hindi ito sagot para makaiwas sa Covid-19. Ang severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o (SARS-CoV-2) na nagdudulot ng Covid-19 ay bagong virus at kinakailangan nito ng bagong bakuna. Maraming eksperto sa medisina ang gumagawa ng bagong bakuna na maaaring gamitin para malabanan ang pagkalat ng Covid-19.
MYTH: Kailangang kumain ng saging o bawang para malabanan at gumaling mula sa Covid-19.
FACT: Parehas na masustansya ang saging o bawang. Ang saging ay sagana sa mahahalagang bitamina tulad na lamang ng Vitamin B6 at mataas rin ito sa potassium, magnesium at vitamin C na mainam para mapalakas ang ating resistensya. Ang bawang naman ay mayroon ding vitamin C, vitamin B6 at manganese kaya naman mabuti rin ito para sa ating kalusugan. Inirerekumenda ng mga eksperto sa medisina na patuloy isama ang saging at bawang sa inyong diet para makatulong sa pagpapalakas ng inyong resistensya. Ganunpaman, walang ebidensya na nakapagsasabi na gamot ito laban sa Covid-19.
MYTH: Mayroong antibiotics na maaaring inumin para gumaling sa Covid-19.
FACT: Ang mga antibiotics ay ginagamit para labanan ang mga bacteria at hindi ang mga virus. Hindi ito dapat gamitin bilang panlaban sa severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o (SARS-CoV-2) o Covid-19 cases.
MYTH: Mayroon ng gamot para sa Covid-19.
FACT: Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring gamot na kinukumpirma ang World Health Organization laban sa Covid-19. Subalit kung nais maibsan ang ilan sa mga sintomas ng Covid-19 tulad na lamang ng lagnat, sakit ng ulo, maaaring uminom ng RiteMED Paracetamol.
Maaari ring uminom ng RiteMED Loperamide para sa diarrhea at RiteMED Dextromethorphan Hydrobromide para sa ubo na walang plema. Tandaan, komunsulta sa inyong doktor bago uminom ng gamot upang mabigyan kayo ng tamang payo.
MYTH: Ang pag-inom ng tubig every 15 minutes ay makakatulong laban sa Covid-19.
FACT: Hindi totoo ang kumakalat na balita na kapag uminom ng tubig, maaaring mahugasan nito ang virus sa ating lalamunan at madadala ito sa ating acidic na tiyan na tuluyan ding makakalabas sa ating katawan. Walang ebidensya na nagsasabi na totoo ito. Ganunpaman, importante ang pag-inom ng sapat na tubig araw-araw upang maiwasan ang dehydration. Makakatulong rin ito sa ating kalusugan kaya mahalaga na uminom ng at least 8 ounces of water bawat araw.
MYTH: Kailangang uminom ng napakaraming Vitamin C para hindi magkaroon ng Covid-19.
FACT: Mainam ang pag-inom ng Vitamin C na nabibili sa ating mga botika para tulungang mapalakas ang ating resistensya ngunit hindi ito direktang panlaban sa Covid-19. Ganunpaman, hindi dapat ito abusuhin at hindi dapat uminom ng sobra sa isang araw dahil maaari ring magkaroon ng masamang epekto ito sa ating kalusugan kapag sumobra. Hanggang 2,000 mg per day lamang ang ideal na inumin sa isang araw upang mapanatili na malusog ang ating katawan. Ilan sa mga Vitamin C na maaaring bilhin ay ang RiteMED Ascorbic Acid at RiteMED Sodium Ascorbate.
The bottomline:
Tandaan, hindi lahat ng nababasa sa social media o naririnig mula sa kapwa ay palaging makatotohanan. Ugaliing suriin ang pinanggalingan ng impormasyon na nakukuha upang makasigurado na ito ay tama at galing sa mga eksperto sa medisina lamang. Mas mabuti nang maging mapanuri upang tayo ay manatiling ligtas at malusog. Para sa iba pang katanungan tungkol sa Covid-19, maaaring tawagan ang DOH Hotline: 02-894-COVID o (02-894-26843).
Para naman sa PLDT, Smart, Sun and TNT subscribers, maaaring tawagan ang numerong: 1555.
References:
- https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/advice-for-public/myth-busters
- https://www.healthline.com/nutrition/side-effects-of-too-much-vitamin-c#kidney-stones
- https://www.healthline.com/nutrition/7-health-benefits-of-water
- https://www.healthline.com/nutrition/11-proven-health-benefits-of-garlic#section2
- https://www.healthline.com/nutrition/11-proven-benefits-of-bananas#section8
- https://www.webmd.com/lung/news/20200324/experts-sort-fact-from-fiction-on-covid-myths
- https://www.who.int/news-room/q-a-detail/q-a-coronaviruses
- https://www.who.int/health-topics/coronavirus#tab=tab_1