Mga Dapat Malaman Tungkol sa Iba’t Ibang Strain ng COVID-19

February 20, 2021

January 30, 2019 noong idineklara ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 bilang isang pandemya o global health emergency. Bukod sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, marami na ring naging masasamang epekto ang pandemic na ito – pagbagsak ng employment rate, pagsasara ng mga negosyo, global travel ban, pagsususpinde ng physical classes at office-based na mga trabaho, at iba pang malalaking hamon sa ekonomiya at lagay ng pamumuhay sa buong mundo.

 

Dahil sa masusing mga pag-aaral na ginagawa para makapaglabas ng COVID 19 vaccine at mapababa ang transmission rate nito, natuklasan din na mayroong iba’t ibang uri o variants ang SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

 

Importanteng tumutok at maging maalam ang lahat sa ganitong uri ng COVID update. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang paniniwala sa mga fake news o haka-haka tungkol sa mga kaso ng COVID-19 na naitala sa sa iba’t ibang bansa. Tingnan natin ang SARS-CoV-2 variants o mga COVID-19 strain na talamak ngayon:

 

 

  1. D614G Mutation – Ayon sa WHO, ito ang unang variant na pumalit sa natukoy na virus na nagsimula sa China. June 2020 nang maging dominant variant ito sa buong mundo. Mas mataas ang transmission nito kaya naman mas nakakahawa ang D614G mutation. Sa kabila nito, napag-alaman na hindi ito nagsasanhi ng mas malubhang karamdaman.

 

  1. Denmark Cluster 5 – Noong August 2020, may nadiskubreng variant sa Denmark na nakitaan ng koneksyon mula sa infection galing sa mink, isang hayop na matatagpuan sa doon. September nang matukoy na may 12 na human cases lamang ang variant na ito. Hindi rin lumawak ang pagkalat nito kagaya ng D614G mutation.

 

  1. United Kingdom Variant – Mas kilala bilang UK variant dito sa Pilipinas, hindi pa rin masabi ngayon kung paano nagsimula ang B.1.17 o SARS-CoV-2 VOC 202012/01. Mabilis ang transmissibility nito kumpara sa ibang variant – noong December 30, 2020 lamang ay umabot na ito sa 31 na mga bansa. Naitala na rin ito sa Pilipinas pagdating ng 2021.

 

  1. South Africa Variant – Ang 501Y.V2 o B.1.351 ay naitala sa South Africa noong December 18, 2020 dahil sa mabilis na pagkalat nitong sa mga probinsya. Gaya ng UK variant, mayroon itong N501Y mutation at pinag-aaralan pa kung ito ang sanhi ng mataas na transmissibility nito. Natapos ang 2020 nang may apat na bansa pang tinamaan ng variant na ito.

 

  1. Brazil Variant – Natukoy naman mula sa ilang bumabyahe galing sa Brazil ang P.1 na variant na ito habang sila ay nasa isang airport sa Japan nitong January 2021. Dahil may iba itong mga mutation na taglay, pinag-aaralan pa kung malalabanan ito ng antibodies na mtatagpuan sa mga nagawang COVID 19 vaccine.

 

 

Ano ang pwede mong gawin?

 

undefined

Image:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-young-business-woman-hand-washing-1709714047

 

Para sa hindi nakikitang kalaban, importante na palakasin nang mabuti ang katawan. Ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain gaya ng green leafy vegetables at citrus fruits. Uminom din ng walong baso ng tubig araw-araw para manatiling hydrated. Kailangan din ang sapat na pahinga para magkaroon ng oras ang katawan para sa repair ng cells at tissues.

 

Maaari ring magdagdag sa diet ng Vitamin C supplements para tumibay ang resistensya. Ilan sa mga pwedeng inumin araw-araw ang ascorbic acid at sodium ascorbate.

 

Paalala: Kumonsulta muna sa inyong doktor tungkol sa pag-inom ng anumang gamot lalo na kung may pre-existing health conditions.

 

Sa mga bata naman, ugaliing bigyan sila ng ascorbic acid syrup o kaya naman ng Zinc-C na may dagdag-proteksyon at immunity laban sa mga impeksyon at sakit.

 

Obserbahan pa rin ang social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, frequent handwashing, at iba pang health guidelines nang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat ng virus – kahit anong variant pa ang mayroon sa bansa ngayon. Makakatulong din kung patuloy na aantabay sa mga balita tungkol sa COVID-19 cases sa Pilipinas mula sa mga pinagkakatiwalaang sources gaya ng WHO.

 

Sources:

 

https://www.who.int/csr/don/31-december-2020-sars-cov2-variants/en/

 

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/transmission/variant.html