Ano ang SARS-CoV-2 o Covid-19?
Ang coronavirus diease o kilala sa tawag na COVID-19 ay isang sakit na tinatawag ng mga doctor na respiratory tract infection. Ang sakit na ito ay magdudulot ng impeksyon sa iyong upper respiratory tract (ilong, baga, at sinuses) at sa iyong lower respiratory tract (lalamunan at baga). Ang coronavirus ay kasama sa uri ng mga viruses na nagdudulot ng mga sintomas katulad ng ordinaryong lagnat. Ang covid-19 virus ay nagsimula sa China at kumalat ng mabilis sa buong mundo maging sa Pilipinas.
Ano ang mga sintomas ng COVID-19?
Ang iba’t ibang sintomas ng COVID-19 ay maaaring maramdaman hanggang sa 14 days matapos na ma-expose o makipagsalamuha sa mga taong apektado nito. Ang mga sintomas ay:
- Lagnat
- Hirap sa paghinga
- Pagubo
Ang iba pang mga sintomas nito ay:
- Pagkapagod
- Sore throat o masakit o na lalamunan
Sino ang maaaring dapuan ng Covid-19 coronavirus?
Kahit sino ay maaarang dapuan ng COVID-19. Ang sintomas ay katulad ng ordinaryong lagnat at sipon. Ang mga taong matatanda at mga taong may mahinang immune system ay may mas mataas na posibilidad na maging impektado ng covid-19. Maging rin ang mga taong may mga medical condition tulad ng high blood, sakit sa puso, sakit sa baga, diabetes, o cancer ay may mas mataas na posibilidad na dapuan ng virus na ito.
Paano kumakalat ang Covid-19 Coronavirus?
Ang human coronavirus ay nagdudulot ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at baga. Ito ay kadalasan kumakalat mula sa isang taong positibo sa sakit na ito papunta sa:
- respiratory droplets kapag ikaw ay bumahing o umubo. Ang droplets ang kayang umabot hanggang 6 feet kapag ikaw ay bumahing.
- paghawak sa isang bagay na mayroong virus, matapos ay hawakan ang iyong mata, ilong, o bibig bago hugasan ang iyong mga kamay. Ang COVID-19 coronavirus ay kayang tumagal sa iba’t ibang uri ng bagay katulad ng copper (apat na oras), cardboard (isang araw), at plastic o stainless steel (dalawa hanggang tatlong araw).
- matagal na pakikisalamuha sa ibang tao, lalo na ang pakikipagkamay
Sa kasulukuyan, may katibayan na nagsasabing ang tao-sa-tao na pagkalat ng virus na ito ay sapat na kahit ikaw ay lumapit lang sa iyong kapwa.
Ano ang community spread?
Ang community spread ay isang pahayag na ginagamit kapag hindi matukoy ng mga doktor at iba pang health officials kung saan nagsimula ang pagkalat ng virus. Ito ay karaniwang ang mga mamamayan na naging positibo sa virus ngunit hindi naman lumabas ng bansa o nakisalamamuha sa mga taong galing sa ibang bansa.
Paano maiiwasan ang pagkalat ng Covid-10 Coronavirus?
Gawin ang mga bagay na nasa ibaba upang maiwasan ang pagkalat ang Covid-19 coronavirus:
- Hugasan ang iyong kamay gamit ng sabon at tubig, o gumamit ng alcohol-based na sanitizer. Gumamit ng hand sanitizer na may 60% alcohol Ang paggawa nito ay makakapatay o makakatanggal ng virus na nasa iyong kamay.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha. And coronavirus ay kayang manatili ng matagal sa mga ibabaw ng iyong mga hinahawakan. Kung ang coronavirus ay dumapo sa iyong kamay at hinawakan mo ang iyong mata, ilong, o bibig, maaari itong pumasok sa iyong katawan.
- Sanayin ang sarili sa social distancing. Ito ay dahil upang maiwasan na ikaw ay makahawa o mahawaan ng virus. Manatili sa iyong tahanan hangga’t maaari. Huwag muna dumalo sa mga pagdiriwang at pagtitipon.
- Magdisinfect at maglinis ng maigi sa iyong kapaligiran. Maari kang gumamit ng sabon at tubig ngunit gumamit ng disinfectant kapag iyong lilinisan ang mga lugar na parati mong hinahawakan tulad ng lamesa, doorknob, banyo, mga light switch, gripo, at lababo. Maaari ring gumamit ng bleach at tubig na pinaghalo (1/3 cup ng bleach sa bawat gallon ng tubig o 4 teaspoons ng bleach sa bawat apat na basong tubig). Gumamit ng gloves o guwantes kapag ikaw ay naglinis at itapon ito matapos mong gamitin.
- Cough etiquette o ang tamang paraan ng pag-ubo at pagbahing: kapag ikaw ay umuubo at bumabahing, gumamit ng tisyu o panyo upang takpan ang iyong bibig. Kung wala nito, maaring umubo o bumahing sa iyong upper sleeve. Itapon ang ginamit na tisyu at tandaan na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o gumamit ng alcohol based sanitizer pagkatapos.
- Gumamit ng facemask kung ikaw ay mayroong sintomas ng COVID-19 coronavirus. Gumamit ng facemask facemask bago pumasok ng ospital o sa iba pang opisina ng iyong healthcare provider. Kung ikaw ay walang sintomas o hindi positibo sa COVID-19, hindi mo kailangan gumamit ng facemask maliban na lang kung ikaw ay nagaalaga sa isang taong may sakit.
- Iwasan ang sharing o pakikipagbahagi ng gamit sa iba katulod ng pinggan, bedsheets, at iba pang gamit sa bahay kung ikaw ay may sakit.
References
Coronavirus disease 2019 (COVID-19). (2020, March 19). Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/coronavirus/symptoms-causes/syc-20479963
Public Health Agency of Canada. (2020, March 24). Government of Canada. Retrieved from https://www.canada.ca/en/public-health/services/diseases/2019-novel-coronavirus-infection/prevention-risks.html
Smith, M. W. (2020, March 24). Coronavirus Including COVID-19: Symptoms, Outbreaks, Transmission, Treatment & Prevention. Retrieved from https://www.webmd.com/lung/coronavirus#1-2