Paulit-ulit na pinapaala ng ating public health officials ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat pa lalo ng coronavirus sa ating bansa. Isa sa mga panuntunan na ito ay ang social distancing o paglalaan ng sapat na espasyo sa pagitan ng isa’t isa kapag nasa pampublikong lugar.
Noong mga unang araw ng community quarantine ay halos hindi ramdam ang epekto ng pagdidistansya mula sa iba. Pero dahil natural na social creatures tayong mga tao, hindi rin nagtagal bago sumipa ang quarantine fatigue sa marami sa atin, na siyang pinagmulan ng ilang mental health problems. Wika nga ng U.S.-based psychologist na si Judith Moskowitz ng Northwestern University, “Humans are wired to come together physically.”
Hanggang wala pang available na bakuna laban sa coronavirus, mukhang mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng social distancing sa buong mundo. Gayon pa man, puwede pa rin tayo maging socially connected sa ibang tao kahit virtual lamang, salamat sa makabagong teknolohiya.
Importante na mapangalagaan ang ating mental health during pandemic kaya dapat ay sulitin at gawin nating kapaki-pakinabang ang teknolohiya para makipag-halubilo sa iba. May ilan namang paraan para manatili tayong konektado sa ating mga kapamilya at kaibigan kahit virtual lang.
- I-express at ibahagi ang sarili sa pamamagitan ng art
Ang pagpipinta at pagguguhit, pagsusulat ng tula o kanta, pagtugtog ng musical instruments, at paggawa ng short videos ay ilan lamang sa forms of art na maaaring gawin nang mag-isa. Pero maganda rin itong conversation starter kapag ibinahagi mo sa social media ang iyong mga likha.
Puwedeng may ibang tao ka ring mapukaw ang interes dahil sa pag-share mo, o kaya naman ay may makilalang kapareho ang hilig mo. Sa paraang ito, gumagawa ka na ng koneksyon sa ibang tao at nagagawa mo pa ang iyong libangan. Ayon sa mga bihasa, ang paglikha ng sining ay paraan din para humugot sa iyong kaisipan at pakiramdam – isang importanteng hakbang para malabanan ang iba’t ibang mental health issues gaya ng anxiety at depression.
Ang kalungkutan na dulot ng isolation ay hindi lamang dahil sa kawalan ng companionship. Ito ay dahil din sa pakiramdam na nalalayo ka na sa iyong tunay na pagkatao. Kung konektado ka sa iyong sarili mismo, mas magiging makabuluhan ang pakikipag-ugnayan mo sa ibang tao.
- Gamitin ang social media para sadyang makipag-ugnayan
Alam mo ba na ang Pilipinas ang second-largest Facebook market sa buong rehiyon ng Southeast Asia as of June 2019, kung saan nasa 47 million users ang uma-access sa social media platform kada buwan gamit ang kanilang smartphones. Sa ibang social sites din gaya ng Instagram at Twitter ay malaki ang presence ng ating mga kababayan. Malamang sa malamang, lahat ng mga kamag-anak at kaibigan mo ay mayroong account sa isa o sa lahat ng mga ito.
Ito ang dahilan kung bakit hindi mo lang dapat gamitin ang social media bilang pampalipas-oras at pa-scroll-scroll lang. Dito rin puwedeng pumasok yung pagpo-post ng iyong works of art para magkaroon ng virtual presence. Malaki ang benepisyo nito hindi lang sarili mong emotional health, kundi pati na rin sa iba.
Sadyang makipag-ugnayan sa iba netizens sa pamamagitan ng pag-react at pag-iwan ng komento sa kanilang mga post. Mainam din na sumali sa mga Facebook groups kung saan ang usual topics ay mga kinahihiligan mo rin tulad halimbawa ng basketball, halaman, pagbibisikleta, o kape. Makipag-interact sa mga kagrupo pero panatilihing healthy discussions lang upang hindi maging toxic environment ang social media para iyo. Sa paraang ito mo rin mapapalawak ang iyong social network at makakakilala ng bagong kaibigan kahit nasa loob lang ng bahay.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-family-adult-children-senior-parents-1089980084
- Gumawa ng paraan para makapag-volunteer virtually
Sa panahon ngayon na may health crisis tayong kinakaharap, malaking bagay na ang makatulong sa iba kahit sa maliit na paraan lang. Malaki ang demand ngayon para sa volunteer works, pero hindi naman kailangan physically present sa lahat ng pagkakataon. Puwede kang maging virtual assistant sa mga non-government organizations (NGOs) na tumutulong sa mga kababayan natin na underprivileged or socially oppressed.
Kung ikaw ay crafty at may oras na puwedeng ilaan sa iba, maaari kang gumawa ng tutorial videos tungkol sa iba’t ibang bagay. Halimbawa ng puwede mong gawin ay magturo ng basics sa mga kabataang may access kahit papaano sa internet ngunit hindi nakapag-enroll ngayong school year. Sa ganitong paraan, nakakabuo ka ng connection sa ibang tao nang hindi nalalagay ang physical health sa peligro dahil hindi na kailangang lumabas pa ng bahay.
- Panatilihin ang friendships kahit sa maliit na paraan
Hindi niyo kailangan maging physically present para maipadama sa inyong mga kaibigan na mahalaga sila sa inyo. Puwedeng-puwede ka pa rin manatiling konektado sa kanila kahit nasa malayo sa tulong ng courier service providers. Padalhan mo ang iyong mga kaibigan ng goodies gaya ng pagkain kahit walang okasyon o kaya naman supplements at vitamins pangtulong kontra sa sakit at virus. Nauso rin ngayon yung “pasa-buy” kung saan puwedeng ikaw ang bumili ng mga bagay na hindi kayang mabili ng iyong kaibigan o kapitbahay.
Maliban doon, maaari rin na tumulong sa mga kaibigan na may small business. Hindi mo naman kailangan pakyawin ang paninda nila. Ang simpleng pag-share at pag-promote ng kanilang negosyo sa social media ay sapat nang tulong para sa kanila.
Isa pa, magandang paraan din ng social reconnection ang pag-host ng online reunion at “e-numan” kasama ang mga dating kaklase, katrabaho, o kasamahan sa grupo.
Matinding kalaban sa gitna ng COVID-19 pandemic ang anxiety, loneliness, at depression. Ito ang dahilan bakit mahalagang tugunan ang ating mental health needs, at ang constant connection sa ibang tao ang isa sa mga susi sa laban na ito.
Sources: