Sintomas ng Dengue

December 20, 2018

Ang dengue ay isang viral infection na kumakalat dahil sa kagat ng infected na lamok. Ito ay isang mapanganib na infection na maaaring pagmulan ng malalang komplikasyon at posibleng kamatayan. Pero, kung maaga ang diagnosis at maagap ang paggamot, maaaring mailigtas ang buhay ng tao.

Paano kumakalat ang dengue virus sa ating katawan?

Kapag tayo ay nakagat ng lamok na may dalang dengue virus, pumapasok ang virus na ito sa pamamagitan ng pagbubutas ng ating ugat. Ang ugat na ito ay konektado sa ating artery o ang parte ng ating circulatory system na nagdadala ng dugo sa katawan mula sa puso.

Mahalagang maintindihan natin kung bakit binibilang ng ating doktor ang platelets ng pasyenteng may dengue fever. Ito ay dahil may tatlong cells na bumubuo sa ating dugo (red blood cells, white blood cells, at platelets) na pinoprotektahan ng “plasma”. Kapag ang plasma natin ay nabutas dahil sa virus, nagkakaroon tayo ng “plasma leakage” na siyang dahilan kung bakit bumababa ang ating white blood cell count at platelet count. Dahil dito, humihina ang ating immune system.

Ano ang sintomas ng dengue?

undefined

Photo from Pixabay

  • Lagnat (dengue fever) na inaabot ng dalawa hanggang pitong araw
  • Sakit ng ulo
  • Pananakit ng katawan at kalamnan
  • Pagdurugo ng ilong at gilagid (dengue hemorrhagic fever)
  • Skin rashes
  • Pananakit sa likod ng mata
  • Pagsusuka
  • Pagkahilo
  • Walang gana kumain at matamlay pa rin kahit nawala na ang lagnat
  • Pantal sa balat na katulad sa tigdas

Ano ang sanhi ng dengue?

Ang dengue fever ay nakukuha sa kagat ng babaeng Aedes aegypti na lamok at kalimitan ito sa mga tropikal o sub tropikal na rehiyon tulad ng ating bansa, lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ano ang mga dapat gawin  kung may sintomas ka ng dengue?

undefined

Photo from Pixabay by Belova59

Kapag nararanasan mo na ang mga nabanggit na sintomas at senyales ng dengue, pinapayo na:

  • Kumonsulta agad sa doctor upang ikaw ay magpa-CBC o complete blood test.
    • Kapag ikaw ay nagpa-CBC, imemeasure nila ang bilang ng iyong red blood cells, white blood cells at platelets. Ginagamit din ang test na ito upang malaman kung ang pasyente ay may ibang sakit na may kinalaman sa dugo tulad ng anemia o leukemia.
  • Dengue NS1 RDT
    • Inaalam nito kung gaano na kalala ang virus infection sa iyong katawan sa mga unang phase.
  • Dengue IgM/IgG
    • Dinedetect ang mga dengue antibodies sa acute late stage ng dengue infection o IgM at upang malaman kung ang pasyente ay nagkadengue na o IgG.

Paano alagaan ang taong may dengue?

Walang tiyak na antiviral dengue treatment. Ang treatment o panggagamot ay para sa mga sintomas nito. Kaya napaka-importante ng alaga at pahinga para ang katawan ay kusang gumaling. Heto ang mga pwedeng gawin upang maagapan ang sintomas ng dengue at mapabuti ang kalagayan ng katawan:

  • I-monitor ang lagnat ng pasyente
    • Iwasang tumaas ang lagnat ng mahigit 39 degrees Celsius ang temperatura ng katawan
    • Kontrolin ang lagnat sa pamamagitan ng pagpapainom ng paracetamol kada anim na oras. Huwag papainumin ng aspirin o ibuprofen.
  • Huwag hayaang ma-dehydrate ang pasyente
  • Pakainin ang pasyente ng masustansiyang mga pagkain
  • Patulugin at pagpahingahin nang maayos ang pasyente
  • Kumonsulta agad sa doktor at ipa-test ang pasyente kung siya ay nakakaranas na ng pagdurugo sa ilong o gilagid

Paano malalaman kung ikaw ay wala ng dengue?

  • Bumalik na sa normal ang blood pressure, heart beat at breathing rate
  • Normal na ang body temperature
  • Wala ng pagdurugo sa ilong o gilagid
  • May gana na ulit sa pagkain
  • Hindi na nagsusuka
  • Maayos at regular na pag-ihi

Paano maiiwasan ang dengue?

  • Panatilihing malinis ang palagid
    • Itapon o kaya ay takpan ang nakaimbak na tubig na pwedeng pamugaran ng mga kiti kiti
  • Palakasin ang immune system
    • Kumain nang mabuti at regular na mag-ehersisyo
  • Gumamit ng insect repellant tulad ng RiteMED Denguetrol o citronella spray
    • Ayon sa mga eksperto, ang lamok na may dengue virus ay lumalabas mula 9  am  hanggang 11 am at 4 pm hanggang 6 pm. Kaya kinakailangan na protektado ang sarili buong araw.
  • Magsuot ng mahahabang damit tulad ng long sleeves o pajama
    • Ang pagsusuot nito ay upang hindi agad makagat ng lamok.
  • Magkulambo kapag natutulog at I-check ang screen sa pinto o bintana kung may butas

 

Reference:

http://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/dengue-fever-reference#1

https://www.doh.gov.ph/Health-Advisory/Dengue

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-iwas-dengue-tips-ngayong-tag-ulan

https://www.ritemed.com.ph/articles/tamang-pag-alaga-sa-taong-may-dengue

https://www.ritemed.com.ph/articles/iwas-dengue-tips-for-kids

https://www.ritemed.com.ph/articles/5-tips-sa-wastong-pag-aalaga-ng-pasyenteng-may-dengue