Sintomas ng dengue sa matanda at bata

January 17, 2019

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang dengue ang isa sa pinaka-malubhang viral infection na hatid ng lamok. Kapag hindi ito naagapan, maaaring ma-confine sa ospital ang taong infected. Sa mga ilang pagkakataon, maaaring manganib ang buhay ng taong may dengue.

Kung ikaw ay malapit sa lugar na pinamumugaran ng lamok o lugar kung saan madalas magkaroon ng mga kaso ng dengue, mahalagang kabisaduhin mo ang mga sintomas ng sakit na ito.

Lahat naman ng tao ay posibleng magka-dengue fever. Ang mga sanggol at senior citizens, ayon sa pag-aaral, ay may pinakamalaking tiyansang makakuha ng virus na ito.

Ang mga signs of dengue fever ay mararamdaman apat hanggang pitong araw pagkatapos makagat ng lamok na may dengue virus.

Kabisaduhin ang mga dengue symptoms sa mga bata at matanda:

  • Mataas na lagnat (dengue fever) na inaabot ng dalawa hanggang pitong araw
  • Sakit ng ulo
  • Pananakit ng katawan at kalamnan
  • Pagdurugo ng ilong at gilagid

Importante: Ito ay posibleng dengue hemorrhagic fever, isang napaka-lubhang komplikasyon ng dengue. Sa oras na may ganitong sintomas ang taong may dengue, dumiretso agad sa pinakamalapit na ospital at magpatingin sa doktor.

  • Skin rashes
  • Pananakit sa likod ng mata
  • Pagsusuka
  • Pagtatae
  • Pagkahilo
  • Pagdudugo mula sa ilong hanggang sa gilagid
  • Madaling masugatan
  • Mabilis magkapasa
  • Walang gana kumain at matamlay pa rin kahit nawala na ang lagnat
  • Pantal o rashes sa balat na katulad sa tigdas

Mga paraan upang maiwasan ang dengue virus:

  • Tandaan and 4S na isinusulong ng DOH upang maiwasan ang paglaganap ng Dengue.
  • Search and destroy breeding places
  • Panatilihing malinis ang paligid

> Itapon o takpan ang nakaimbak na tubig na pwedeng pamugaran ng mga kiti kiti o larva ng lamok

undefined

Photo from Pixabay

  • Seek early consultation
  • Tandaan, kapag nakakaranas na ng signs and symptoms of Dengue, huwag ng magintay pa at pumunta na agad sa pinakamalapit na pagamutan.
  • Say yes to fogging in times of Dengue outbreak
  • Self-protection measures

-Palakasin ang immune system

> Kumain nang masusustansiyang pagkain at regular na mag-ehersisyo

> Kung ikaw ay madalas sa lugar na pinamumugaran ng lamok. gumamit ng insect repellant tulad ng o citronella spray

Mga kaalaman tungkol sa Ritemed Denguetrol:

undefined

Para saan ang Ritemed Denguetrol?

  • Nagbibigay ito ng proteksyon sa loob ng 4-8 hours kontra sa mga lamok
  • Pwede ito sa mga may sensitibong balat sapagkat ito ay dematologically-tested o nasuri nang mabuti ng mga doktor na safe gamitin para sa mga bata at matanda
  • Meron itong 15% at 25% strength

Gaano kadalas at tuwing kailan ito ginagamit?

  • Maglagay ng kaunting patak sa palad at i-apply sa parte ng katawan na pwedeng makagat ng lamok

Mga paalala tungkol sa produktong ito:

  • Huwag i-apply sa malapit sa mata, bibig, o kamay ng mga maliliit na bata dahil baka magdulot ng iritasyon.
  • Hugasan ang kamay matapos gamitin
  • I-apply ang produkto muli pagkalipas ng apat na oras
    • Ayon sa mga eksperto, ang lamok na may dengue virus ay lumalabas mula 9 AM  hanggang 11 am at 4 pm hanggang 6 pm. Kaya kailangang protektado ang katawan buong araw.
  • Magsuot ng mahahabang damit tulad ng long sleeves o pajama
    • Ang pagsusuot nito ay upang hindi agad makagat ng lamok.
  • Mag-kulambo kapag natutulog. Maglagay ng screen sa may pinto o bintana at palaging i-check kung ito ay may butas

References:

https://www.ritemed.com.ph/articles/tamang-pag-alaga-sa-taong-may-dengue

https://www.ritemed.com.ph/articles/5-tips-sa-wastong-pag-aalaga-ng-pasyenteng-may-dengue

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-iwas-dengue-tips-ngayong-tag-ulan

https://www.ritemed.com.ph/articles/iwas-dengue-tips-for-kids

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/dengue-fever-reference#1