Tamang Kaalaman tungkol sa Depression

April 23, 2021

Kilala ang depression bilang isang mood disorder na sinasamahan ng matinding pagkalungkot at kawalan ng interes sa mga bagay-bagay. Hindi gaya ng kalungkutan na natural lang na nararanasan ng kahit sino, ang depression ang isang seryosong kondisyon na kailangang pagtuunan ng pansin. Alamin kung anu-ano ang mga dapat bantayan na sintomas nito, mga sanhi, at angkop na treatment para mapagtagumpayan ito.

 

 

Depression Symptoms

 

Kasama sa iba’t ibang senyales ng depression ang mga sumusunod:

 

  • Pagkawala ng gana sa activities na dating pinagkakalibangan;
  • Pagbabago ng appetite o kawalan ng gana kumain;
  • Labis o kulang na pagtulog;
  • Pagkapagod o pagiging matamlay;
  • Pabago-bagong mood;
  • Pagkaramdam ng guilt at kawalan ng silbi;
  • HIrap sa pag-iisip, focus, concentration, at paggawa ng mga desisyon; at
  • Pag-iisip ng pananakit sa sarili o suicide.

 

Paalala: Oras na narinig o nalaman na at-risk ang isang tao sa pananakit sa sarili o sa suicide, maaaring tumawag sa 911, psychiatrist ng pasyente, at mga taong pinagkakatiwalaan ng pasyente.

 

Sa mga babae, may mga kalakip na pagkairita, anxiety, at pag-iisip ng mga negatibong bagay ang depression. Sa mga lalaki naman, may kapansin-pansing pag-iwas sa mga pagtitipon kasama ang pamilya at mga kaibigan, labis na pagtatrabaho, pagiging balisa sa dami ng mga responsibilidad, at biglaang pagkakaroon ng abusive o controlling behavior.

 

 

Bakit nagkakaroon ng depression?

 

Ilan sa mga napag-alamang sanhi ng depression ang mga sumusunod:

 

  • Namamanang kondisyon (genetics);
  • Biglaang pagbabago sa buhay dala ng aksidente, sakuna, pagkamatay ng mahal sa buhay, pagkakasakit, problema sa relasyon, at iba pa;
  • Pagbabago sa neurotransmitter levels ng utak; at
  • Pagkakaroon ng bipolar disorder.

 

May ibang kaso naman ng depression na seasonal lang o nararanasan lang dahil sa specific na kaganapan sa buhay. Ang mga halimbawa nito ay ang panganganak na maaaring pagmulan ng postpartum depression o isang malawakang problema gaya ng pagharap sa pandemic na pwedeng dahilan ng COVID depression.

 

 

Depression Test

 

Kung nagsususpetsa na may depression, maaaring sumailalim sa ilang test gaya ng Hamilton Depression Rating Scale. Ang questionnaires na ito ay ginagamit ng mga mental health professionals para matukoy kung ano ang uri at antas ng depression.

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-men-wearing-masks-man-glasses-1719517870

 

 

 

Depression Medication

 

Ginagamitan ng antidepressants ang mga pasyente bilang isa sa mga treatment laban sa depression. Ilan sa halimbawa ng mga ito ay:

 

  • Atypical antidepressants;
  • Tricyclic antidepressants;
  • Monoamine oxidase inhibitors (MAOIs); at
  • Selective serotonin reuptake inhibitors.

 

Ipinapaalala na ang antidepressants ay inumin lamang sa ilalim ng payo ng psychiatrist o mental health professional. Ang pag-abuso nito o labis na pag-inom ay posibleng makapagpalala ng kondisyon.

 

 

Depression Treatment

 

Ang mga sumusunod na paraan ay nakakatulong din para humupa ang depression symptoms at magkaroon ng tamang management para rito:

 

  1. Magkaroon ng healthy diet. Napag-alamang ang pagkonsumo ng prutas, gulay, isda, at olive oil ay nakakatulong para bumuti ang mental health at brain development ng isang tao.

 

  1. Maging active. Ang regular na pag-eehersisyo at iba pang physical activities ay nakakapagpalabas ng endorphins, ang brain chemical na pumapawi sa stress at nakakapagbigay ng good mood.

 

  1. Sumailalim sa psychotherapy. Depende sa payo ng doktor, maaaring makatulong ang psychotherapy kasabay ng medications para mapag-usapan nang walang panghuhusga ang mga problema at triggers ng depression.

 

  1. Humingi ng suporta ng mga mahal sa buhay. Important sa depression treatment ang maramdaman na nauunawan kayo ng inyong pamilya at mga kaibigan. Bagama’t hindi lahat ay maalam tungkol sa depression, mas magiging madali ang management ng kondisyon kung nakikipagtulungan sa mga taong nakapaligid sa inyo.

 

 

 

Sources:

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/8933