Ang ating balat daw ang beauty canvas ng katawan, lalo na ang ating mukha. Maraming beauty regimen ang nauuso ngayon, at karamihan sa mga ito ay para sa panlabas lamang. Hindi lang basta nakukuha sa beauty products ang tamang face care. Tingnan natin kung anu-ano ang pwedeng gawin para maalagaan ang mukha.
- Magkaroon ng tamang diet. Maraming fruits, vegetables, at iba pang food groups na nakakatulong sa pagpapaganda ng balat, hindi lang sa mukha kundi sa buong katawan. Narito ang ilan sa mga dapat kainin para magkaroon ng natural at healthy glow ang mukha:
- Mga dilaw at orange na fruits at vegetables gaya ng carrots at lemon;
- Green leafy vegetables;
- Kamatis;
- Avocado;
- Watermelon;
- Mga isdang mayaman sa fatty oils gaya ng salmon at mackerel; at
- Beans at peas.
Importante sa balat ang mga pagkaing mayaman sa antioxidants. Umiwas din sa mga unhealthy fats at processed o refined carbohydrates para mapanatiling young-looking ang mukha. Bukod dito, kinakailangan din na manatiling hydrated para makaiwas sa dryness ng balat.
- Maging maingat sa face care routine. Kapag naghihilamos o naghuhugas ng mukha, mainam ang warm water para sa balat. Limitahan lang ang oras sa pagligo para hindi mababad ang mukha. Gumamit din ng gentle strokes sa mukha gamit ang middle at ring fingers para hindi agad ito mag-sag. Kapag papatuyuin na ito, siguraduhin na malambot ang towel na gagamitin at idadampi.
Pumili ng moisturizer na angkop sa iyong skin type para mapanatiling soft at supple ang balat. Kung gumagamit ng makeup, pumili ng mga produktong safe, tested, at approved ng FDA. Magkaroon din ng makeup remover para matanggal nang maayos ang cosmetic products sa mukha.
Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/carrot-juice-poured-glass-bottle-into-1686934642
- Umiwas sa harmful factors. Huwag kalimutang gumamit ng sunblock o sunscreen araw-araw kahit hindi lalabas ng bahay. Ang UVA at UVB rays na galing sa araw ay tumatagos pa rin sa mga pader at bubong, kaya mas mabuti kung protektado ang mukha sa maghapon. Gumamit din ng payong o cap kung lalabas sa arawan.
Dagdag pa rito, ipinapayo rin ang pagtigil sa masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ang mga ito ay nakakadagdag ng edad sa balat, dahilan ng maagang pagkulubot at pagiging dry ng mukha.
- Magkaroon ng sapat na pahinga at stress management. Nakakaganda ng balat ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa gabi. Hangga’t maaari ay umiwas sa pagpupuyat kung hindi naman kinakailangan.
Ang pagma-manage ng stress ay importante rin para sa pag-aalaga ng mukha. Lumalabas ang epekto ng stress sa mukha, gaya ng pagiging dry at flaky ng balat, pagiging haggard ng itsura, at kawalan ng glow. Umiwas sa stressors at gumawa ng mga hakbang para mapagtagumpayan ang mga ito.
- Uminom ng supplements. Nangangailangan ang ating balat ng iba’t ibang vitamins at minerals para mapanatili itong malusog. Para sa Vitamin C na kailangan para sa proteksyon mula sa UV rays ng araw, mayroong RM Ascorbic Acid. Napapabilis din nito ang paggaling ng mga sugat at pagkatuyo ng pimples kung may oily face.
Ang mga sumusunod na vitamins ay nakakatulong din sa natural face care:
- Vitamin E;
- Vitamin K; at
- Vitamin D.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/skin-care/art-20048237
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/healthy-skin/faq-20058184