Kilala sa buong mundo ang sakit na diabetes, isang karamdaman kung saan napakataas ang lebel ng “blood sugar” o asukal sa dugo.
Napaka-delikado ang diabetes dahil pinipinsala nito ang mga blood vessels at nerves na konektado sa ating puso. Kapag ang pinsalang ito ay napabayaan at lumala, malaki ang tyansang magkaroon ng heart-related diseases ang isang tao.
Maliban sa diabetes, may iba pang problemang pangkalusugan na maaaring pagmulan ng cardiac disease o diabetic stroke.
- Altapresyon (hypertension)
Kapag may pinsala ang mga arteries ng ating katawan, nagdudulot ito ng high blood pressure o altapresyon. Kapag hindi naagapan, tuluyang masisira ang blood vessels na pwedeng magdulot ng atake sa puso at posibleng kidney faliure. Kapag parehong may diabetes at altapresyon ang isang tao, dumodoble ang tyansa niyang magkaroon ng sakit sa puso.
- Obesity
Ang pagiging sobra sa timbang (overweight) at katabaan (obese) ay malaking hadlang sa pag-control ng diabetes. Dahil sobra-sobra at kulang sa sustansiya ang kinakain, hindi malayong mag-develop ng sakit sa puso ang taong obese. Nagde-develop din ang katawan ng “insulin resistance” kung saan hindi na ma-control ng insulin ang pagtaas ng asukal sa dugo.
- Abnormal na cholesterol at mataas na triglycerides
Apektado ng diabetes ang lebel ng cholesterol sa katawan. Madalas, nababawasan ang high-density lipoprotein (HDL) o “good cholesterol” habang tumataas ang low density lipoprotein (LDL) o “bad choelsterol” at ang triglycerides (uri ng taba sa katawan na kailangan para sa dagdag enerhiya). Sa ganitong pagkakataon, lumalaki ang tyansyang ma-develop ang sakit sa puso.
- Paninigarilyo
Mabigat ang epekto ng paninigarilyo sa katawan dahil maaari itong magdulot ng diabetes at ng sakit sa puso. Pinapataas ng tabako ang lebel ng asukal sa dugo. Pinipinsala pa nito ang mga arteries ng katawan na nagdudulot ng pagbabara ng fatty deposits – dahilan para magkaroon ng atake sa puso o stroke.
- Palaupong pamumuhay
Ang palaupong pamumuhay o tinatawag na “sedentary lifestyle” ay ang kakulangan ng sapat na ehersisyo at pisikal na aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga dapat gawin para i-manage ang diabetes
Kailangang baguhin ang istilo ng pamumuhay kung ito ang dahilan kung bakit lumalala ang diabetes. Para mapababa at ma-control ang lebel ng blood sugar sa katawan, gawin ang mga sumusunod:
- Mag-ehersisyo kahit 10 minutes kada araw
- Kumain ng masusustansiya
- Magbawas ng timbang ng naaayon sa payo ng doktor
- Iwasang magpuyat
- Magpa-check-up taun-taon para ma-monitor ang kundisyon ng diabetes
Mga gamot para sa diabetes at hypertension
Bagama’t ang diabetes ay isang pang-habang buhay na karamdaman, may mga gamot na maaaring irekomenda ng iyong doktor:
IMPORTANTE: Kumunsulta muna sa iyong doktor bago bumili at gumamit ng anumang gamot.
References:
https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/what-is-diabetes
https://www.webmd.com/diabetes/type-2-diabetes-guide/heart-blood-disease#1
https://www.webmd.com/diabetes/default.htm
https://www.cdc.gov/tobacco/campaign/tips/diseases/diabetes.html
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/expert-answers/diabetes/faq-20058540