Summer Dessert recipes para sa mga taong may Diabetes

April 23, 2016

Sa pagsisimula ng mainit na panahon ay ang pagpapalamig ng katawan ay hindi na bago sa ating mga Pilipino, ngunit para sa ilan na may diabetes, ang pagkain ng tama ay nararapat na maging priority sa pamamagitan ng paggamit ng tamang ingredients at pag bahagi ng pagkain. Isang makatutulong na halimbawa ang  recipe book na inilabas ng  Philippine Association for the Study of Overweight and Obesity (Pasoo) para sa mga may diabetes.

Ano ang diabetes?

Ang diabetes o  diabetes mellitus  ay isang uri ng metabolic disease kung saan ang blood glucose o blood sugar ay mataas dahil ang insulin production ay kulang o kaya’y ang cells ng katawan ay hindi tumutugon ng tama sa insulin. Ang ilan sa mga diabetes symptoms ay ang pagkagutom at pagkapagod, pag ihi ng madalas,  at matinding pagkauhaw. Ayon sa International Diabetes Association (IDF), ang Pilipinas ay Top 15 sa buong mundo sa pagkalat ng diabetes noong 2010.

 

Mayroong dalawang uri ng diabetes; Type 1 at Type 2. Ang Type 1 diabetes ay ang hindi kakayanan mag produce ng insulin ng katawan. Ang sintomas ng diabetes Type 1 ay hindi maaaring maiwasan at kadalasan itong nagsisimula habang bata pa lamang. Samantalang ang symptoms of diabetes Type 2 naman ay pwedeng maiwasan sa pagkakaroon ng healthy lifestyle. Kadalasan itong nakukuha sa hindi pagkain ng tama, pagkakaroon ng sobrang timbang, at high blood pressure.

 

Narito ang mga samalamig recipes na makatutulong sa pagpapalamig ng katawan ngayong panahon ng tag-init.

 

  1. Silky Chocolate Milkshake

Photo courtesy of stevepb via Pixabay

Ingredients:

  • 8 onsa ng tokwa

  • 2 tablespoons unsweetened kakaw (cocoa) powder

  • 1 kutsarang asukal

  • 1/2 kutsaritang vanilla

  • 1 tasang vanilla ice cream

  • 1 -1 1/4 tasang yelo

 

Direksyon:

  1. Pagsamahin ang tokwa, asukal, vanilla, at cocoa powder sa isang blender

  2. Haluan ng ice cream paunti-unti at dagdagan ng yelo paisa-isa hanggang lumambot at sumakto sa  texture na iyong nais

  3. Ilagay sa baso at ihain

 

2. Banana Peanut Butter Smoothie

Ingredients:

  • 1 saging

  • 6 onsa ng plain nonfat Greek yogurt

  • â…“ tasang fat-free na gatas

  • 1 kutsarang peanut butter

  • 1 kutsaritang asukal

 

Direksyon:

  1. Ilagay ang saging sa isang resealable bag at ilagay sa loob ng freezer sa loob ng 4 hanggang 24 oras

  2. Alisin sa freezer at huwag munang galawin ng 5 minuto

  3. Hiwain ang saging at ilagay sa blender. Idagdag ang yogurt, gatas, peanut butter, at asukal at pabayaang mahalo ito hanggang sa iyong nais.

  4. Lagyan ng yelo at ihain

 

3. Green Juice Smoothie

Photo courtesy of NGi via Pixabay

 

  • 1 ¼ tasang frozen mango cubes

  • 1 tasa ng tinadtad na pipino

  • 1 tasang baby spinach

  • ¾  tasang  jasmine green tea

  • 2 kutsarang dahon ng yerba buena o mint

  • 1 kutsarang lemon juice

  • 2 kutsarang lime juice

  • 1 kutsarang dinurog na luya

  • 1 yelo

 

Direksyon:

  1. Pagsamahin ang lahat ng ingredients sa blender hanggang mahalo ng mabuti

  2. Ilagay sa malaking baso at ihain


 

4. Ampalaya Juice

Ingredients:

  • 1 ampalaya

  • 1 kutsarang lemon juice

  • 1 kutsaritang asin

-->