Base sa ulat noong Agosto 2016, nasa anim na milyong Pilipino na ang mayroong diabetes. Ayon kay Augusto Litonjua, presidente ng Philippine Center for Diabetes Education Foundation, ang bilang na ito ay maaaring dumoble at maging 12 milyon pagdating ng 2040. Isa sa mga uri ng diabetes na talamak dito sa Pilipinas ay ang gestational diabetes.
Ano ang Gestational Diabetes?
Ang Gestational Diabetes ay isang uri ng diabetes na nadedevelop habang nagbubuntis. Ito ang klase ng kondisyon na mayroon ang mga babaeng wala namang diabetes bago mabuntis at ngayon ay mayroong ng mataas na blood sugar level. Nagsisimula ito kapag ang katawan ng nagdadalang-tao ay hindi na nakakagawa and nakakagamit ng lahat ng insulin na kailangan nito. Isa ito sa mga pinaka karaniwang kumplikasyon na nararanasan ng mga buntis.
Sanhi ng Gestational Diabetes
Ang sakit na ito ay resulta ng mga pagbabagong nangyayari sa lahat ng babae habang nagbubuntis. Ang pagtaas ng level ng mga hormones ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng katawan na gumawa at gamitin ang bloog sugar. Kapag ang pancreas o lapay ng buntis ay hindi kayang taasan ang dami ng insulin na ginagawa nito para matumbasan ang epekto ng tumaas na level ng hormones, saka tumataas ang blood sugar level nito at nagdudulot ng gestational diabetes.
Epekto ng Gestational Diabetes
Kapag hindi nagamot ang gestational diabetes, maaaring magdulot ito ng komplikasyon hindi lamang sa nanay kundi pa din sa sanggol.
-
Pwedeng lumaki ng sobra ang bata na magreresulta sa problema sa panganganak. Maaaring kailangang sumailalim ng nanay sa cesarean section para ito ay mailabas.
-
Ang sanggol ay pwedeng makaranas ng hirap sa paghinga at biglaang pagbaba ng blood sugar level pagkapanganak. Mataas din ang tsansa nitong magkaroon ng jaundice, isang kondisyon na nagdudulot ng paninilaw ng balat at puti sa mata.
-
Ang bata ay pwedeng magkaroon ng type 2 diabetes pagtanda.
-
Maaari din itong maging overweight hanggang paglaki.
Para naman sa mga nanay, bumabalik sa normal ang blood sugar level pagkatapos manganak. Ngunit, maaaring magkaroon ulit ng gestational diabetes sa susunod na pagbubuntis. Sila rin ay may 50% na tsansang magkaroon ng diabetes sa loob ng sampu hanggang dalawampung taon pagkatapos manganak.
Mga Dapat Gawin Para Maiwasan ang Pagkakaroon ng Gestational Diabetes
-
Magpakonsulta ng maaga sa doktor.
Mahalagang magpa-check up ng maaga ang mga nagdadalang-tao dahil maraming bagay gaya ng edad, timbang at family history ang maaaring magdulot ng mataas na risk para magkaroon ng gestational diabetes ang isang babae. Nasa pagitan ng 24-28 weeks ng pagbubuntis lumalabas ang gestational diabetes kaya’t sa panahon na ito nagbibigay ng glucose screening test ang mga doktor.
-
Kumain ng masusustansyang pagkain.
Mainam na kumain ang buntis ng mga pagkaaing mayaman sa fiber at protina at mababa naman sa fats at sugar. Iwasan ding kumain ng labis na processed foods. Bantayan ang dami ng kinakain na matatamis na prutas dahil maaaring mapataas nito ang glucose levels. Huwag kalimutang magpakonsulta sa doktor kung sasailalim sa isang diet plan.
-
Mag-ehersisyo.
Ang pag-eehersisyo habang nagdadalang-tao ay may iba't-ibang benepisyo, mapa-paglalakad man nito o swimming. Napapanatili nito sa normal na level ang blood sugar, napapabuti nito ang pagdaloy ng dugo at nakakatulong ito sa development ng fetus sa tiyan. Ayon sa isang pag-aaral, napapababa ng mga babaeng physically active bago at habang nagdadalang-tao sila ang kanilang tsansang magkaroon ng gestational diabetes. Mainam na magpakonsulta sa doktor kung anong klaseng ehersisyo ang pwedeng gawin.
Sources:
-
http://newsinfo.inquirer.net/805812/6m-pinoys-have-diabetes
-
https://www.webmd.com/diabetes/gestational-diabetes-guide/understanding-gestational-diabetes-basics#2
-
http://www.diabetes.org/diabetes-basics/gestational/what-is-gestational-diabetes.html?referrer=https://www.google.com.ph/
-
https://www.webmd.com/diabetes/gestational-diabetes-guide/gestational-diabetes-can-i-lower-my-risk#1
-
http://lifeasmama.com/5-tips-for-avoiding-gestational-diabetes/
-
http://www.arobgyn.com/the-best-ways-to-avoid-gestational-diabetes/
-
http://www.thehealthsite.com/pregnancy/5-simple-steps-to-prevent-gestational-diabetes-during-pregnancy/
-
https://www.webmd.com/baby/gestational-diabetes-you#1