Weight loss tips para sa may diabetes

May 21, 2019

Para sa mga taong may sakit na diabetes, problema ang pagiging sobra sa timbang (overweight) at sobra ang katabaan (obese). Maaaring kasing ma-develop ang tinatawag na "insulin resistance”, isang kundisyon kung saan nahihirapan ang katawan na ma-control ang pagtaas ng lebel ng asukal sa dugo (blood sugar).

Kapag nanatiling sobra ang timbang at katabaan ng isang tao, posibleng lumala ang kanyang diabetes at pagmulan ng ibang mga kumplikasyon gaya ng sakit sa puso at stroke.

Anu-ano nga ba ang mga dapat tandaan ng mga taong diabetic (may diabetes) sa pagbabawas ng timbang at katabaan?

Huwag kalimutang mag-almusal

Kapag hindi kumain ng agahan ang taong diabetic, baka mapadami ang kanyang kain sa buong maghapon. Mawawalan ng saysay ang pagbabawas ng timbang at tataas pa lalo ang lebel ng blood sugar sa katawan.

Kumain ng maliliit na meals

Mainam sa taong diabetic ang mga meals na maliliit, magaan sa tiyan at naka-schedule sa buong maghapon. Tumutulong ito sa pagpapababa ng lebel ng asukal sa dugo at pagko-control ng pagkagutom.

Gumawa ng diabetic meal plan

Upang ma-control ang dami ng calories sa kinakain, importanteng magkaroon ng diabetic meal plan. Planuhin ang mga kakainin ayon sa payo ng doktor. Ang mabisang diabetic meal plan ay angkop sa edad, kasarian, timbang, kalusugan at pangangatawan ng taong diabetes.

Mag-prutas para mabusog

Imbes na mag-meryenda ng tinapay o chichiria na mataas sa asukal at calories, kumain ng prutas gaya ng saging. Samahan pa ng tubig para lalong mabusog. Paalala, komunsulta muna sa doktor kung anong prutas ang ligtas kainin kapag mayroong diabetes.

Mag-ehersisyo

Ehersisyo ang isa sa pinakamabisang paraan para magbawas ng timbang. Kahit ang simpleng “brisk walking” o mabilis na paglalakad ng mahigit 30 minutes ay nakakatulong.

Isama ang fiber sa dyeta

Ayon sa pag-aaral, ang dyeta na mayaman sa fiber ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar at sa pagbabawas ng timbang. Mayroon ding mga pag-aaral na ang dyetang mayaman sa fiber ay nakakapigil sa pagtaas ng timbang.

Heto ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa fiber:

  1. Saging
  2. Mansanas
  3. Strawberry
  4. Mangga
  5. Cereal (dapat may 5 gm. ng fiber na nakasaad sa produkto)

 

RiteMed Fibermate

Bukod sa pag-eehersisyo at healthy na diet, maaaring irekomenda ng inyong doktor ang

RiteMed Fibermate upang makatulong sa tamang pagbabawas ng timbang at sa maayos na pag-digest ng pagkain.

 

Ang diabetes ay sakit na panghabang-buhay. Kaya kailangang ipagpatuloy ang pagdi-dyeta at ehersisyo kahit naabot na ang tamang timbang.

 

Huwag ding kakalimutan na inumin ang mga gamot na ipinayo sa inyo ng doktor tulad na lamang ng Glimepiride o di naman kaya ay Metformin na nakatutulong sa pagpapababa ng blood sugar levels.

 

IMPORTANTE: Kumunsulta muna sa doktor bago simulan ang anumang klase ng dyeta o pag-inom ng anumang gamot para sa diabetes.

 

References:

https://www.webmd.com/diabetes/features/diabetes-weight-loss-diet-plan#1

http://www.diabetes.org/food-and-fitness/weight-loss/

https://www.besthealthmag.ca/best-you/diabetes/6-tips-for-losing-weight-when-you-have-diabetes/

http://www.diabetes.org/are-you-at-risk/lower-your-risk/overweight.html

https://www.endocrineweb.com/conditions/type-2-diabetes/insulin-resistance-causes-symptoms

https://www.webmd.com/cholesterol-management/features/fiber-groceries