What is Diarrhea?
Ang diarrhea o pagtatae ay isang digestive condition na nagdudulot ng loose o watery stools (dumi). Karaniwan itong tumatagal ng isa hanggang dalawang araw ng walang kumplikasyon, at nawawala na lang kahit hindi gamutin. Ngunit hindi lahat ng tao ay ganito ang nararanasan. Marami ang nakakaranas ng diarrhea na umaabot ng dalawa hanggang apat na linggo. Ang kondisyon na ito ay tinatawag nang chronic diarrhea.
Chronic Diarrhea Symptoms
Maraming sintomas ang chronic diarrhea. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang pangunahing sintomas nito ay loose o watery stools na umaabot ng ilang linggo. Depende kung ano ang sanhi, maaari mong maranasan ang isa o higit pa sa mga sumusunod:
- Nausea
- Abdominal pain
- Cramping
- Bloating
- Dehydration
- Fever
- Bloody stools
- Frequent urge para magdumi
- Large volume ng stools
Chronic Diarrhea Causes
Madaming potential causes ang chronic diarrhea. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
- Excessive Alcohol o Caffeine Intake
- Sugar at Dairy Products
- Herbs at Herbal Remedies
- Medication
- Infection
- Inflammatory Bowel Disease (IBD)
Iba pang sanhi ng chronic diarrhea:
- Rare Tumors. Halimbawa nito ay ang carcinoid tumors na nagpo-produce ng hormones na nagsasanhi ng diarrhea.
- Surgery. Ang diarrhea ay maaaring komplikasyon ng ilang uri ng abdominal o intestinal surgery.
- Irritable Bowel Syndrome (IBS). Ito ay isang functional disorder na nagsasanhi ng diarrhea, constipation, or pareho.
- Hormonal Disorders. Ilang halimbawa nito ay diabetes at overactive thyroid.
- Gallbladder Removal. Matapos matanggal ang gallbladder, marami pang “bile” ang maaaring mabuo na nagiging dahilan ng diarrhea.
- Allergies. In rare cases, ang food allergies ay maaaring humantong sa loose at watery stools.
Diarrhea Treatment
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/caregiver-nurse-helping-elderly-woman-taking-1383424856
Ang paggamot sa chronic diarrhea ay nakasalalay sa underlying cause nito. Ilan sa potential diarrhea cure options ay ang sumusunod:
- Hydration
Ang diarrhea ay maaaring maging sanhi ng dehydration, lalo na kung magpapatuloy ito ng ilang linggo. Dahil dito, mahalagang uminom ng maraming clear fluids sa buong araw. Kasama sa mga pagpipilian ang tubig, mga non-caffeine na tsaa, at low-sodium broth.
- Dietary Changes
Isa pang remedy for diarrhea ay ang pagbabago ng iyong diet plan. Kung isang specific dietary item ang nagsasanhi ng chronic diarrhea, maaari mong subukang alisin ang food item or beverage na ito upang makita kung bumubuti o hindi ang mga sintomas.
- Natural Remedies
May ilang natural products na maaaring makatulong sa pagpawi ng chronic diarrhea. Isa na dito ang probiotics, na nakakatulong sa pag-restore ng healthy balance ng bacteria sa ating gut.
- Oral Medication
Para sa isang tao na may weakened immune system, ang diarrhea ay maaaring maging chronic disease o life-threatening illness. Upang di na lumubha, uminom agad ng medicine for diarrhea tulad ng RM Loperamide. Ang diarrhea medicine na ito ay ginagamit para sa symptomatic relief ng acute, nonspecific diarrhea at chronic diarrhea na nauugnay sa IBD.
How to Prevent Chronic Diarrhea
Ang chronic diarrhea na dulot ng isang medical condition ay hindi natin mapipigilan. Gayunpaman, maaari nating maiwasan ang chronic diarrhea na sanhi ng impeksyon sa pamamagitan ng ilang hakbang na magpapanatili ng kalinisan ng ating pagkain at tubig. Halimbawa:
- Uminom mula sa isang clean water source (o kaya'y salain muna bago inumin).
- Linisin at hugasan ng mabuti ang karne bago lutuin.
- Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos humawak ng pagkain.
- Linisin ang kitchen surfaces upang maiwasan ang kontaminasyon.
- Hugasan ang mga prutas at gulay bago kainin.
- Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos gumamit ng banyo, magpalit ng lampin, o magbantay sa isang may sakit.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/319995
https://www.healthline.com/health/diarrhea/chronic-diarrhea#TOC_TITLE_HDR_1