6 Malikhaing Libangan na Swak Ngayong Ber Months

October 14, 2020

Dahil sa pandemya, marami sa atin ang naantala ang mga pang-araw-araw na gawain gaya ng trabaho at libangan. Dahil sa banta ng virus, naging limitado na ang pagkilos ng mga tao sa labas ng kani-kaniyang tahanan o lugar. Kaya naman sa pagpasok ng ber months at sa nalalapit na Kapaskuhan, isa sa iniisipng mga tao ay paano mama-maximize ang oras at panahon nila sa bahay.

Ang pagpapanatili ng good mental health sa gitna ng pandemya ay importante. Kaya susi ang pagkakaroon ng bagong creative hobbies and interests. Bonus na rin kung ang mapili mong matutunan o pag-aralan ay may maidudulot din na maganda sa iyong pisikal na pangangatawan.

Narito ang ilan sa mga special skills and hobbies na pwede mong pagtuunan ng panahon habang naglalagi sa bahay:

  1. Pag-aalaga ng halaman

Isa sa mga trending na malikhaing libangan ngayon ay ang paghahalaman. Kaliwa’t kanan ang mga nagsulputang resellers ng iba’t ibang uri ng halaman dahil sa biglang pagtaas ng demand sa mga ito. Mapa-gulay man o succulents, tila halos lahat ng mga Pinoy ay may ‘di bababa sa isang tanim sa kanilang bahay.

Ayon sa mga certified plantitos at plantitas, ang paghahalaman ay swak sa mga taong mahilig sa dekorasyon at may sapat na pasensya para mag-alaga araw-araw. Para sa iba, malaking tulong sa mental health ang katahimikan at kapayapaan na dulot ng paghahalaman. Ingat lang dahil may mga halaman na maaaring magdulot ng allergies kaya dapat may nakahanda rin sa gamot kung sakali.

Kahit na lipana ang mga resellers na mataas magpresyo ng tindang halaman, ito ay di naman gaanong magastos kumpara sa ibang libangan. Kahit wala kang sariling garden sa bahay, pwede kang magtanim kahit sa paso lang.

Kapag naging bihasa ka na sa paghahalaman, maaari mo itong gawing negosyo. Pero ang mas higit na pakinabang nitong libangan ay ang kapayapaan ng isip sa gitna ng pandemya.

 

undefined

Source:

https://www.shutterstock.com/image-photo/young-gamer-playing-video-game-wearing-634861250

 

  1. Paglalaro ng video games

Kung ikaw ay mahilig sa video games, malamang ay naging tagasubaybay ka na ng manlalaro na kung tawagin ngayon ay “streamers.” Sila ang mga gamers na nagpapalabas ng kanilang laro live sa iba’t ibang online channels. Ang gaming sa ngayon ay isa sa mga nangunguna sa list of hobbies ng mga Pinoy habang naka-quarantine dahil kailangan mo lang gaming console tulad ng kompyuter o selpon at maayos na internet connection.

May hindi magandang epekto ang sobrang paglalaro ng video games, pero kung gagawin nang tama, malaki ang maitutulong nito sa emosyonal at mental na kalusugan. Makatutulong din ang paglalaro na mas mahasa ang hand-and-eye coordination pati na ang pagiging matalas ng isipan.

Katulad ng paghahalaman, maaari mong pagkakitaan ang video game streaming lalo kung bihasa ka na sa mga nagustuhan mong laro. Nalibang ka na, may perang kikitain ka pa.

  1. Paggawa ng DIY projects

Dahil limitado na ang galaw ng mga tao buhat nang magkapandemya, maraming tindahan o pagawaan na rin ang nagsara. Kaya naman isa sa example ng hobbies na swak matutunan ngayon ay ang sariling paggawa ng mga bagay-bagay.

Marami nang instructional videos na matatagpuan sa internet kaya hindi na mahirap magsaliksik kung paano gumawa ng isang bagay. Halimbawa kailangan mo ng patungan para sa mga bago mong halaman o kaya naman gaming table at chair para sa paglalaro ng video games, pwede mong paglaanan ng oras ang paggawa ng mga ito.

Maaaring may mga lumang gamit ka na pwedeng i-recycle at i-reuse o kaya naman ay bumili ng mga materyales at kagamitan sa malapit na hardware. Swak din ito pang bonding ng buong pamilya kaya may benepisyo rin na makukuha sa DIY projects.

Sa nalalapit na Undas, maaari kayong gumawa ng mini horror house sa garahe. Sa Kapaskuhan naman, pwede kayong mag DIY ng mga parol, dekorasyon, at pailaw na akma sa Christmas theme ninyo.

  1. Pag-aaral kumuha ng retrato

Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, kahit ang batang maliliit ay marunong nang gumamit ng camera sa selpon. Pero iba pa rin kapag akma ang setting ng camera sa subject at paligid nito. May mga tutorial videos na rin sa internet kung nais mo na mas maging mabusisi at madetalye sa pagkuha ng mga retrato.

Sakto sa nalalapit na December holiday ang bagong photography skills na matututunan mo. May kamahalan ang pagpupursigi nitong libangan na ito. Pero kung magiging bihasa ka na sa pagkuha ng retrato, mas maganda ang kalalabasan na larawan kaya mas magiging memorable din ang mga moment niyo sa Pasko sa kabila ng pandemya.

 

undefined

Source:

https://www.shutterstock.com/image-photo/krasnoyarsk-russia-april-10-2018-filmmaking-1076840159

 

  1. Pag-aaral mag-edit ng video

Kagaya ng pagkuha ng retrato, iba pa rin ang maging magaling sa pagkuha at pag-edit ng video. Mas maraming alaalang pwedeng balikan kung maganda ang pagkakakuha sa mga ganap. Mula sa pagsasayaw sa mga Christmas jingles hanggang sa pagkanta ng mga Christmas songs, mas may dating ito kung ma-video-han mo sa tamang anggulo at pwesto.

Ang pagkuha ng video sa tamang anggulo at pwesto ay matututunan mo lang kung sisikapin mo itong pag-aralan bilang malikhaing libangan. Salamat sa internet, abot-kamay mo na nang libre ang tutorials sa video editing.

  1. Pag-aaral magluto

Anong hindi pwedeng mawala pag nagdiriwang ng Kapaskuhan? Syempre ang mga masasarap na handa sa hapag-kainan. Dahil mas marami ka na ngayong oras na nilalagi sa bahay, wala nang dahilan para hindi matutong magluto ng isa o dalawang putahe. Kagaya ng pag-edit ng video o pagkuha ng retrato, nakatutulong itong hasain ang isipan ng tao upang maging mas malikhain.

Ang pag-aaral magluto ay maganda rin na bonding time para sa pamilya lalo na kung marami kayong sabay-sabay na magluluto sa kusina. Wala nang mas tatalo pa bilang Christmas greeting sa bandehado ng hamon, lumpiang shanghai, adobo, at Pinoy spaghetti sa Pasko.

Ang pagluluto ang isa sa mga skills na maaari mong mapakinabangan kahit saan at kahit kailan. Hindi rin problema kung walang kasama na magtuturo sa iyo dahil nandiyan naman ang internet para sa mga recipe ng mga pagkaing Pinoy sa swak ihanda sa nalalapit na Pasko.

 

undefined

Source:

https://www.shutterstock.com/image-photo/daughter-help-parent-preparing-bake-family-1277022946

 

Hindi hadlang ang limitadong galaw sa panahon ng pandemya upang matuto ng mga bagong kaalaman. Gamitin nang husto ang panahong inilalagi mo sa bahay para maging mas malikhain, na siyang isa mga susi upang mapanatiling malakas ang emosyonal, mental, at pisikal na kalusugan.

 

Source:

https://www.lifehack.org/512630/6-creative-and-fulfilling-hobbies-take-after-the-holidays