Lagi nating naririnig ang terminong “health center.” Ngunit, ano ng aba ito at anu-ano ang mga serbisyong naibibigay ng mga ito?
Bahagi ng mandato sa gobyerno ang pagbibigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan o health services sa mamamayang Pilipino. Ang mandato na ito ang nagbigay-daan sa pagtatayo ng mga pampublikong health centers. Kumpara sa isang pribadong ospital o private health center, ang isang pampublikong health center ay nagbibigay serbisyo sa mas abot-kayang halaga. Mayroong iba’t-ibang klase ng health centers sa ating bansa.
LGU Hospitals o Government Hospitals
Ito ay mga ospital na pinamamahalaan ng lokal na gobyerno. Kabilang dito ang mga provincial hospitals at mga district hospitals. Ang mga ito ay pinapangasiwaan ng iba’t-ibang doktor o spesyalista, kasama ang mga nurse, midwives, medical technicians, at iba pang medical staff. Mayroon itong iba’t-ibang facilities na kayang magbigay serbisyo sa mga pasyente tulad ng primary care services (o ang pangangalaga sa isang pasyente na may pangkaraniwang sakit), ambulatory o outpatient care (kung saan kabilang ang pagkonsulta sa doktor, pag-take ng diagnostic tests at iba pang serbisyo na hindi nangaingailangan ng pananatili sa ospital) Inpatient care (kung saan kinakailangan manatili sa ospital ang pasyente para ma-monitor ng doktor o nurse) at emergency medical services.
Rural Health Units o City Health Offices
Ito ay mga health centers o facilities na nagbibigay ng primary care at outpatient services. Kabilang sa staff ng isang Rural Health Unit o City Health Office ang family doctors o general practitioners, nurse, midwives, nutritionist at volunteer health workers. Ang ibang sa mga ito ay mayroong pasilidad para sa laboratory tests, dental services at nutrition services. Ang iba naman ay mayroong paanakan o lying-in clinic. Ang mga health center na ito ang may responsibilidad na magbigay impormasyon sa mga midwives at baranggay health workers ukol sa mga bagong kaalaman sa health care.
Barangay Health Stations
Ang pangunahing tungkulin ng isang Baranggay Health Station ay magbigay ng libreng pangunahing lunas o primary care sa mga myembro ng baranggay. Kadalasan, ito ay pinapangasiwaan ng midwives, kasama na ang mga baranggay health workers at volunteer health workers. Ayon sa DOH, ang barangay health worker ay isang tao na dumaan sa training programs upang magbigay ng primary health care service sa kanyang komunidad. Sila ay mahalaga sa pagbibigay health information at serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kabilang sa baranggay.
Photo by Aditya Romansa on Unsplash
Kung ang pangunahing tungkulin ng isang baraggay health station ay magbigay ng primary care, anu-ano nga ba ang mga serbisyong kabilang dito?
1.Health Education
- Kung nais matuto kung papaano mapapangalagaan ang kalusugan ng sarili at ng pamilya, maaring sumangguni sa baranggay health station kung saan may mga propesyonal na makakatulong sa iyo. Kabilang na dito ang pag bibigay impormasyon tungkol sa mga nakakahawang sakit, ang lunas para dito at kung paano ito maiiwasan.
2.Family Planning, Maternity Care at Child Care
- Maari din silang lapitan kung ikaw ay nais matuto tungkol sa family planning. Kung ikaw naman ay nagdadalang tao na, maaring kumonsulta sa kanila para malaman kung anu-ano ang mga kailangan gawin para sa heathy na pagbubuntis. Tumutulong din sila sa pangangalaga ng ina matapos itong manganak. I-check din kung ang inyong baranggay health station ay may paanakan o lying-in clinic.
- Tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng bata, ang mga baranggay health stations ay kayang magbigay ng propesyonal na payo at kaya din magbigay ng first aid services o mga simpleng lunas sa mga sakit ng bata.
3.Childhood Immunizations o Vaccines
- Ang mga baranggay health stations ay nagbibigay ng libreng vaccines sa mga bata para ang mga ito ay makaiwas sa iba’-ibang sakit pagtanda. Ang mga vaccines na ito ay ibinibigay ng libreng kaya hindi kailangan mag-alala sa gagastusin.
- Ang iba ay mayroon ding Anti-Tetanus o gamot laban sa rabies kaya maaring idala kaagad sa kanila ang isang tao nakagat ng aso o pusa na pinaghihinalaang may sakit na ito.
4.First Aid and Emergency Assistance
- Ang mga midwives at baranggay health workers ay tinuruan kung paano mabigay ng first aid. Mayroon din silang mga gamot at supplies para dito. Para sa mga karaniwang sakit o minor emergencies, maari silang puntahan upang makapagbigay lunas.
- Kadalasan sa kanila ay mayroon ding basic emergency kits at mga ambulansya. May kakayahan silang magbigay tulong tuwing emergency cases.
Para sa mga Pilipino, napakahalaga ng konsepto ng baranggay. Ayon sa konstitusyon ng bansa, ang baranggay ang pinaka maliit na pangkat ng gobyerno. Ngunit higit pa dito, ang barangay ang nagsisilbing komunidad kung saan nagututlong-tulungan ang kapwa Pilipino. Kaya naman ang Barangay Health Stations ay mainam na unang takbuhan tuwing may nararamdaman na sakit. Alamin kung saan ang pinakamalapit na health center sa iyo at huwag mahihiyang sumangguni sa kanila.
Sources:
Sec. 11 Art. XIII, 1987 Philippines Constitution, https://www.lawphil.net/consti/cons1987.html
https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=2218
https://www.philstar.com/metro/2017/09/17/1740115/manilans-urged-patronize-barangay-health-centers
https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga/20160530/281612419650426
http://www.wpro.who.int/health_services/service_delivery_profile_philippines.pdf