Kahit ang pinaka magaling na doktor ay hindi makapagbibigay ng wastong sagot saiyong gustong malaman tungkol sa iyong kalusugan kung hindi karin naman nakapagbibigay ng mga angkop na katanungan. Kaya, kung maigi mong nasusubaybayan ang iyong mga medical check up, sulitin ang iyong oras sadoktor gamit ang mga sumusunod na tanong.
Ang aking timbang ba ay tama lamang para sa aking katawan?
Ikaw ba ay napakapayat o obese? Karamihan sa atin nasa katataman lamang ngunit wala tayong medikal nakaalaman upang matiyak na angating timbang ay masasabing tunay na healthy. Hindi porket mas malaman ka o mas patpatin ay di kanamalusog. Maigi na tanungin sa susunod na doctor check up kung ano ang ideal natimbang base sauri ng iyong katawan.
Mahalagang malaman ang nasabing impormasyon dahil iyong maiiwasan ang mga sakit tulad ng diabetes, sakit sa puso at kanser nang dahil dito.
Anong mga pagkain ang dapat kong iwasan at dapat mas kainin?
Tulad ng nakakarami sa mga pasyente, wala tayong ideya kung paanongaba kumain nang naaayon sa balanced diet. Bukod sa malaking maitutulong nito sa pangkalahatang kalusugan, marami ring mga karamdaman ang kayang bigyan ng ginhawa gamit ang akmang pamumuhay katulad nalamang ng mga problema sa timbang, blood pressure at iba pa.
Upang mabigyan ng tamang payo ng doktor sa susunod na health check up, dapat din na maging tapat sa pagsabihin dilamang ng iyong mga kinakain kundi patinarin ang iyong eating habits at pang-araw-arawnakonsumo ng tubig. Makabubutirinsapagsuri ng iyong digestive system at antas ng sustansya ng katawan ang pagbunyag ng dalas ng iyong pagdumi sa isang araw.
Tumutugma pa ba ang mga iniinom kong gamot base sa aking kalagayan?
Image from Pexels
Sa paglipas ng panahon ay dumadaan sa iba’t-ibang pagbabago ang ating katawan. Dahil dito, maaaring ang mga gamot naating karaniwang iniinom ay walanang bisa o hindi na epektibo sa ating kalagayan. Posible rin na may mga mai mumungkahi ang doktor saiyong medical check up na karagdagang gamot upang mas maging malakas ang katawan laban sa iba’tibang sakit. Bukod sa mga gamot na pang-maintenance, siguraduhin din na talakayin sa susunod na doctor check upang mga kasalukuyang iniinom na gamot patinarin ang mga supplements.
Base sa medical history ng akingpamilya, may mgasakitbanaako’ynanganganibnamagkaroon?
Karaniwang itinatanong ng doktor sa mga general check up ang medical history ng pamilya. Sapamamagitan nito ay malalaman ang mga sakit na may posibilidad na iyong makukuha lalona kung ito ay na mamana. Pag iyong nalaman ang mga sakit na ito ay malalaman din ang mga early warning signs at sintomas upang ito’y maagang maagapan.
Base rin sa impormasyon na ito ay mas makapagbibigay ng tamang payo ang doktor tungkol sa mga dapat naiwasang gawainlalo na pagdating sa nutrisyon at diet.
May mga screening tests ba ako nakailangang kunin?
Image from Pexels
Bukod pa sa mga madalas na inirerekomenda ng doktor sa mga health check up, tulad ng blood test, may mga angkop na pagsusuri na maaaring mong kailanganin base saiyong edad at kasarian.
Ang mga sakit na maaring mong makuha base sa family history ay mas maiiwasan sa pagkuha ng mga nararapat na test. Mabuti rin na tanunging ang doktor kung dapat kana bang kumuha ng pap smear, mammogram, glaucoma test o screenings para sa prostate at colorectal cancer.
Ang pag tatanong ay ang susisa isang magandang medical check up. Kung di kamag tatanong, iisipin ng doktor na alam mo na ang sagot o hindi ka interesadong malaman ito. Hindi mo dapat hintayin na ang doktorang mag bigay ng partikular na tanong o paksa. Maaring di niya alam na importante ito sa’yo kaya dapat na maging maagap tuwing ikaw ay bumibisita sa doktor.