Bakit masakit magka-Dysmenorrhea?

September 11, 2018

Ang dysmenorrhea or menstrual cramps ang isa sa mga nakakabahala na parte ng menstrual period. Sa ilang kababaihan, palagi na itong pinagdadaanan sa tuwing sasapit ang kanilang menstruation. Ano nga ba ang dysmenorrhea? Dapat ba natin itong ipagsawalang-bahala?

 

Ano ang dysmenorrhea?

Ang dysmenorrhea ay ang pananakit ng lower abdomen at maging ng likod sa tuwing may menstruation o bago sumapit ang menstruation period. Iba’t iba ang range ng pananakit na ito, mula mild hanggang sever ang pain na dala nito. Kalimitan, nagiging mas tolerable na ang level ng sakit habang nagkaka-edad. Sa ibang kaso, nawawala na rin ang menstrual cramps pagkatapos ng panganganak.

Ang menstrual cramps ay dulot ng contractions sa uterus o bahay-bata upang ilabas ang lining nito. Ang uterus ay isang muscle, at kapag ang contractions na ito ay lubhang malakas sa panahon ng menstruation, tinatamaan o naiipit nito ang mga blood vessels. Dahil dito, nababawasan ang supply ng oxygen sa uterus at iyon ang nagiging dahilan ng menstrual pain.

Para sa ilan, lubhang nakakaabala ang dysmenorrhea dahil ang tindi ng sakit na dulot nito ay nakakaapekto sa pang araw-araw na mga gawain sa tuwing may buwanang daloy.

 

Mga Karaniwang Symptoms ng Dysmenorrhea

Tuwing may menstruation, ang hormone-like substance na prostaglandins ang nagiging sanhi ng pagsakit at ng pamamaga na nagiging trigger sa contractions ng uterus. Kapag mas mataas ang level ng prostaglandins, nagiging mas matindi ang menstrual cramps.

Kabilang sa mga karaniwang symptoms ng dysmenorrhea ang mga sumusunod:

  • Pananakit ng lower abdomen;
  • Menstrual pain tatlong araw bago ang period. Kadalasan, ang pinakamatinding pagsakit ay mararanasan sa unang 24 oras ng period;
  • Pananakit na umaabot hanggang sa likod at mga hita;
  • Nausea o pagduduwal;
  • Pagsakit ng ulo; at
  • Pagkahilo.

 

undefined

Photo from Unsplash

Primary at Secondary Dysmenorrhea

Mayroong dalawang uri ng dysmenorrhea: ang primary dysmenorrhea at ang secondary dysmenorrhea. Ang primary dysmenorrhea ay ang menstrual cramps na dulot ng menstruation period. Sa kabilang dako, and secondary dysmenorrhea naman ay tumutukoy sa iba pang sanhi ng dysmenorrhea na may kinalaman sa problema sa reproductive organs.

Narito ang ilan sa mga dysmenorrhea causes:

  • Ademonyosis – Ito ang condition kung saan ang tissue na nakalinya sa uterus ay nagsisimulang tumubo hanggang sa ito ay umabot na sa muscular walls.

 

  • Cervical stenosis o narrowing of the cervix – Ito ang condition sa ilang kababaihan kung saan ang opening ng kanilang cervix ay masyadong makitid. Dahil dito, hindi nahahadlangan ang menstrual flow at tumataas ang level ng pain at pressure sa uterus.

 

  • Endometriosis – Ito ang abnormal na condition kung saan ang tissue na dapat ay nakalinya sa loob ng uterus ay tumutubo sa labas ng uterus. Apektado rito ang fallopian tubes, ang ovaries, at ang tissue na nakalinya sa pelvis.

 

  • Pelvic inflammatory disease (PID) – Ito ang infection ng reproductive organs sa kababaihan na dulot ng sexually-transmitted bacteria.

 

  • Growth of uterine fibroids – Ito ang pananakit na dulot ng pagtubo ng non-cancerous tumors sa uterus wall.

 

Tip: Itala ang iyong menstrual cycle

Huwag ipagwalang-bahala ang dysmenorrhea. Ugaliing itala ang iyong menstrual cycle. Gumawa ng journal kung saan nakatala ang una hanggang huling araw ng menstruation period. Obserbahan din kung anu-ano ang mga symptoms na karaniwang pinagdaraanan sa tuwing sasapit ang iyong period.

Sa ganitong paraan, maitatala mo rin ang mga detalyeng ito:

  • Ang duration ng iyong buwanang daloy o kung gaano katagal ang iyong average na period;
  • Ang level ng menstrual pain; at
  • Ang tindi ng bleeding sa bawat araw ng iyong period.

 

Mula sa datos na ito ay maaari mo ring makuha ang ilan pang information tulad ng iyong average cycle, o ang karaniwang bilang ng araw bago ang iyong susunod na period. Bukod pa dyan, maaaring makatulong ang journal na ito sa pagkonsulta sa iyong doctor.

undefined

Photo from Unsplash

Dysmenorrhea Treatment

Kung ang level ng pananakit na dulot ng dysmenorrhea ay mild lamang, maaari itong inuman ng pain relievers tulad ng mefenamic acid at iba pang over-the-counter dysmenorrhea medicine gaya ng ibuprofen, aspirin, acetaminophen, at naproxen sodium. Siguraduhin lamang na inumin ito ayon na nararapat ng dosage. Para sa mas maginhawang lunas, agad inuman ng dysmenorrhea medicine sa unang hudyat pa lamang ng cramps. Ipagpatuloy ang pag-inom nito sa regular na dosage ng mga dalawa hanggang tatlong araw o hanggang maging mabuti na ang pakiramdam.

Narito pa ang ilang mga bagay na maaaring gawin upang malunasan ang mild pain dulot ng muscle cramps:

  • Magpahinga nang mabuti.
  • Maglagay ng hot compress sa abdomen at lower back.
  • Maligo gamit ang maligamgam na tubig (warm bath).
  • Iwasan ang mga pagkaing may mataas na level ng caffeine at asin.
  • Iwasan ang paninigarilyo at ang pag-inom ng alcohol.
  • I-massage and abdomen at likod.
  • Gawing bahagi ng iyong routine ang pag-e-ehersisyo.

 

Kung ang tindi ng sakit dulot ng dysmenorrhea ay hindi normal o kung ang pananakit ay tumagal nang higit pa sa tatlong araw, agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor. Sa ganitong paraan, mabibigyang lunas ang sakit na dulot ng dysmenorrhea.

Mayroong pagkakataon na iminumungkahi din ng doctor ang paggamit ng mas mataas na dosage ng pain reliever at iba pang klase ng gamot. Minsan, iminumungkahi din ng doctor ang paggamit ng oral contraceptives bilang dysmenorrhea treatment.

 

Mga Test para sa Dysmenorrhea

Tulad ng nabanggit, ang dysmenorrhea ay maaaring isang senyales ng abnormality sa reproductive organs. Upang makasiguro at upang mabigyang lunas ang pananakit, pwedeng imungkahi ng doktor na sumailalim sa ilang mga tests upang malaman ang tunay na sanhi ng abnormal na pagtindi ng iyong cramps. Ilan sa tests na ito ang mga sumusunod:

  • Pelvic exam – Sa test na ito, gumagamit ng aparato na kung tawagin ay speculum upang malaman ang condition ng reproductive organs. Maaaring kumuha ng sample ng vaginal fluid upang isailalim sa laboratory test. Kung mapatunayan na ang cramps ay hindi sanhi ng menstrual period, may posibilidad na magsailalim sa iba pang tests upang malaman ang tamang lunas.

 

  • Ultrasound – Ang test na ito ay ginagamitan naman ng sound waves na siyang lilikha ng image ng mga apektadong internal organs tulad ng uterus, fallopian tubes, cervix, at ovaries.

 

  • Surgery (laparoscopy) – Ito ay isang surgery kung saan sisilipin ng doctor ang abdominal cavity sa pamamagitan ng maliit na incision sa abdomen at pagpasok ng fiber-optic tube na may camera lens sa katawan ng sinusuri. Maaari nitong matukoy ang underlying conditions tulad ng ovarian cysts, fibroid growths, adhesions, ectopic pregnancy, at endometriosis.

 

Sources:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menstrual-cramps/symptoms-causes/

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menstrual-cramps/diagnosis-treatment/

https://www.webmd.com/women/menstrual-cramps#1-3