Buwan-buwan, nagkakaroon ng menstruation o regla ang isang babae. Ang buildup sa lining ng uterus ay inilalabas ng katawan bilang dugo sa maliit na opening sa cervix hanggang makalabas sa ari. May kalakip na mga pananakit at sintomas ang menstruation na tinatawag ding period cramps. Ang medical term dito ay dysmenorrhea. Alamin kung paano i-manage ang period pain sa pamamagitan ng gamot at iba pang mga paraan.
Dysmenorrhea Symptoms
Kapag may dysmenorrhea, maaaring maranasan ang ilan o lahat sa mga sumusunod na karaniwang sintomas:
- Cramps sa lower abdomen o puson;
- Pananakit ng balakang o lower back;
- Pangangalay ng mga binti;
- Nausea;
- Pagsusuka;
- Diarrhea;
- Pananakit ng ulo o migraine;
- Mood swings o madaling pagkairita; at
- Pagkapagod.
Medicine for Dysmenorrhea
May iba’t ibang factors kung bakit mas matindi ang nararanasan na period pain ng ibang babae. Sa ganitong pagkakataon, maaaring kailangan nang uminom ng gamot para guminhawa mula sa dysmenorrhea. Tingnan ang mga sumusunod na gamot na pwedeng inumin para rito:
- Pain relievers – May mga over-the-counter (OTC) medicine na ligtas inumin para sa dysmenorrhea.
- Uminom ng RM Mefenamic Acid 500 mg. isang beses kada walong oras.
- Mayroon ding RM Paramax na kombinasyon ng ibuprofen at paracetamol na dapat inumin isang beses kada anim na oras. Epektibo rin ito para sa sakit ng ulo at pananakit na katawan dala ng menstruation.
- Kung RM Naproxen Sodium 500 mg. naman ang iinumin, sundan ito ng 250 mg. kada anim hanggang walong oras.
- Hormonal birth control – Bukod sa pagpigil sa ovulation na nagsasanhi ng menstruation, napapababa rin nito ang pananakit dala ng period pain. Depende sa payo ng inyong doktor, pwede itong i-administer bilang pills, injection, implant sa braso, o intrauterine device (IUD).
Kung wala sa mga nabanggit ang makakatulong para sa inyong dysmenorrhea, huwag mahiyang magtanong sa doktor at magpakonsulta. Makakabuti ito para masiguradong walang ibang health condition na nakakapagpalala ng period cramps.
Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/home-workout-girl-doing-aerobics-warming-1591182016
Home Remedies for Dysmenorrhea
Bukod sa pag-inom ng gamot, may iba pang mga paraan para maibsan ang period pain. Subukan ang alin sa mga sumusunod na tips kontra dysmenorrhea:
- Umiwas sa stress. Nakakadagdag sa risk at sakit ng dysmenorrhea ang psychological stress. Kapag malapit na ang buwanang dalaw, hangga’t maaari ay umiwas sa factors na nakakapagpa-stress sa inyo.
- Gumamit ng hot compress. Nakakatulong sa period cramps ang paglalagay sa puson ng hot compress o kaya bote na may mainit na tubig para guminhawa mula sa cramps.
- Magsagawa ng low-impact exercises. Ang stretching, aerobics, walking, at iba pang magaang workout routine ay makakapag-alis ng pressure sa puson.
- Maligo ng may maligamgam na tubig. Nakaka-relax ng pakiramdam kapag may menstruation ang warm shower. Nababago rin nito ang mood at nababawasan ang muscle pain.
- Uminom ng maraming tubig. Napipigilan nito ang bloating at migraine habang may menstruation. Pwede ring uminom ng tsaa para maginhawaan.
- Kumain ng balanseng diet. Samahan ng prutas at leafy green vegetables ang iyong diet lalo na kapag may dysmenorrhea para mapanatili ang tamang level ng iron, magnesium, at sugar.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menstrual-cramps/diagnosis-treatment/drc-20374944
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menstrual-cramps/symptoms-causes/syc-20374938