Gamot sa Hyperacidity o Dyspepsia

July 30, 2018

Ang pananakit ng tiyan ay karaniwan na sa mga Pilipino. Lalo na’t mahilig tayong kumain ng mga matatabang pagkain. Ngunit hindi lamang pagkain ang nakakapagdulot ng mga sakit sa tiyan. Alamin natin kung anu-ano ang mga sakit na ito at kung paano ito magagamot ng RiteMED Neutracid.

Kabilang sa mga karaniwang sakit sa tiyan ng mga Pilipino ang hyperacidity. Ayon sa mga eksperto, may dalwang uri ng hyperacidity. Ang una ay ang pagkakaroon ng labis na asido sa tiyan. Ang ikalawa naman ay ang pag-akyat ng asido mula sa tiyan patungo sa esophagus o lalamunan. Sa parehong pagkakataon, ang taong may hyperacidity ay nakakaranas ng pananakit o discomfort sa tiyan. (Kung nais pang mapalalim ang kaalaman tungkol sa hyperacidity at mga sanhi at sintomas nito, basahin ang https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hyperacidity).

Maliban sa hyperacidity, madalas din marinig sa mga Pilipino ang dyspepsia o indigestion. Ito ay ang hindi pagkatunaw ng pagkain na nagdudulot ng pananakit ng tiyan. Kadalasan ay napagkakamalan itong hyperacidity sapagkat marami sa kanilang mga sanhi at simtomas ay magkatulad. Kaya hindi nakapagtataka na kung minsa’y itinatawag na acid dyspepsia ang hyperacidity. Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa dyspepsia, basahin ang article na ito: https://www.ritemed.com.ph/articles/dyspepsia-101)

Anu-ano nga ba ang magkakaparehong simtomas ng hyperacidity at dyspepsia? Maaring makaranas ng madalas na pagdighay, pamamaga ng tiyan, at ang pananakit na tiyan na maaring maging heartburn. Kadalasan ang mga simtomas din na ito ay nararansan ng mga taong may ulcer. Maliban sa mga lifestyle changes na irinerekomenda upang maiwasan o maagapan ang mga sakit na ito, irinerekomenda ng mga doktor ang pag-inom ng antacids para mabawasan o mawala ang mga simtomas na ito.

 

Ang antacid ay isang uri ng over-the-counter medicine o gamot na ginagamit para sa pag-neutralize sa asido sa tiyan. Ito ang gamot na ibinibigay para mga taong nakakaranas ng hyper acidity, acid reflux, heartburn at dyspepsia. Nakakatulong din ang antacid na kilala bilang hyperacidity remedy para mabawasan ang sakit na dulot ng ulcer. Dahil ito ay over-the-counter, maari itong bilhin kahit na walang dalang reseta.

Ang RiteMED Neutracid ay isang uri ng antacid o hyperacidity medicine na mayroong sangkap na aluminum hydroxide at magnesium na hydroxide. Gumagana ang mga ito para mabilis na magdulot ng ginhawa sa pananakit ng tiyan na dulot ng hyperacidity, dyspepsia o ulcer.

Ang hyperacidity medicine na ito ay nasa chewable na tablet kaya madali itong inumin. Para sa mga taong nasa sapat na gulang, maaring uminom ng isa hanggang dalawang (1-2) tableta isang oras matapos kumain at bago matulog. Kung ikaw naman ay may reseta mula sa doktor, mas mainam na sundin ang nakasulat dito. Tandaan din na dapat sundin ang payo ng doktor lalo na pagdating sa pagkain (maaring basahin ang article na ito para sa dagdag kaalaman tungkol sa pagkain nakakatulong sa pag-iwas ng dyspepsia: https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-pagkaing-mabuti-para-makaiwas-sa-indigestion). Iwasan din ma-stress upang lalong mapabilis ang pag-galing.

 

undefined

https://www.pexels.com/photo/blue-and-silver-stetoscope-40568/

 

Kahit na pangkaraniwan na ang mga sakit na ito, hindi dapat ito binabalewala. Ang hyperacidity o dyspepsia ay maaring maging sintomas lamang ng mas malalang sakit. Mainam na magpatingin sa doktor kung nararansan ang mga sumusunod:

- Kung hindi parin gumagaling ang pakiramdam matapos ang isang linggong pag-inom ng antacid

- Kung ang mga sintomas ay madalas na nararanasan at pabalik-balik

- Kung may iniinom na ibang gamot tulad ng Iron, Ketoconazole, Tetracyclines, Metoprolol, Propranolol

 

Sources:

https://www.livestrong.com/article/518365-what-foods-to-eat-for-hyperacidity/

https://www.practo.com/healthfeed/hyperacidity-causes-and-management-7606/post

https://www.webmd.com/heartburn-gerd/indigestion-overview#1

https://www.webmd.com/heartburn-gerd/guide/what-is-acid-reflux-disease#2

https://www.healthline.com/health/antacids

https://www.nhs.uk/conditions/antacids/

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-neutracid-alohmgoh-200-mg-100-mg-tab-100