Ano ang hyperacidity?
Ang hyperacidity ay ang tawag sa sakit kung saan labis ang asido sa tiyan. Ito yung pakiramdam na tinatawag nating“sinisikmura”. Ang taong acidic o sinisikmura ay nagkakaroon ng pamamaga sa gilid ng tiyan dulot ng bacterial infection at epekto ng unhealthy lifestyle gaya ng sobrang pag-inom ng alak.
Ang hyperacidity, kapag napabayaan, ay maaaring maging ulcer o kanser sa tiyan. Kaya mabuting magamot agad ito.
Sanhi ng hyperacidity
Bagama’t dulot ng bacteria na Helicobacter pylori ang impeksyon na ito, may ibang dahilan kung bakit nakakaranas ng hyperacidity:
- Acid reflux o ang pag-akyat ng stomach acid sa lalamunan
- Stress at anxiety
- Labis na pagkain ng maanghang o mamantika
- Paglaktaw ng pagkain
- Side effect ng mga gamot gaya ng aspirin, ibuprofen, at mga nitrate
- Pagiging overweight o obese
- Peptic ulcer o ulcer sa tiyan
- Kanser sa tiyan
- Paninigarilyo
- Labis na pag-inom ng alak
- Labis na pag-inom ng kape
Alamin ang mga acidic sintomas
- Pangangasim ng sikmura
- Heartburn o ang pakiramdam na umaakyat ang asido sa iyong dibdib
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Kabag
Gamot sa sakit ng sikmura
Para sa pananakit ng sikmura, maaaring uminom ng antacid na tumutulong upang mabawasan ang acid sa katawan.
Para saan ang Ritemed Neutracid?
- Upang maibsan ang hyperacidity na maaaring magdulot ng peptic ulcer, gastritis,
esophagitis at dyspepsia
- May H2 blockers o proton pump inhibitors para guminhawa agad ang mga sintomas ng ulcer.
Kung hindi pa rin naiibsan ang sakit ng sikmura, mas mainam na komunsulta sa doktor upang mabigyan ng angkop na gamot tulad ng RiteMED Rabeprazole, RiteMED Ranitidine at RiteMED Omeprazole. Ang mga gamot na ito ay nabibili lamang kapag may reseta ng doktor.
Kailan ka dapat magpakonsulta sa doktor?
Maraming kaso ng hyperacidity na nawawala rin agad kapag naagapan. Pero kapag patuloy ang mga sintomas tulad ng pagsusuka, heartburn, biglaang pagpayat at hirap sa paglunok dapat lamang na magpakonsulta na sa doktor. Ang mga sintomas na ito ay maaaring indikasyon ng mas seryosong kondisyon na hindi dapat ipagsawalang bahala.
Mga pwedeng gawin upang maiwasan ang hyperacidity
Mahirap magkaroon ng hyperacidity kaya naman narito ang ilan sa mga pwedeng gawin upang maiwasan ito:
- Bawasan ang pagkain ng madami. Maaaring kumain ng 5 small meals imbis na mag-konsumo ng tatlong mabibigat na meal sa isang araw.
- Kumain sa takdang oras.
- Pagkatapos kumain, maghintay ng 2 or 3 oras bago matulog.
- Bawasan ang pagkain ng maaanghang.
- Umiwas sa paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak, kape at soft drinks.
- Magbawas ng sobrang timbang.
- Mag-ehersisyo araw-araw.
- Huwag magsuot ng sobrang masisikip na damit.
- Alalay sa pagkain ng tsokolate, ponkan, kamatis at iba pang bagay na maraming acid.
- Magpahinga tuwing nakakaranas ng stress.
References:
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hyperacidity
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-hyperacidity
https://www.ritemed.com.ph/articles/5-pagkaing-nagdudulot-ng-hyperacidity
https://www.webmd.com/heartburn-gerd/when-call-doctor