May ilang mga skin condition na nagsasanhi ng panunuyo ng balat gaya ng psoriasis at eczema. Bagama’t maraming pagkakapareho ang mga ito, alamin ang mga pagkakaiba para mas mabigyan ito ng angkop na treatment.
Ano ang psoriasis?
Ang skin disease na ito ay nakukuha kapag masyadong napapabilis ng immune system ang paglaki ng skin cells sa katawan. Dahilan ito para magkaroon agad ng dead skin cells at magpatong-patong sa balat sa halip na mawala.
Ilan sa mga sintomas nito ang mga sumusunod:
- Makapal at nakaumbok na skin patches;
- Tila nangangaliskis na balat; at
- Makakating plaque.
Psoriasis Treatment
Para sa tamang alaga sa psoriasis, ipinapayo ang mga sumusunod:
- Umiwas sa pag-inom ng alcohol at paninigarilyo.
- Matuto ng iba’t ibang stress management tips para hindi lumala ang kondisyon.
- Gumamit ng payong at pananamit na matatakpan ang balat kapag mainit ang panahon at lalabas ng bahay.
- Ingatan ang balat mula sa lamig.
Gamot sa Psoriasis
May mga medicine for itchy skin na maaaring gamitin para sa treatment ng psoriasis. Inirereseta ng mga doktor ang mga sumusunod para sa mga moderate hanggang severe na kaso ng nasabing skin condition:
- Anthralin;
- Topical corticosteroids;
- Salicylic acid na matatagpuan sa mga medicated shampoo at iba pang mga topical medication o mga pinapahid na gamot;
- Topical retinoids.
Ano naman ang eczema?
Tinatawag ding atopic dermatitis, nagdadala ito ng pamamaga, panunuyo, at pangangati ng balat na kadalasang sinasamahan ng rashes. Mas karaniwan din itong nararanasan ng mga bata.
Bantayan ang mga sumusunod na sintomas ng eczema para maagapan ito:
- Rashes sa siko, alak-alakan, mukha, kamay, o paa;
- Nangangating balat; at
- Dry skin.
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/applying-emollient-dry-flaky-skin-treatment-551219668
Eczema Treatment
Para mabigyan ng tamang alaga ang may eczema, obserbahan ang mga sumusunod na tips:
- Umiwas sa allergens o mga bagay o pagkain na nakaka-trigger ng allergies. Ilan sa mga ito ang dairy o poultry products, peanuts, at isda. Ang alikabok ay kadalasan ding nakakapagpalala ng kondisyon.
- Hangga’t maaari, bilisan lang ang paliligo lalo na kung mainit na tubig ang gamit.
- Maglagay ng cold at wet compress sa apektadong bahagi sa halip na kamutin ito.
- Umiwas sa maiinit na lugar dahil napapalala ng pawis ang pangangati.
- Pumili ng skin products na mild ang ingredients at walang matapang na amoy.
Gamot sa Eczema
Maaaring magrekomenda ang doktor ng corticosteroid cream, moisturizer, at medicated lotions. Narito naman ang ilan sa mga gamot na nirereseta:
- Cyclosporine;
- Methotrexate; at
- Azathioprine.
Ipinapaalala na bago sumailalim sa self-medication ng psoriasis at eczema, ipasuri muna sa doktor ang kondisyon, lalo na kung may mga allergies na nakakapag-trigger sa inyong skin disease. Panatilihin din ang malinis at moisturized ang balat para makaiwas sa iba pang uri ng skin infections gaya ng athlete’s foot, jock itch, o yeast infection.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/315749#_noHeaderPrefixedContent
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/psoriasis/diagnosis-treatment/drc-20355845