Sa panahon ngayon, hindi na maikakaila ang malalim at matinding epekto ng air pollution sa kalusugan ng tao at sa kalikasan. Ang maruming hangin ay maaaring magdulot ng mga sakit na nagiging dahilan ng kamatayan. Sa Pilipinas, ito ay isa sa mga pangunahing banta sa kalusugan at isa sa mga pangunahing sanhi ng mga karamdaman na hindi nakakahawa o Non-Communicable Diseases (NCDs). Ayon sa Institute for Health Metrics and Evaluation (IHME, 2020), ang air pollution ay pangatlo sa mga dahilan ng kamatayan at kapansanan mula sa mga NCDs. (1)
Mga Short term na Epekto
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-ill-woman-bed-home-596816120
Kabilang sa mga short term na epekto, na pansamantala lamang, ang mga sakit tulad ng pneumonia o bronchitis. Kasama rin dito ang pangangati ng ilong, lalamunan, mata, o balat. Maaari rin itong magdulot ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagsusuka. Kabilang din sa air pollution air pollution ang masasamang amoy na gawa ng mga pabrika, basura, o mga sewage system. Ang mga amoy na ito ay hindi gaanong malala ngunit hindi pa rin ito kanais-nais.
Mga Pangmatagalang Epekto
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-male-doctor-examining-patient-clinic-2134125407
Ang mga long term na epekto ng air pollution ay maaaring tumagal ng taon o kaya'y panghabang-buhay. Ang pangmatagalang epekto sa kalusugan ng air pollution ay sakit sa puso, kanser sa baga, at mga sakit sa baga tulad ng emphysema. Maaari rin itong magdulot ng pangmatagalang pinsala sa mga ugat, utak, bato, at iba pang mga organs ng tao. Maaaring ito pa nga ang magdulot ng kamatayan ng isang tao. May mga siyentipiko rin na nagsasabi na ang mga pollutant sa hangin ay maaaring maging sanhi ng mga birth defects sa pagkapanganak. Halos 2.5 milyong tao sa buong mundo ang namamatay taon-taon dahil sa epekto ng outdoor o indoor air pollution. (2)
Respiratory Diseases
Ang mga kemikal sa hangin tulad ng particulate matter (PM2.5) at nitrogen oxides ay maaaring magdulot ng pamamaga ng airways, pagtaas ng asthma attacks, at iba pang mga kondisyon sa baga. (3)
Cardiovascular Diseases
Ang polusyon sa hangin ay may kaugnayan sa pagtaas ng panganib sa mga sakit sa puso tulad ng heart attack, hypertension, at stroke. Ang mga particles sa hangin ay maaaring makaapekto sa blood vessels at magdulot ng mga problema sa sirkulasyon ng dugo. (3)
Kanser
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang polusyon sa hangin ay itinuturing na carcinogen para sa tao. Ito ay may kaugnayan sa pagtaas ng panganib ng mga uri ng kanser tulad ng kanser sa suso, leukemia, at iba pa. (3)
Maagang Kamatayan o Premature Death
Napagtanto ng siyensiya na ang exposure sa masamang hangin, maikli man o matagalang exposure ay maaring magdulot ng maagang kamatayan. (4)
Pag-atake ng Asthma
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-man-using-blue-asthma-inhaler-1485019400
Ang paghinga ng ozone at particulate pollution ay maaring magdulot ng mas maraming asthma attacks, na maaaring magresulta sa pagpunta sa emergency room at pagkakapasok sa ospital, at hindi lang doon, maari rin itong magdulot ng hindi pagpasok sa trabaho o eskwela. (4)
Sino ang Labis na Naapektuhan?
https://www.shutterstock.com/image-photo/sick-little-asian-girl-inhalation-nebulizer-2348684101
Ang polusyon sa hangin ay nagdudulot ng epekto sa lahat ngunit may mga grupo ng tao na mas labis na naaapektuhan. Kabilang dito ang mga bata, matatanda, mga may pre-existing na mga karamdaman sa puso at baga, at mga taong naninirahan malapit sa mga kalsadang maraming sasakyan at tao at mga industriyal na lugar at industriyal na lugar. Ang mga bata ay mas vulnerable dahil sa kanilang mahinang respiratory system, samantalang ang matatanda ay mas exposed sa panganib dahil sa kanilang mga pre-existing na karamdaman. (3)
Paraan ng Paggamot at Pangangalaga:
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-father-daughter-warming-together-before-1673985211
- Pag-iwas sa mga mapanganib na kemikal
Bilang mamamayan, mahalaga ang pagpili ng mga produktong hindi naglalaman ng masasamang kemikal tulad ng aerosol na produkto. Ang pag-iwas sa mga ito ay makakatulong sa pag-iwas sa malalang sakit.
- Pag-iwas sa Maruming Hangin:
Sa mga lugar na may mataas na level ng polusyon, itaguyod ang pagsusuot ng mga face mask upang maprotektahan ang sarili
- Aktibong Pamumuhay:
Ang regular na ehersisyo ay makakatulong sa kalusugan ng puso at baga, na maaaring mapabuti ang kakayahan ng katawan na labanan ang epekto ng polusyon.
- Pagsusulong sa Environmental Regulations: Bilang isang mamamayan, maaari nating hikayatin ang ating mga lider na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon ukol sa polusyon sa hangin.
- Kahalagahan ng Edukasyon: Ang pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa epekto ng polusyon sa hangin sa kalusugan ay napakahalaga. Sa pamamagitan ng mas malawakang kaalaman, mas mapananaig ang kamalayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng hangin. Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng mga edukasyonal na kampanya, seminars, at pagsusulong ng mga aksyon upang mapangalagaan ang kalusugan ng lahat.
Ang air pollution ay isang malawakang isyu na may malalim na epekto sa kalusugan ng tao at kalikasan. Ang pangangalaga sa kalusugan ng hangin ay hindi lamang responsibilidad ng mga otoridad, kundi pati na rin ng bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, maaari nating mapabuti ang kalidad ng hangin na ating hinihinga at magtagumpay sa paglaban sa mga epekto ng polusyon.
References:
- Centre for Research on Energy and Clean Air. (2023, February 6). Estimating the Health & Economic Cost of Air Pollution in the Philippines. Centre for Research on Energy and Clean Air. https://energyandcleanair.org/publication/cost-of-air-pollution-in-the-philippines/#:~:text=In
- Rutledge, K. (2022, July 1). Air Pollution. Education.nationalgeographic.org; National Geographic. https://education.nationalgeographic.org/resource/air-pollution/
- National Institute of Environmental Health Sciences. (2022). Air Pollution and Your Health. National Institute of Environmental Health Sciences. https://www.niehs.nih.gov/health/topics/agents/air-pollution/index.cfm
- American Lung Association. (2017, April 6). The Terrible 10:Â Air Pollution’s Top 10 Health Risks | American Lung Association. Www.lung.org. https://www.lung.org/blog/air-pollutions-top-10-health-risks