Myths and Facts Tungkol sa Epilepsy

June 19, 2019

Ayon sa World Health Organization, mahigit 50 million ng mga tao sa buong mundo ang mayroong epilepsy, dahilan para ituring ito na isa sa pinaka-pangkaraniwang sakit na may koneksyon sa ating nervous system. Halos 75% ng mga taong ito ay may kakulangan sa kaalaman sa nasabing sakit at hindi nakatatanggap ng wastong panggagamot. Mahalaga na may tamang kaalaman tungkol dito para makibahagi sa pagharap at pagturing sa kondisyon. Suriin natin ang epilepsy pati ang mga kaakibat nitong epekto sa kalusugan.

Ano nga ba ang epilepsy?

Ang epilepsy ay isa sa pinaka-karaniwang neurological conditions na hindi nakakahawa ngunit hindi na gumagaling. Ito ang kondisyon sa utak na nagsasanhi ng paulit-ulit o higit sa isang seizure. Ang seizure ay ang biglaan at di-mapigilang electrical disturbance sa utak. Kapag nagkaroon ng dalawa o higit pang bilang ng seizures, ito na ang tinatawag na epileptic seizure.

Anu- ano ang mga epilepsy causes?

Hindi pa rin matukoy ng mga doktor at dalubhasa ang tunay na sanhi ng epilepsy, ngunit naririto ang ilang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaroon ng seizure ng isang tao na maaaring tumuloy sa pagkakaroon ng epilepsy.

Maaari ring ang epilepsy ay nasa genes ng pamilya o namamana. Ang isa o higit pang genes ay pwedeng magsanhi ng pagbabago sa utak at mag-trigger ng epileptic seizures.

What is a seizure?

Ang seizure ay hindi delikado at tumutukoy sa panandaliang atake lamang. Nagiging delikado ang mga nagiging epekto nito kung nangyari ang atake habang may ginagawang activity gaya ng pagmamaneho. Kapag nagkakaroon na ng mga maliliit na pagkakagulo o pagbabago ng cells sa utak ng tao, nagdadala ito ng muscle twitches at spasms na nagiging sanhi ng types of seizures tulad ng:

  1. Focal seizures - Nagsisimula sa isang bahagi ng utak. Ilan sa mga uri at eksena ng ganitong uri ng seizures ang mga sumusunod:

 

  1. Focal aware seizures - Gising ang pasyente at kayang rumesponde sa iba.
  2. Focal impaired seizures - Hindi buo ang kamalayan ng pasyente.
  3. Focal motor seizures - Ang katawan ay nakakaranas ng twitching o paggalaw sa ibang direksyon.
  4. Focal non-motor seizures - Ang mga ito naman ang nakakaapekto sa pakiramdam at pag-iisip.

 

  1. Generalized seizures - Nagsisimula ang ganitong mga kondisyon sa magkabilang bahagi ng utak. May dalawang uri ito:

 

  1. Generalized motor seizures - Nagdudulot ng twitching sa katawan.
  2. Generalized non-motor seizures - Ito rin ay tinatawag na absence seizure sa kadahilanang kapag umatake ito ay halos hindi napapansin. Nagdudulot ito ng maikling pagkatulala sa kawalan at madalas sa sandaling oras lamang.

What causes seizures?

Ang abnormal na paggalaw dala ng kakaibang electrical activities sa utak ang sanhi para magkaroon ng seizure, na nagiging dahilan naman ng epilepsy.

Kadalasan hindi nauunawaan ang tunay na kondisyon ng taong may epilepsy. Sa kabila ng higit 50 milyong naitalang kaso ng nasabing sakit ay kakaunti pa rin ang nailalathalang kaalaman tungkol dito. Naririto ang ilang mga myths and facts tungkol sa nasabing kondisyon para tuluyang maliwanagan at mas maintindihan ang sakit na ito:

Epilepsy Facts and Myths

Myth #1: Ang epilepsy ay isang spiritual possession. 

Fact: Ilang kultura pa rin ang naniniwala rito. Marami sa mga dalubhasa ang madalas nagpapaliwanag na ang epilepsy ay isang medical at hindi spiritual condition.

Myth #2: Ang epilepsy ay nakakahawa.

Fact: Kagaya ng high blood pressure at diabetes, hindi nakakawa ang epilepsy. Anumang kontak o pakikisalamuha sa taong nakakaranas ng kondisyong ito ay hindi sanhi para makahawa.

Myth #3: Matatanda lamang ang nagkakaroon ng epilepsy.

Fact: Bata man o matanda ay maaring magkaroon ng epilepsy.  Sa ilang ipinanganak ng may epilepsy, nararanasan ang mga atake nito pagtapak pa ng adulthood.

 Myth #4: Nakakaapekto sa karunungan ang pagkakaroon ng epilepsy.

Fact: Sa katunayan, maaari pa ring matuto at mag-aral, ang taong may epilepsy. Bagama’t may challenges sa paraan ng pagkatuto ang mga nakakaranas ng epilepsy dahil sa matinding gamutan o sa mga sintomas, hindi ito hadlang sa comprehension.

 Myth #5: Ang mga taong may epilepsy ay walang kakayahang mabuhay nang normal. 

Fact: Ang epilepsy ay maaari nang makontrol at maalagaan mula sa pag-atake nito. Kaya makakapamuhay nang normal ang pasyente, makakapag-aral, magkakaroon ng pamilya, o magkakapagtrabaho.

Myth #6: Maaaring malunok ng taong may epilepsy at may atake ng seizure ang kanyang dila.

Fact: Imposibleng malunok o makagat ng taong inaatake ng seizure ang kayang dila. Huwag subukang ilagay ang daliri o anumang gamit sa loob ng bibig ng taong inaatake ng epilepsy taliwas sa paniniwala.

Myth #7: May isang uri lang ng seizure convulsion.

Fact: May humigit-kumulang 40 uri ng seizures at ang kombulsyon ay hindi ang pinaka-karaniwang uri. Ang seizure ay maaaring magtago sa pagtitig sa kawalan, mga kusa at di-kontroladong paggalaw ng bahagi ng katawan, pawala-wala o pabalik balik na kamalayan, o paiba-ibang pandama.

Myth #8: Ang sakit na epilepsy ay malala, at ang taong may epilepsy ay madalas atakihin ng seizures.

Fact: May mga tao mang madalas atakihin ng epilepsy,  mayroon ding isa o ilang beses lamang sa loob ng buong taon. Ang pag-atake ng epilepsy ay nakasalalay din sa wastong pangangalaga at pagsubaybay dito. Mahalaga na uminom ng gamot kung kinakailangan para maiwasan ang pagsumpong nito.

Myth #9: Dapat pigilan ang taong inaatake ng seizure.

Fact: Hindi maaaring pigilan ang seizure. Ang pinakamahalagang gawin ay alamin ang first aid para rito.

Naririto ang mga simpleng paraan na dapat alalahanin para makatulong sa taong inaatake ng epileptic seizures;

  1. Hayaan lamang na mangisay ang taong inaatake ng epilepsy. Huwag ito pigilan.
  2. Lumuhod sa tabi ng pasyente at marahan siyang itagilid.
  3. Lagyan ng malambot na bagay ang pagitan ng ulo at sahig ng pasyente.
  4. Luwagan ang bahagi ng damit na maaaring magpasikip sa paghinga ng pasyente.
  5. Iwasang maglagay ng mga daliri o anumang bagay sa bibig ng pasyente.
  6. Ilayo ang mga matutulis na bagay sa pasyente kung patuloy ang kanyang pangingisay.
  7. Tumawag ng medical assistance mula sa pinakamalapit na clinic, ospital, o emergency hotlines. Samahan at manatili sa tabi ng pasyente hanggang may dumating na professional na tulong.
  8. Obserbahan lamang nang maigi ang nangyayari sa pasyente para alam ang tamang detalye ng kaganapan sa kanya.
  9. Orasan ang atake ng seizure.
  10. Manatiling kalmado para sa tamang pag-iisip.

Myth #10: Hindi nakamamatay ang epilepsy.

Fact: Ang epilepsy ay isang seryosong kondisyon at may mga taong namamatay dahil sa atake ng seizures. Ang matagal na atake nang walang wastong paggamot at first aid ay delikado at maaaring ikamatay ng taong nakakaranas nito.

Tandaan, mas mabuti na mag-pakonsulta sa neurologist para mas maliwanagan tungkol sa kondisyon na ito. Isa sa mga maaaring i-reseta ng doktor ay para maiwasan at ma-control ang epileptic seizures ay ang RiteMED Carbamazepine o RiteMED Pregabalin.

  Sources:   

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/epilepsy

https://www.webmd.com/search/search_results/default.aspx?query=Types%20of%20seizures

http://www.epilepsy-ohio.org/about-epilepsy/characteristics/myths-about-epilepsy/

https://www.besthealthmag.ca/best-you/health/9-myths-and-truths-about-epilepsy/

https://www.epilepsysociety.org.uk/epilepsy-myths#.XNuud44zbIU