Sa panahon ngayon, kabi-kabila na ang mga bagay na nakakapagpa-stress sa atin. Nariyan ang trabaho, ang trapiko, media, gobyerno, o di naman kaya ay kanya-kanyang personal na mga isyu. Dahil diyan, halos imposible na sa bawat isa ang makapag-relax.
Pangangatog ng tuhod, hirap sa paghinga, at pagiging tense ay ilan lamang sa mga senyales na marahil ikaw ay stressed na. Ang stress ay reaksyon ng ating mga hormones sa tuwing may mga problema na paparating o kailangang harapin. Hindi dapat ipagbawalang bahala ang stress dahil maaari itong maipon at magresulta sa mas malalalang mga bagay gaya na lamang ng anxiety. Maaaring maka-apekto ito sa normal na pamumuhay ng indibidwal at maging sa mga nakapaligid na rin sa kanya. Maapektuhan rin nito ang pisikal at emosyonal na aspeto ng isang tao.
Kaya naman dito lumalabas ang importansya ng pagkakaroon ng panahon para makapag-relax. Maraming paraan para tayo ay makapag-relax. Sa katunayan nga, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang ‘coping mechanisms’ sa stress. Mayroong nagta-travel, natutulog, nakikipag-usap sa kaibigan, o di naman kaya ay gumagawa ng ibang trabaho. Ngunit, alam ba ninyo na may relaxation techniques na maaaring magawa sa loob ng limang minuto?
Narito ang steps para sa 5-Minute Relaxation Tips:
- Meditation
Maglaan ng isang minuto sa bawat step sa prosesong ito:- Huminga ng malalim.
Inhale sa ilong. Ipunin ito sa loob ng tatlong segundo. Pagkatapos ay biglang ibuga ang hangin. Mabuting sabayan ito ng rhythm.
- Huminga ng malalim.
- Mag-stretching.
Isa ang stretching sa mga pinaka-epektibong relaxation techniques.Madali lamang itong gawin ngunit hindi lahat ay flexible para gawin ang ibang poses. Ganunpaman, pwede pa rin naman itong gawin sa pamamagitan ng mga simple na moves gaya ng pagtaas ng mga kamay at lunges.
- Gumamit ng relaxation toys.
Marami na ngayong mga naglabasang laruan para makapag-relax. Isa sa mga nauuso ngayon ay ang fidget spinner. Madali lamang itong gamitin, i-press lamang ang button sa gitna para umikot ang blade nito. Ang paulit-ulit na motion ay nakakapagpa-relax sa mga gumagamit nito. Isa pang kilalang produkto na pampa-relax ay ang stress balls. Malambot ito at pwedeng ibato o di naman kaya ay pisilin ng paulit-ulit.
- Makinig sa music.
Malaki ang relaxing effect ng music. Nagbibigay ito ng signal sa utak na siya namang nagpapababa sa stress level ng isang indibidwal. Ang lahat ay may kanya-kanyang genre o uri ng music na pinakikingan. Merong mahilig sa pop o masayang tugtugin, merong mahilig sa malungkot, at meron rin namang mahilig sa rock music. Alam nyo ba na ang pakikinig sa maiingay na rock music ay mas nakakapagpa-relax sa isang tao? Ayon ito sa isang article na isinulat ng The Guardian.
- Kumanta
Maaari itong isabay sa pakikinig ng music Habang pinapatugtog ang paborito mong kanta ay maaari mo itong sabayan ng pagkanta. Ayon sa CNN, ang pagkanta ay nakakapagpababa ng stress level ng isang tao na siya na ring tumutulong upang sila ay makapag-relax. Nangyayari ito dahil ang pagkanta ay nagre-require ng tamang breathing technique at gaya ng nabanggit sa unang step, malaki ang mabuting epekto ng tamang paghinga sa pagre-relax ng isang tao.
Hindi na maikakaila na marami na sa paligid natin ngayon ang makakapagdulot ng stress sa atin. Maapektuhan tayo nito sa pisikal, mental, at emosyonal na aspeto. Mahalaga rin nating malaman na habang ang ilan sa mga factors na ito ay maaari nating solusyonan o iwasan, may ilan rin namang mga bagay na wala sa ating kontrol.
Kaya naman kesa indahin at problemahin ang mga ito, mas makabubuti kung gagawa na lamang ng plano kung paano mamuhay kasama ang mga ito. Bukod pa riyan, malaki rin ang maitutulong ng pagrereserba ng ilang minuto kada araw upang ikaw ay makapag-relax.
Sources:
http://www.webmd.com/balance/guide/blissing-out-10-relaxation-techniques-reduce-stress-spot#1
http://www.huffingtonpost.com/2014/04/08/relaxing-activities-clear-mind_n_5105710.html
https://www.health.harvard.edu/mind-and-mood/six-relaxation-techniques-to-reduce-stress
https://www.helpguide.org/articles/stress/relaxation-techniques-for-stress-relief.htm
https://greatist.com/happiness/40-ways-relax-5-minutes-or-less
https://www.theguardian.com/music/2015/jun/22/listening-heavy-metal-punk-extreme-music-makes-you-calmer-not-angrier-study