Ang isip ng tao ay isa sa pinakamahalagang parte ng katawan na gumagana sa kabuuan ng kanyang buhay. Ito ang nagsisilbing taga-proseso ng mga nasasagap na stimulation ng katawan mula sa limang senses (sight, hearing, smell, taste, and touch) para mapagana ang iba pang bahagi ng katawan nang naaayon sa mga natanggap nitong signals mula sa paligid.
Dahil mula pagkabata pa lamang ay gumagana na ang isip, natural lamang na habang tumatanda ay lilipas ang pagiging matalas at malisik nito. Importante na hindi napapangalagaan ito sa bawat life stage para maingatan mula sa pagbagsak ng brain functions sa pagtanda. Ilan sa mga nakakalungkot na epekto ng kakulangan sa brain training ay ang dementia o ang pagkakaroon ng disorder sa mental processes ng utak na nagreresulta sa pagkalimot, personality changes, at pagiging hirap sa reasoning.
Isa ang Alzheimer’s Disease sa mga uri ng dementia na maaaring tumama sa isang tao kapag kinulang sa tamang nutrisyon at ehersisyo ang isip. Ngayong Alzheimer’s Disease Awareness Week, pag-usapan natin ang mga paraan para mapanatiling aktibo at malusog ang pag-iisip bilang paghanda sa pagtanda. Epektibo rin ang tips na ito para sa elderly dahil makakatulong ito na sa kanilang overall brain functions.
Essential Brain Vitamins
Bago natin talakayin ang healthy brain teasers na pwede ninyong subukan, alamin muna natin kung anu-ano ang mga pagkaing inirerekomenda para mabigyan ang sapat na brain vitamins ang katawan.
- Seafood
Ang deep-water fish gaya ng salmon, tuna, at sardinas ay mayaman sa omega-3 fatty acids na mahalaga para sa healthy . Lahukan ang mga ito ng gulay para dagdag-nutrisyon sa pag-iisip.
- Nuts at seeds
Mataas sa Vitamin E ang nuts at seeds na nakakatulong sa pagpapababa ng risk ng Alzheimer’s Disease at iba pang uri ng mental disorder. Ilan sa mga maaari ninyong subukang nuts ang almonds, kasoy, peanuts, at walnuts. Sa mga seeds naman, mainam ang sunflower seeds, sesame seeds, at flax seeds.
- Whole grains
Ang oatmeal, wheat bread, at brown rice ay ilan sa whole grain products na pwede ninyong isama sa inyong diet. Ang mga ito ay nakakatulong magpabuti ng heart health. Dahil dito, nasisigurado na maayos din ang daloy ng dugo papunta sa brain.
- Beans
Ang brain ay nangangailangan ng glucose – isang produkto ng blood sugar – para gumana. Ang beans ay nakakapagbigay ng sapat na dami ng glucose para masigurado na steady ang energy na nagagamit ng isip para sa brain functions.
- Fruits
Maraming prutas ang naglalaman ng brain vitamins na kailangan para sa proper brain functions. Ilan sa mga ito ang:
- Avocado – Ito ay mayaman sa monosaturated fat na nakakapag-improve ng daloy ng dugo papunta sa utak.
Photo from Unsplash
- Blueberries - Mayroon naman itong antioxidants na nakakatulong para bumaba ang risk ng brain aging dahil sa paglaban ng mga ito sa inflammation at stress.
- Oranges - Sagana ang mga ito sa Vitamin C. Ang bitamina na ito ay isang antioxidant na lumalaban sa free radicals na duma-damage ng brain cells. Mayroon din nito ang bayabas, kiwi, kamatis, at strawberries.
Brain Training na Pwede Mong Gawin Araw-araw
Maliban sa pagkonsumo ng masusustansyang pagkain para makuha ang sapat na brain vitamins na kailangan, may mga pwede ring gawin na brain exercises para mag-improve ang memory, concentration, at iba pang brain functions na kailangang mahasa araw-araw. Narito ang ilan sa pwede ninyong subukan:
- Pagsasagot ng puzzles
Crossword, Sudoku, picture puzzles, at iba pang brain teasers – ilan lamang ang mga ito sa nakaka-enjoy na activities na makakatulong para gumana ang brain functions nang mas maayos. Sa araw-araw na pag-solve ng mga ito, nahahasa ang isip lalo na kung madalas ay pisikal ang nature ng inyong trabaho.
- Sumubok ng bagong activity
Kapag may ‘di-pamilyar na gawaing hindi parte ng inyong usual daily routine, nae-exercise ang isip na mag-process ng mga bagong kaalaman. Subukang mag-aral tumugtog ng kahit anong musical instruments. Pwede rin namang magluto ng putahe na first time pa lang gagawin. Maaaring mag-participate sa sports na angkop sa inyong edad at health condition. Ang bagong stimulations mula sa activities na ito ay mag-iinvolve ng iba’t ibang parte ng brain para mag-function.
- Mag-mental math
Kapag nagco-compute gamit ang isip, nahahasa ang brain functions para magbigay ng mabilisang solution. Walang tulong ng papel, lapis, o calculator, subukang magtuos ng mga presyo ng pinamili habang nasa grocery story, o kaya naman ay kapag naghihintay ng sukli.
- Break your routine
Kapag hindi ginagawa ang nakasanayan, nakakakuha ng panibagong sense ang connections sa pagitan ng cells sa utak, dahilan para mag-produce ang mga ito ng natural brain nutrients na mag-iimprove ng memory. Pwedeng subukan ang pagsisipilyo gamit ang kamay na hindi mo kadalasang ginagamit para rito. Maaari ring ibahin ang schedule na nakasanayan mong ginagawa araw-araw.
- Makipag-usap sa mga tao
Photo from Unsplash
May ilang pag-aaral na ang nagpapatunay na ang mga taong socially active o laging nakikihalubilo at nakikipag-usap ay maliit ang risk na magkaroon ng Alzheimer’s Disease o ng iba pang brain disorders. Ang simpleng pakikipagkwentuhan sa pamilya, pakikipag-interact sa mga nakakasalubong, o kaya naman ay pagse-schedule ng regular na bonding at social activities ay may malalaking benepisyo sa overall mental health.
Hindi lang brain teasers, brain food, at brain exercises ang kailangan para makaiwas sa maagang pag-degenerate ng cells sa utak na nakakaapekto sa memory, concentration, at brain functions. Ipinapayo rin ang regular na pag-eehersisyo para sa normal na daloy ng dugo sa katawan, pagkakaroon ng sapat na tulog araw-araw, at maayos na pagha-handle sa stress gamit ang meditation at iba pang mga paraan. Importante rin ang pagkakaroon ng sapat na Vitamin C sa katawan – galing man sa mga prutas, gulay, o vitamin supplements.
Hindi dapat ipagpaliban ang pag-aalaga sa isip. Kung may history ng brain disorders sa pamilya, nakabubuti na kumonsulta sa doktor o specialist para matukoy kung paano mapababa ang risks sa pagde-develop ng ganitong klaseng mga kondisyon. Para mas maging parte na ng pang araw-araw na buhay ang pagbabantay sa mental health, isama ang pamilya sa mga paggawa ng mga hakbang para makamtan ito.
Sources:
https://www.healthline.com/nutrition/11-brain-foods#section11
https://www.webmd.com/diet/features/eat-smart-healthier-brain#1
https://www.everydayhealth.com/longevity/mental-fitness/brain-exercises-for-memory.aspx
https://www.helpguide.org/articles/healthy-living/how-to-improve-your-memory.htm
https://www.verywellmind.com/brain-exercises-to-strengthen-your-mind-2795039
https://www.rd.com/health/wellness/brain-exercise/