Manatiling fit at healthy sa kabila ng iba’t ibang bagay na ginagawa araw-araw. Ang regular na pag-eehersisyo ay makatutulong upang makaiwas tayo sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng diabetes, cardiovascular diseases o ang mga sakit sa puso, chronic respiratory diseases o mga sakit sa baga.
Ang pag-stretching ay hindi lang bago mag-exercise o mag-gym, ito’y ay maaaring gawin tuwing tayo’y kikilos at may mabigat na gagawin. Kailangan ng ating muscles ang mastrech upang maiwasan ang pagkakaroon ng body pain.
Ang pagstestretching ay isang mahalagang at madalas na o-overlook na bahagi ng isang ehersisyo. Maaari itong makatulong na mapabuti ang iyong hanay ng paggalaw, bawasan ang panganib ng mga injuries, mapalakas ang daloy ng dugo sa iyong mga kalamnan, at bawasan ang tension sa muscles.
Sample ng mga simple stretching exercises na pwede gawin kahit saan.
Ang mga simpleng warm-up exercises ay makatutulong upang i-kondisyon muli ang katawan matapos ang matagal na pagkakaupo o matagal o kung ano pa man. Ang mga ehersisyong ito ay maaaring gawin sa umaga o kaya sa gabi, depende sa iyong ninanais. Mas makabubuting gawing regular ang pag-eehersisyo dahil sa magandang dulot nito sa ating kalusugan at sa ating pangangatawan.
- Pagtakbo
- Maaaring tumakbo ng ilang minuto sa lugar malapit sa bus stop area o upang magpapawis o kaya nama’y mag brisk walking malapit sa iyong opisina. Kung wala kang oras upang mag jogging sa labas, maaari rin namang subukan ang pag jo- jogging in place habang nanonood ng tv o nakikinig ng kanta.
- Paglalakad
- Bukod sa malaking tulong ang paglalakad sa may high blood pressure, nagagawa rin nitong maitaas ang level ng good cholesterol. Maglaan ng 30 minuto para sa gawaing ito araw-araw. Kung wala ka namang oras para pagtuunan ito ng pansin, subukang maghagdan sa halip na escalator, o maglakad sa halip na sumakay kung hindi naman kalayuan ang iyong opisina
- Push Up
- Maaaring gawin ang push up kahit saan basta’t may malawak lamang na sahig na pwedeng pag-ehersisyuhan. Makatutulong ito upang mapalakas ang ating braso, balikat, at dibdib. Ang simpleng exercise tulad ng push up ay makakatulong upang mapalakas ang mga kalamnan sa braso, balikat, at dibdib. Mabisa ito bilang isang cardiovascular exercise na sumusuporta sa kalusugan ng ating puso at nakababawas ng body fat.
- Jumping Jacks
- Maaari ring maituring na warm-up exercise ang jumping jack. Ito ay nakatutulong para sa kalamnan ng hita at pati na sa ating balikat. Tumalon kasabay ng pagbuka ng mga hita at paglapit ng mga kamay habang nakataas. Ulitin ito ng ilang beses depende sa iyong nais.
- Planking
- Halos magkatulad ang posisyon ng push up at planking, magkakaiba lamang sa hakbang kung paano ito gagawin. Sa halip na ibaluktot ang braso at ibaba ang katawan, gawin ang push up position ng naka-extend ang iyong braso. I-hold ang posisyon sa loob ng tatlumpung segundo at unti-unting magdagdag ng 10 seconds bawat araw depende sa kaya mong gawin.
- Lunges
- Simpleng ehersisyo lang din ang lunges na pwedeng gawin kahit saan. Ihahakbang lamang nang malaki ang isang binti habang dumadahilig paharap (leaning forward). Pinapanatili ang posisyon ng ilang segundo bago isunod ang kabilang binti. Isa itong uri ng simpleng pag-eehersisyo na kung maaari mong gawin kahit saan. Makatutulong ang lunges upang ma-tone at ma-shape ang iyong mga binti.
- Meditation
- Bagamat hindi nito ginagamit ang pisikal na lakas, ang meditation ay ang pag eehersisyo gamit ang ating isipan. Nakatatanggal ito ng stress at naghahatid ito ng positibong pakiramdam. Nakapagdudulot ito ng maayos na konsentrasyon at kapayapaan ng isip.
Naglalakbay ka man o nasa tahanan, huwag kalimutan na hindi sapat ang mga gamot lamang. Kailangan din natin ng tamang diet at sapat na panahon para mag-ehersisyo (kahit 3 beses kada ehersisyo sa loob ng 30 minuto kada ehersisyo). Maari mong gawin ang mga halimbawa ng mga ehersisyong nabanggit sa itaas habang nasa biyahe.
Tandaan na marami tayong magagawa upang mapabuti ang ating katawan ng hindi gumagamit ng mga gym o exercise equipments. Ang mahalaga ay panatilihin nating aktibo ang pangangatawan kahit saan magpunta
Maaari ring uminom ng mga vitamins para sa pangangalay at pamamanhid ng nerve muscles, vitamins para sa pagpapalakas ng resistensya o para sa pagkakaroon ng maganda at healthy na daloy ng dugo. At maari ding uminom ng gamot para sa body pain. Magpunta lamang sa link na ito para sa karagdagang impormasyon: https://www.ritemed.com.ph/products/category/body-painarthritis
Reference:
https://www.webmd.com/fitness-exercise/features/stretching-exercises-at-your-desk-12-simple-tips#1
https://www.webmd.com/fitness-exercise/features/how-to-stretch#1
https://www.webmd.com/fitness-exercise/features/feel-good-stretching-routine