Sa gitna ng patuloy na dumadaming bilang ng mga Pilipino na lumalabo ang paningin, mababa pa rin sa listahan ng prayoridad ng public health sector ng bansa ang eye health. Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), tinatalang nasa mahigit dalawang milyong Pilipino ang namumuhay nang malabo o may kapansanan sa mata. Sa dalawang milyong ito, nasa higit 300,000 ang considered na bilaterally blind.
Wika ng mga eksperto, ang nakababahalang kawalan ng initiative ng mga Pilipino pagdating sa eye health ay dulot umano ng kakulangan sa impormasyon patungkol sa common eye problems tulad ng glaucoma at iba pang chronic conditions. Bilang pagtugon sa kakulangang ito, maraming mga non-profit organizations ang nagsasagawa ngayon ng mga libreng eye examinations para sa mga indigent patients sa buong bansa sa pangunguna ng World Health Organization (WHO).
Sa parte naman ng gobyerno, nagkaroon ng mga hakbang upang mapabilang ang comprehensive eye care services sa mga provision ng Universal Health Care (UHC) Law. Sa pamamagitan ng mga provisions na ito, mapapabilang na sa coverage ng services ng PhilHealth ang eye health at mabibigyan din ang Health Department ng kapangyarihan upang mapalawak ang kanilang eye care facilities and services. Kung magiging maayos ang implementasyon ng provision na ito sa UHC, dadami ang bilang ng mga Pilipinong magkakaroon ng lakas ng loob na magpatingin sa optometrist.
Hindi kayang timbangin ang bigat ng halaga ng pagkakaroon ng maayos na paningin. Essential ang good eyesight pagdating sa performance ng mga pang-araw-araw na gawain. Huwag nang hintayin na lumabo ang mata sa punto na kakailanganin nang kumonsulta sa doktor.
Heto ang ilang healthy habits na dapat i-develop para masigurong mapapanatiling maayos ang ating paningin:
- Siguraduhing balanse ang nutrisyong nakukuha sa pagkain
Mainam na isama sa pang-araw-araw na diet ang mga pagkain na mayaman sa antioxidants tulad ng vitamin A and C foods na green vegetables at isda. Ang mga fatty fish gaya ng salmon ay mayaman sa essential omega-3 fatty acids na importante sa kalusugan ng macula, ang bahagi ng mata ng responsible sa central vision.
Ang kakulangan sa antioxidants, sobrang pag-inom ng alcohol o pagkain ng sobrang saturated fats ay maaaring magdulot ng free-radical reactions na masama sa macula. Isa pang kalaban ng good eyesight ay ang high-fat diets na maaaring magdulot ng pagsikip ng arteries na siya namang essential sa mata.
- Sapat ng ehersisyo
Kung kayang isingit sa mga araw-araw na gawain, mahalaga na subukang mag-develop ng simpleng exercise routine para mapaganda ang blood flow and circulation sa katawan. Matutulungan ng magandang blood flow ang pag-ikot ng oxygen sa katawan na siya namang magpapasigla sa ating paningin. Hindi kailangang maging kumplikado ang exercise routine. Kahit simpleng stretching lang o paglalakad at jogging ay sapat na.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/woman-sleeping-on-bed-eye-mask-650559130
- Sapat ng tulog
Kailangan ng at least five to six hours of sleep ng ating mga mata. Kapag nabibigyan ng sapat na pahinga ang mga mata, matutulungan natin ang mga ito na makaiwas sa mga hindi kanais-nais na sintomas ng eye strain, twitchy eyelids, dry eye, at red eye. Bukod sa pahinga na naibibigay sa ating mga mata, ang sapat na tulog ay tiyak na makatulong din para sa ating pang-araw-araw na performance sa bahay, eskwelahan, o trabaho.
- Maghugas ng kamay
Ang pagkakaroon ng malinis na mga kamay ay essential sa eye health lalo na kung ikaw ay nagsusuot ng contact lens. Malimit na hindi natin namamalayan na nahihimas natin ang ating mga mata bilang tila isang involuntary response tuwing napupuwing na siya namang maaaring magdulot ng itchy eye kung hindi malinis ang ating mga kamay at mayroon makapasok na germs at bacteria sa mata.
Ugaliing dalasan ang paghugas ng kamay upang maiwasan ang pag-transfer ng mga germs, bacteria, at viruses hindi lang sa ating mga mata pero sa iba pang bahagi ng katawan.
- Huwag manigarilyo
Hindi sikreto na maraming masamang epekto sa kalusugan ang paninigarilyo. Samut-saring mga sakit ang pwedeng ma-develop dahil sa usok at nicotine. Bukod sa masamang epekto sa ating baga, cardiovascular health, at immune system, nakakasama rin sa ating mga mata ang usok ng sigarilyo.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/young-attractive-woman-outdoors-wearing-face-1733111354
- Magsuot ng sunglasses
Protektahan ang mga mata mula sa harmful ultraviolet (UV) light na galing sa araw o mga artificial sources sa pamamagitan ng pagsuot ng shades o sunglasses na may UVA at UVB protection. Marami nang mga pag-aaral ang nag-uugnay sa epekto ng UV rays sa pag-develop ng significant eye problems tulad ng cataracts, macular degeneration, pinguecula, pterygia, and photokeratitis.
- Devices at blue light
Marahil ay sanay na tayo na nakatitig sa ating mga devices at gadgets ng ilang oras kada araw. Lingid sa ating kaalaman na ang mga gadgets na ito ay emitters ng tinatawag na blue light na siya namang pangunahing sanhi ng eye strain. Upang maiwasan ang mga masasamang epekto ng blue light, ugaliing mag-schedule ng ilang minutong break mula sa paggamit ng gadgets at iba pang devices.
Payo din mga eksperto mula sa larangan ng ophthalmology na uminom ng supplements tulad ng Lutein para matulungan ang mascula na malabanan ang harmful effects ng blue light.
Ang mga nabanggit na tips ay siguradong makatutulong upang mapaiwas sa mga mas seryosong kumplikasyon sa ating mga mata. Tandaan na huwag maging kampante pagdating sa kalusugan ng ating paningin. Kung maraming katanungan tungkol sa mga karamdaman sa mata, mainam na kumonsulta sa isang eye doctor.
Source:
https://www.bausch.com/vision-and-age/20s-and-30s-eyes/healthy-eyes