Ideas para sa Healthy Family Bonding

December 01, 2017

Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Minsan, dahil sa sobrang higpit ng schedule ng bawat isa, bihira ng magkita sa loob ng pamamahay at hindi nila namamalayan na unti-unti ng nasasara ang komunikasyon sa isa’t isa.

Mahalaga na may pagpapahalaga ang bawat miyembro ng pamilya sa family health o kalusugan ng bawat isa. Himukin ang mga kapamilya na umiwas o itigil ang mga bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.

  • Magkaroon ng Family doctor
  • Ugaliing sumangguni sa mapagkakatiwalaang doktor. Marapat na magkaroon ng family doctor para mayroong sapat na medical history na magsisilbing sanggunian upang matukoy ang mga magiging sakit.
  • Pagsalu-salo sa hapag-kainan
  • Ang pagkain nang sama-sama ay maaaring makapagbigay ng pagkakataon sa mga magulang na matugunan ang emosyonal na pangangailangan ng kanilang mga anak.
  • Magandang simulan ang patakarang magkaroon ng pagsasalu-salo sa pagkain habang bata pa ang mga anak.
  • Isara ang TV o radyo habang nag-uusap-usap sa hapag-kainan.
  • Kumustahin at pag-usapan ang tungkol sa kanilang maghapon at ang kanilang pag-aaral

 

MGA IDEAS PARA SA HEALTHY FAMILY BONDING

undefined

Magkaroon ng family exercises

  • Makakatulong sa family health kung lahat ng miyembro ng pamilya ay nag-eehersisyo at may aktibong pamumuhay. Magandang magkaroon ng family exercises dahil magiging mas masaya ang mga karanasan habang nag-eehersisyo.

undefined

Pagkakaroon ng wastong nutrisyon para sa pamilya

  • Mahalaga na may pagpapahalaga ang bawat miyembro ng pamilya sa family health o kalusugan ng bawat isa. Himukin ang mga kapamilya na umiwas sa bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo; mag-ehersisyo, at kumain din ng sapat at tama.
  • Para sa mga magulang, ipagluto ang mga anak ng masustansyang pagkain. 

undefined

  • Magkaroon ng Family doctor
  • Ugaliing sumangguni sa mapagkakatiwalaang doktor. Marapat na magkaroon ng family doctor para mayroong sapat na medical history na magsisilbing sanggunian upang matukoy ang mga magiging sakit.

Benepisyo ng pagsalu-salo sa hapag-kainan

  • Lahat ay nakakakain ng masusutansyang pagkain
  • Ang mga bata ay may posibilidad na magkaroon ng healthy na katawan
  • Maaaring malayo sila sa paninigarilyo
  • Maaring malayo sa pag-inom ng alak
  • Maaring malayo sa pagsubok ng pinagbabawal ng gamot
  • Maaaring mapabuti ang kanilang grado sa eskwelahan
  • Mas maraming oras upang makapag-usap ang magulang at anak
  • Maaaring mabawasan ang pagkakaroon ng stress sa loob ng pamamahay

 

Isa sa mga nawawalang aktibidad ng pamilya ang pagsasalu-salo sa hapag-kainan. Ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ang pagkain ng salu-salo ay importanteng parte ng masustansyang pamumuhay.

Kapag sama-sama sa hapag-kainan, may posibilidad na kumain sila ng maraming gulay at prutas. Kapag ang mga kabataan ay madalas na kumakain kasama ang kanilang pamilya, may posibilidad na sila ay hindi magkaroon ng sobrang timbang kumpara sa ibang bata. Ngunit may posibilidad na magbago ito habang sila ay lumalaki.

Sa mga kabataan ngayon, ang pagkain ng masustansya ay pagkain ng mas maraming gulay at prutas.

Sa katunayan, ang pagluluto kasama ang mga bata ay maaaring maging isang paraan ng bonding ng pamilya.

Mga benepisyo ng pagluluto kasama ang mga bata:

  • Mararamdaman nilang may naitutulong sila sa pamilya
  • Mas mapapanatili ang buhay ng pagkain ng salu-salo kapag katulong sila sa paghanda ng kakainin
  • Quality time ng mga magulang sa kanilang anak
  • Maaaring mabawasan ang pagkain ng mga hindi masusutansyang pagkain sa kadahilanan na kasama sila sa pagluluto ng kakainan sa hapagkainan

Ang pagkain ng sama-sama ay importante upang mapanatili ang relasyon ng pamilya sa isa’t isa. Ito ay nagsisimula sa hapag-kainan.

At higit sa lahat, importanteng makipaglaro sa mga anak. Ang mga bata ay tila hindi nauubusan ng enerhiya kapag naglalaro. Magagamit mo ito sa ikabubuti ng iyong katawan pag sumali ka sa mga linalaro ng iyong mga anak

Kapag sama-sama ang pamilya, natututo silang makipag-usap, kumain ng masustansya, at magpakita ng magandang asal. Ang mga bata ay matututong magsalita at making nang may paggalang. Ang komunikasyon ay importante din sapagkat lalawak ang kanilang bokubularyo at matututo silang sabihin ang niloloob nila. Ang mga maliliit na bagay na ginagawa ng sama-sama ay nagkakaroon ng malaking impact hindi sa relayson ng isang pamilya, kundi sa relasyon din sa ibang tao.

Magdudulot ng mga makabuluhang karanasan ang pagiging healthy at siyang magtutulay sa mas masayang pagsasamahan.

Sources:

  • https://www.webmd.com/balance/news/20080619/for-happiness-seek-family-not-fortune#1
  • https://www.webmd.com/a-to-z-guides/features/family-dinners-are-important
  • https://www.webmd.com/a-to-z-guides/features/cooking-with-your-children#1
  • https://blogs.webmd.com/doctors/2017/03/why-time-with-our-kids-needs-to-be-a-priority.html