Ang trangkaso ay napapanahong suliranin na hinaharap sa mga lugar ng trabaho, lalo na sa mga malalamig na buwan. Ang isa pang bagay na dumadagdag sa problema ay ang paggamit ng mga central air-conditioning sa mga opisina. Bagaman ang malamig na hangin ay nagbibigay ng comfort mula sa mainit na panahon sa labas, maaari rin itong maging banta sa kalusugan. Maaari itong maging dahilan ng pag-circulate ng virus sa isang espasyo. Maraming office workers and pinipilit na magtrabaho sa kabila ng pagkakaroon ng trangkaso o the flu, kaya naman mas lumalala ang sintomas na kanilang nararanasan.
Symptoms of Flu
Hindi inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang masyadong maagang pagbisita sa emergency room kung ang karamdaman ay hindi pa maituturing na emergency. Ang pagkakaroon ng flu o trangkaso ay hindi naman nangangailangan ng mabilisang medikal na atensyon, ngunit mahalagang maagapan ang mga sintomas gaya ng lagnat, na maaaring maibsan sa pamamagitan ng pag-inom ng RM Paramax, gayundin ang ubo at sipon, pananakit ng katawan, baradong ilong, at fatigue.
Hindi lahat ng mga manggagawa ay minamarapat na gamitin ang kanilang mga sick leaves dahil na rin sa mga deadlines nila sa trabaho kaya mas pinipili nilang pumasok pa rin kahit may sakit. Narito ang ilang mga paraan upang manatiling produktibo sa trabaho habang iniiwasang makahawa ng flu virus sa mga katrabaho.
- Magtakip ng bibig
- Ang paggamit ng face mask ay hindi karaniwan sa Pilipinas ngunit ito ay mabisang paraan upang mabawasan ang mga respiratory droplets na maaaring infected ng virus. Kung uubo o babahing, ugaliing gawin ito sa bandang loob ng iyong siko upang maiwasang ma-kontamina ang iyong mga kamay. Kung iiwasan mong mahawahan ang iyong mga katrabaho, mas makakatulong kang mapadali ang trabaho ng iyong team o departamento.
2. Magpahinga kung kinakailangan
- Ayon sa isang pag-aaral, ang mga manggagawang edad 18-34 years ay mas madalas na mag-overtime at magtrabaho tuwing weekend kaysa sa mga edad 35 pataas. Sa parehong pag-aaral, 55% ng mga respondents ang nagsabing pumapasok pa rin sila sa trabaho kahit na mayroong sakit (kadalasan ay trangkaso). Kung ayaw o hindi maaaring gumamit ng sick leave, siguraduhing makapagpahinga tuwing lunch breaks. Huwag na ring umattend ng mga meeting o seminar kung hindi naman kinakailangan. Iwasan ang pagpapaliban ng mga mahahalagang gawain at maging matalino sa paggamit ng oras nang sa gayon ay hindi mo na kailangang mag-overtime.
3. Uminom ng maraming tubig
- Palaging maghanda ng inuming tubig. Panatilihin mong hydrated ang iyong katawan upang makatulong sa pag-control sa mga flu symptoms. Bukod diyan, sadyang malaking tulong ang tubig sa iyong pangkalahatang kalusugan.
4. Mag-focus sa trabaho, huwag sa sakit
- Maaaring mahirap itong gawin ngunit mas mainam na ibuhos ang iyong lakas sa pagtapos ng iyong mga gawain sa kabila ng mga sintomas gaya ng ubo at sipon. Huwag hayaang maapektuhan ng mga ito ang iyong productivity. Kumuha ng mga tips mula sa mga hacks at productivity apps kung kinakailangan.
5. Uminom ng gamot
- Ugaliing magdala ng iyong flu medicine saan ka man pumunta. Kung kinakailangang pumasok sa trabaho, piliin ang medicine for flu na non-drowsy o hindi nakakaantok.
Sources:
https://www.huffingtonpost.com/eva-m-selhub-md/air-conditioning-health_b_7233810.html
https://www.cdc.gov/flu/treatment/
https://www.nytimes.com/2017/11/13/health/working-sick.html
https://www.npr.org/documents/2016/jul/HarvardWorkplaceandHealthPollReport.pdf