Ang mga diagnosis sa pananakit ng tiyan ay magkakaiba. Dahil dito, hindi inirerekomenda ang self-medication at baka nangangailangan pala ng ibang treatment ang inyong kondisyon. Kapag nakakaranas ng sakit na tila ay indigestion, maaaring gastroparesis na pala ito.
Ang gastroparesis ay isang sakit na nakakaapekto sa normal na paggalaw ng mga muscle sa tiyan. Kapag dumadaan ang pagkain sa ating digestive tract, nangangailangan ito ng muscular contractions. Kapag may gastroparesis, bumabagal o hindi gumagana ang muscle contractions na ito, dahilan para hindi maubos ang laman ng tiyan at abdominal pain.
Saan nakukuha ang gastroparesis?
Ito ay kilalang komplikasyon sa mga pasyenteng may diabetes. May iba naman na nagkakaroon ng gastroparesis matapos ang surgery. Ilan pa sa trigger factors nito ang high blood pressure, ilang mga gamot sa allergy, antidepressants, at opioid pain relievers.
Anu-ano ang mga sintomas ng gastroparesis?
May ilang mga pasyenteng asymptomatic o hindi nakakaranas ng mga sintomas ng gastroparesis. Bantayan ang sumusunod na signs at symptoms ng kondisyong ito para makaiwas sa indigestion at mga komplikasyon sa nutrisyon at blood sugar levels:
- Abdominal pain;
- Vomiting;
- Chronic nausea;
- Bloating;
- Acid reflux;
- Kawalan ng gana kumain;
- Pagbagsak ng timbang; at
- Pakiramdam ng kabusugan matapos kumain ng iilang subo pa lamang.
Lumalala ba ang gastroparesis?
Gaya ng anumang sakit, kapag walang early diagnosis at hindi naagapan ang gastroparesis, maaari itong humantong sa mga sumusunod na komplikasyon:
- Malnutrition – Dahil sa pagsusukang dala ng gastroparesis, hindi gaanong nakukuha ng katawan ang essential nutrients at calories.
- Bezoar – Ito ang tawag sa stomach mass na gawa sa tumigas na ‘di-natunaw na mga pagkain. Napipigilan nito ang mga pagkain sa pagpunta sa small intestine, kaya naman pwede itong ikamatay ng pasyente.
- Abnormal na blood sugar levels – Ang pabago-bagong dami ng pagkaing nagiging bowel movement dahil sa gastroparesis ay nagsasanhi ng taas-baba ng blood sugar levels. Dahilan ito para lumala ang diabetes.
- Dehydration – Ang chronic nausea at vomiting ay maaaring magdala ng dehydration.
Sino ang mga at-risk sa pagkakaroon ng gastroparesis?
Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/healthy-breakfast-high-fibre-bran-flakes-191953970
Ayon sa pag-aaral mas mataas ang risk ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Kailangang maging mas maingat ang mga tao na nakakaranas ng mga sumusunod na kondisyon:
- Mga tinamaan ng viral infection;
- Mga pasyenteng may diabetes;
- Mga sumailalim sa surgery sa abdomen o esophagus;
- Mga umiinom ng mga gamot na nagpapabagal ng panunaw;
- Mga pasyenteng may problema sa nervous system; o
- Mga pasyenteng may hypothyroidism.
Paano ito maiiwasan?
Ang gastroparesis ay isang chronic condition, kaya naman kailangan ng pang-matagalang treatment. Para makaiwas dito, ipinapayo ang mga sumusunod na pagbabago sa lifestyle:
- I-manage ang blood sugar levels. Makokontrol ang pagkakaroon ng gastroparesis kapag nakakapag-maintain ng healthy na blood glucose levels. Kasama na rito ang pagpapanatili ng lifestyle na inirerekomenda para sa mga pasyenteng may diabetes.
- Magbago ng eating habits. Malaki ang ginagampanan ng eating habits sa pagma-manage ng gastroparesis. Kumain ng small frequent meals sa halip na tatlong beses sa isang araw. Sa ganitong paraan, hindi mabibigla ang tiyan sa dami ng kinakain at magiging mas madali ang paglipat ng pagkain papunta sa small intestine.
- Umiwas sa mga matatabang pagkain. Napapabagal ng high-fat foods ang digestion. Magdagdag sa diet ng matataas sa fiber gaya ng cereals, mga prutas tulad ng orange at melon, at mga gulay gaya ng broccoli at carrots.
Para laging sigurado, huwag mahihiyang kumonsulta sa inyong doktor at sumailalim sa mga annual physical exam upang maagang matukoy kung mayroong problema sa kalusugan.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gastroparesis/symptoms-causes/syc-20355787
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15522-gastroparesis