Napakahalagang malaman ang pinagkaiba ng antiseptic at antibiotic. Upang mas maging informed ang mamimili ng gamot, kailangan nating alamin kung para saan nga ba ang antiseptic at para saan din ang antibiotic. Maaaring lingid sa kaalaman ng marami na ang dalawang ito, bagama’t medyo magkatunog at may pagkakatulad, ay magkaiba at may kaukulang functions at purposes. Ano nga ba ang pagkakatulad at pinagkaiba ng dalawang ito?
Antiseptic vs Antibiotic
Parehas na antimicrobials ang antiseptic at antibiotic. Parehas nilang pinapatay at nilalabanan ang mga tinatawag na germs o microbes – kasama na rito ang mga bacteria, fungi, at iba pang pathogens. Parehas nilang pinapagaling at iniiwasan ang paglala ng mga impeksyon.
Gayon pa man, ang antiseptic at antibiotic ay may malaking pinagkakaiba lalo na sa klase ng microorganism na nilalabanan nila at kung paano nila ito nilalabanan. Para sa antiseptic, tinatarget lamang nito ang bacteria at pinapabagal lamang nito ang paglago ng mga mikrobyo. Sa kabilang dako, ang antibiotics naman ay ginagamit upang direktang patayin o patigilin ang pagdami ng pathogens. Isa-isahin nating alamin kung ano nga ba ang antiseptic at antibiotic at kung kelan sila dapat gamitin.
Ano ang antiseptic?
Ang antiseptics ay kadalasang ginagamit upang pigilan ang paglago ng bacterial infection sa external parts ng katawan. Pinapahina at pinapabagal nila ang pagdami ng mga bacteria at iba pang micro-organisms para maiwasang maging sanhi pa ng paglala ng impeksyon ang bacteria.
Madalas mong makikitang ginagamit ang antiseptic sa paglilinis ng balat ng pasyente bago siya turukan ng injection (tulad na lamang ng IV drip o blood test). Maaari rin itong gamitin sa paglilinis ng mga external na sugat sa katawan. Kilala ang antiseptics na tumutulong sa pag-destroy ng infection carrying agents ngunit sinasabi ring mahusay din itong bacteriostatic substance na magpapaiwas at lubhang ire-restrict ang bacterial growth. Dahil dito, madalas gamitin ang antiseptics para sa mga impeksyon o sugat sa katawan.
Kabilang sa mga uri ng antiseptics ay hydrogen peroxide,RiteMED povidone iodine, benzalkonium chloride, at RiteMED rubbing alcohol.
Photo from Pixabay
Kelan at paano ito dapat gamitin?
- Hindi pwedeng lunukin o inumin ang mga antiseptics dahil ang mga ito ay kadalasang mga kemikal na nakakalason.
- Ginagamit lamang ang antiseptics para i-disinfect ang mga external surfaces ng mga animate objects. Gamitin lamang ito as a topical medicine para gamutin ang mga external na sugat sa katawan at hindi kapag may nararamdamang masama tulad ng sakit sa ulo, ubo at sipon.
Ano ang antibiotics?
Ang antibiotics, hindi tulad ng antiseptics na mayroong multiple areas of action, ay may specific action. Antibiotics ang responsable sa pagpatay ng ibang bacteria at ibang uri ng fungi at parasites.
Kung ang antiseptics ay nagpapabagal lamang ng paglago ng mga bacteria, ang antibiotics ay ginagamit upang direktang puksain ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon sa loob ng katawan ng taong apektado. Ang maaaring maging disadvantage nga lang ng paggamit ng antibiotics ay hindi ito epektibo sa lahat or maraming uri ng impeksyon. Madalas ding maging resistant ang mga bacteria sa paggamit ng antibiotics samantalang ang resistance sa antiseptics ay bihirang mangyari.
Ang mga antibiotics ay maaaring makuha sa maraming mga paraan. Ang mga ito ay:
- Tablets
- Capsules
- Liquids
- Creams
- Ointments
Ilan na rin sa mga halimbawa ng antibiotic drugs ay penicillin, streptomycin, at ampicillin.
Photo from Pixabay
Kelan at paano ito dapat gamitin?
- Ginagamit lang dapat ang antibiotics kapag ito ay prescribed ng doctor o healthcare professional upang maiwasan ang antibiotic resistance o ang pagiging immune ng mga bacteria or microbes sa antibiotic drugs. Ang paggamit ng mali o hindi angkop na antibiotic para sa iyong kondisyon ay maaari ring magdulot ng resistance ng bacteria kaya mainam na iwasan mag-self prescribe at magpa-check up na lamang sa doktor kung may nararamdamang masama.
- Maaari ring gumamit ng antibiotic ointment pagkatapos linisin ang sugat at bago mag-apply ng bandage upang maiwasan ang impeksyon o ang paglala nito.
- Madalas ding gamitin ang antibiotics sa mga pasyente bago sila operahan upang matiyak na hindi sila makakakuha ng kahit anumang impeksyon mula sa mga pathogens na pwedeng pumasok sa kanilang mga open wounds. Kapag hindi ito ginawa, mataas ang posibilidad na magkaroon ng blood poisoning at mga mas komplikadong operasyon.
- Huwag gamitin ang antibiotics sa mga conditions na dulot ng viruses tulad ng common cold, flu, cough, o sore throat.
Ngayong alam mo na ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng antiseptic vs antibiotic at kung kelan at paano sila gamitin, tandaan lamang na ang pinakamainam at pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon ay ang pagpapanatiling malinis ang iyong sarili, bahay, at komunidad. Ayon sa mga pananaliksik, ang mga kamay ang pangunahing paraan sap ag-transmit ng germs, bacteria, at iba pang microbes galing sa isang tao papunta sa iba. Ayon nga sa popular na kasabihan, “Prevention is better than cure.” Palagi ring tatandaan na pagdating sa gamot, doon tayo sa subok at kilala tulad na lamang ng RiteMED – ang pinagkakatiwalaang gamot ni Susan Roces.
SOURCES:
Difference between antiseptic and antibiotic. (2019). Differencebetween.net. Retrieved 4 February 2019, from http://www.differencebetween.net/science/difference-between-antiseptic-and-antibiotic/
How do antibiotics work? How long they take to work and more. (2019). Healthline. Retrieved 4 February 2019, from https://www.healthline.com/health/how-do-antibiotics-work#resistance
The difference between antibiotics, antibacterials, and antiseptics – and when to use them. (2019). Vitals.lifehacker.com. Retrieved 4 February 2019, from https://vitals.lifehacker.com/the-differences-between-antibiotics-antibacterials-an-1779376753
Verderico, G. (2019). Antibiotic Dos and Don'ts. Dhmgblog.dignityhealth.org. Retrieved 4 February 2019, from http://dhmgblog.dignityhealth.org/antibiotic-dos-and-donts