Ang paracetamol ay mabisang over-the-counter medicine para sa mild to moderate pain. Maaari itong bilhin sa pinakamalapit na botika kahit walang reseta kapag nakaranas ng pagsakit ng ulo, menstrual cramps, pagsakit ng mga kasu-kasuan o arthritis, pagsakit ng muscles sa katawan at lagnat.
Iniiwasan ng paracetamol ang produksyon ng prostaglandins, ang substance na nilalabas ng ating katawan kapag tayo ay nakararanas sugat o pamamaga. Kapag ininom natin ang paracetamol, ina-absorb ito sa ating bloodstream kaya naman na-iiwasan ang prostaglandins. Dahil dito, hindi na natin nararamdaman ang sakit na dulot ng ating injury.
Mayroong paracetamol para sa mga adults at mayroon din namang paracetamol for kids na maaaring ibigay sa mga batang 12 years old pababa. Para naman sa mga mommies na nahihirapan painumin ng paracetamol ang babies, maaari ring bigyan ang inyong kids ng paracetamol suppository. Ito ay maaaring ipasok sa puwet ng iyong baby para mas madaling malusaw at ma-absorb sa loob ng katawan.
Hindi maikakalila na ang paracetamol ang isa sa pinakasikat at pinaka ginagamit na pain killer tuwing nakararanas ng katamtamang sakit sa katawan at ulo. Pero totoo nga bang safe ito inumin kahit walang laman ang tiyan? Ayon sa mga pagsusuri, maaaring uminom ng paracetamol kahit hindi pa kumakain dahil hindi nito na-iirritate ang lining ng ating tiyan. Ganunpaman, ang ibang pain killers tulad ng ibuprofen at aspirin ay hindi pwedeng inumin nang walang laman ang tiyan dahil maaari itong magdulot ng iritasyon sa tiyan at maaari pang magdulot ng pagdurugo.
Effective ba ang RiteMED Paracetamol kumpara sa branded paracetamol?
Hindi nagkakaiba ang epekto ng RiteMED Paracetamol kumpara sa branded pain killers na mahahanap sa mga botika. Lahat ng gamot, tulad ng paracetamol, ay sumasailim sa pagsusuri at may sinusunod na standard pagdating sa kalidad kaya naman siguradong parehas lamang ang bisa nito.
Kailan nga ba kailangan nang magpakonsulta sa doktor?
Hindi lahat ng klase ng pain ay maaaring solusyunan lamang ng paracetamol. Mild to moderate pain ang kayang maibsan nito kaya naman mahalaga pa rin na magpakonsulta sa doktor kapag tumitindi na ang nararamdaman na sakit. Lumapit na rin sa inyong doktor kung pabalik-balik ang iniindang sakit para makasigurado sa totoong sanhi ng pagsakit na ito.
Sources:
https://mousemommytreats.blogspot.com/2017/06/busting-myths-of-paracetamol-what-is.html