Sa daanan ng sikmura ay may isang valve na tila paikot na mga muscles na tinatawag na lower esophageal sphincter o LES. Kadalasan ang LES na ito ay nagsasara kapag dumadaan ang pagkain dito. Kapag ang LES ay hindi nagsara at nagbukas nang higit sa normal, ang stomach acid ay umaakyat pataas sa esophagus. Ang kondisyong ito ay maaaring maging sintomas ng mainit na pakiramdam sa dibdib o tinatawag na heartburn. Kapag ang sintomas na ito ay nangyari higit sa dalawa sa loob ng isang linggo, ito ay tinatawag na gastroesophageal reflux disease o GERD.
Ano ang GERD?
Ang gastroesophageal reflux disease o GERD ay kalimitang naihahambing din sa ulcer dahil sa tila pangangasim ng sikmura, hirap sa paghinga, paulit-ulit na pagdighay, at ang pakiramdam na tila laging busog. Pero kaiba sa ulcer na nasa lining ng sikmura, ang GERD ay nangyayari lamang sa likod ng lalamunan. Nakakaramdam ng sakit o pagkirot sa dakong leeg na maaaring makasira sa esophagus o lalagukan.
Causes of GERD
Ang acid reflux ay sanhi ng abnormality sa sikmura na tinatawag na hiatal hemia. Kapag mayroon nito, ang acid ay gagalaw paitaas sa esosphagus o lalagukan at nagiging dahilan ng GERD.
Narito pa ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng sakit na GERD:
- Pagiging overweight o obese;
- Labis na pagkonsumo ng mga pagkaing gaya ng kamatis, tsokolate, mint, sibuyas, bawang, at maaanghang at matatabang pagkain;
- Pag-inom ng alak, kape, o tsaa;
- Paninigarilyo;
- Pagbubuntis;
GERD Signs and Symptoms
Ang mga sumusunod ay ang mga dapat obserbahan kung nakakaranas ng acid reflux:
- Heartburn - mainit na pananakit sa dibdib na maaaring gumalaw sa sikmura papuntang dibdib na pwedeng umabot hanggang lalagukan;
- Regurgitation - Tila mapait o sour na panlasang acid sa likod ng lalagukan o bibig;
- Bloating;
- Maitim na dumi na maaaring may dugo;
- Pagsukang may kasamang dugo;
- Panay- panay na pagdighay;
- Pagsinok na hindi tumitigil
Myths and Facts about GERD
May ilang mga maling akala tungkol sa kondisyong ito. Makabubuting alamin ang katotohanan sa likod ng myths na ito upang mas mabigyan ng tamang solusyon ang karamdaman.
Myth 1: Hindi nakakaapekto sa kalidad ng buhay ang GERD.
Ang GERD ay maaaring maging dahilan ng iba’t ibang hindi magandang pakiramdam sa katawan gaya ng heartburn, bloating, o pagkabalisa na maaring maranasan buong araw hanggang sa pagtulog. Kapag lumala at hindi naagapan, ang GERD ay maaaring maging sanhi ng mga sakit gaya ng esophagitis, pagkabulok ng ngipin dahil sa acid, esophageal ulcer, Barrett’s Esophagus, at iba pa.
Myth 2: Ang heartburn na dala ng GERD ay may kinalaman sa puso.
Hindi apektado ng heartburn ang puso. Walang kaugnayan ang kondisyon ng puso sa sintomas na ito.
Myth 3: Nakakatanggal ng bad breath ang GERD.
Malimit na inaakala na ang acid reflux na umaangat hanggang esophagus ay nakakatanggal ng bad breath. Sa katunayan, napapalala nito ang amoy ng hinga dahil sa epekto ng acid.
Myth 4: Ang mga gamot para sa acid reflux o GERD ay nakakasama sa digestion process.
Sa kadahilanang ang mga gamot para sa acid reflux o heartburn ay nakakapagpabawas ng acid, kalimitang pinangangambahang naaapektuhan nito ang normal na proseso ng panunaw sa katawan ng isang tao. Ang katawan ay may natural na produksyon ng acid, kaya naman ang mga gamot para sa acid reflux ay walang kinalaman sa digestive processes.
Myth 5: Tanging ang mga taong walang healthy lifestyle ang malimit magkaroon ng acid reflux.
Bagama’t may maayos na pamumuhay at tamang nutrisyon, may mga taong malulusog na maaari ring magkaroon ng acid reflux. Maaaring sensitibo ang kanilang tiyan sa ibang pagkain kaya nagiging triggers ito ng pag-atake ng GERD.
Myth 6: Ang heartburn ay bahagi ng pagtanda.
Totoong bumabagal ang panunaw ng isang tao habang tumatanda, pero hindi ito nangangahulugang sila lang ang maaaring makaranas ng acid reflux. Ang tamang diet at tamang lifestyle ay maaaring makabawas sa posibilidad na magkaroon ng acid reflux sa mga nakatatanda.
Myth 7: Tanging maaanghang na pagkain na nagdudulot ng acid reflux.
Totoo na nakaka-trigger sa acid reflux ang pagkaing maaanghang ngunit hindi lang ito ang uri ng mga pagkaing sanhi nito. Ang mga pagkaing mamantika gaya ng taba ng baboy, bacon, kape, at alcohol ay maaari ring magdulot ng GERD. Sa iba naman, dala ito ng hindi magandang lifestyle gaya ng paninigarilyo, o kaya naman mga kondisyon gaya ng hika at diabetes.
Myth 8: Medikasyon ang tanging lunas para rito.
Nakakatulong ang mga gamot, ngunit ang wastong diet at tamang lifestyle ay may malaking bahagi para mapabuti ang kondisyon. Makakatulong rin ang pagsusuot ng mga maluluwag na damit at pag-iwas sa paghiga matapos kumain.
Hindi dapat binabalewala ang GERD dahil maaari itong humantong sa mga mas malalang kondisyon.
Makabubuti rin na magpakonsulta sa doktor para matiyak ang tunay na kondisyon ng katawan. Mahalaga na mayroong reseta ang doktor base sa iyong nararamdaman.
Ang mga gamot na malimit ireseta kapag nagkakaroon ng GERD ang isang tao ay ang mga gamot gaya ng RiteMED Omeprazole, RiteMED Rabeprazole, at RiteMED Ranitidine. Ang mga ito ay nakakatulong para mabawasan ang sakit at tuluyang guminhawa ang pakiramdam mula sa acid reflux sa tiyan.
Sabay sa pag-inom ng gamot na inireseta ng doktor, inirerekomenda rin ang wastong diet at tamang lifestyle. Mag-ehersisyo at itigil ang mga bisyong walang dulot na mabuti sa katawan. Maging matalino at mapanuri sa mga pagkaing kakainin.
Sources:
https://www.healthgrades.com/conditions/7-myths-about-acid-reflux
https://www.webmd.com/heartburn-gerd/guide/what-is-acid-reflux-disease#1
https://www.webmd.com/heartburn-gerd/guide/untreated-heartburn#1